"Oh thanya nandyan ka na pala,bakit ang tagal mo namang kumuha ng mga yan?" Nakita kong naka taas ang isa nyang kilay habang nakatingin saakin
Naalala ko naman ang nangyari kanina lang......
Flashback
"Wag" may narinig akong nagsalita boses babae ito kaya agad naman akong napalingon sa pinanggalingan ng boses na yun,kinilabutan naman ako ng wala akong makitang tao sa paligid sigurado akong may narinig ako pero hindi ko nalamang pinansin to baka guni guni ko lamang iyon
Dumeretso ako sa loob ng bodega at pumunta sa cabinet para kuhain ang mga paint brush at paints,paalis na sana ako ng may umagaw ng pansin ko isang kurtina na kulay itim may tinatakpan ito dahan dahan naman akong lumapit dito at tinanggal ang kurtina.
'La bùsqueda'
Ganyang salita ang nakita ko sa baba ng painting na tinanggalan ko ng kurtina halatang ang salitang ito ay hindi tagalog gayon paman unti unti kong nilibot ang aking mga mata sa painting na ito habang tinitignan ko ito ay parang unti unti itong nagiging pamilyar saakin.
Tama,ito yung painting na nakita ko nung mga bata pa kami nila angela sa may likod bahay ngunit parang may kakaiba, ang batang nakaupo sa ilalim ng puno naging isang binata ito nakakapagtaka sa pag kakaalam ko bata ang nakaupo sa punong ito. May narinig naman akong boses sa labas ng bodega boses ito nila lola at lolo agad ko namang tinakpan ang painting at dahang dahang lumabas sa bodega
End of flashback
"Ah a-ano kasi"
"Kasi?" Nakataas paring kilay ni angela
"B-binago p-pala ni lola yung lalagyan ng mga to kaya nahirapan ako sa paghahanap" pagdadahilan ko nakahinga naman ako ng maluwag dahil nakita kong ngumiti ito at kinuha saken ang mga gamit
"Okay tara na mag start na tayo"Ngumiti naman ako sakanaya hudyat na sang ayon ako dito
Narinig kong tumunog ang bell sa bahay isang beses lang yun hudyat na nagbukas na ang exhibit 8:00 nag bubukas ang exhibit at 6:00 pm naman ito nagsasara
Inilapag ko naman ang gamit sa tabi nya at nagsimula narin,hanggang ngayon di parin naaalis sa isipan ko ang nangyari kanina lang 'stop thinking about what happened earlier thanya guni guni mo lang yun' paulit ulit kong sinasabi sa utak ko.
Ipanagpatuloy ko lang ang ginagawa ko,lumipas din ang mga oras ng matapos kami niligpit na namin ang mga gamit at isinalansan ito ng maayos sa cabinet na nasa likod namin. Napagdesisyunan naman namin na bumaba na at sinabi rin saakin ni angela na uuwi na sya dahil may inuutos daw sakanya ang mama nya.
"Sige ghorl,alis na ako ha?" Pagpapaalam nya ng makalabas kami sa pinto
"Sige ako nalang magsasabi kila lola na nauna ka na,ingat!" sabi ko sabay kaway sakanya ng makaabot sya sa gate,kumaway nalang sya hudyat na pag sang-ayon at pumara na ng tricycle.
Nang makaalis sya ay dumeretso na ako sa loob pero papasok palang ako ng pinto ng magulat ako sa matandang nasa harapan ko,ngumiti ito saakin
"Hinahanap namin sila tadeo at fely"mahina at may paggalang na pananalita ng kagabi nya.
Ngayon ko lang napansin ang itsura nila yung babaeng matanda na parang kasing edad lang nila lola ay naka purple dress at may suot na na scarf sa leeg,yung lalaki namang nagtanong saakin ay naka slacks at polo na brown halatang mag asawa sila.
"Iha?" Narinig kong tanong saakin ng matandang babae
"Ah s-sila lola po? Sandali lang po at tatawagin ko sila"
BINABASA MO ANG
Paint me in your Heart
Romance"I like paintings and different kinds of art but I can't make an art"-Art "But you are the best Art i know"-dwight