"W-wait lang!" Sigaw ko sakanya ng tumayo at maglakad sya paalis.Kanina lang may sinabi sya,alam nya kaya? Sya kaya ang dahilan kung bakit ako nandito.
WAAAAAAAAAAH masakit na ang ulo ko kakaisip.
"What?" Tanong nya pero hindi lumilingon saakin. Nakatalikod sya
"Sabi mo kanina painting 'di ba?"
"Oh? What about that?" Ngayon ay lumingon na sya saakin ng nakataas ang isang kilay
"A-alam mo ba kung bakit ako nandito? O k-kaya bakit ako napunta dito ha? kasi sabi mo painting. Totoong painting to diba,nakapasok ako dito sa painting diba? Hindi ako nanaginip o nababaliw lang no?" Sunod sunod kong tanong sakanya
Kita ko naman ang pag kunot ng noo nya,ilang segundo pa syang nakatitig lang sakin ng tumawa sya ng malakas?
Tumawa sya?
"Hahahahaha seriously? stop,are you making fun of me?" he said while laughing like a crazy jerk. Ikaw na lalaki ka!
Napanganga nalang ako habang nakatingin sakanya. Hinintay ko syang tumigil sa pagtawa at tinignan ako ng seryoso,ngayon naman seryoso na sya. Hirap kausapin nitong lalaking to e
"Did you take it seriously huh?" Tanong nya ng nakataas parin ang kilay.
kilay ang labanan? joke.
"Ang sabi mo kanina nasa painting tayo"
"Yeah, pero hindi ko sinasabing literal na nasa painting tayo crazy woman" crazy woman? Grabe ka naman hindi nga ako baliw!
"Crazy woman? totoo naman lahat ng sinabi ko sayo no" sabi ko sakanya habang papalapit sakanya
"Stop. Dyan ka lang"
Tumigil naman ako sa paglalakad.
"Pero ano ba kasing ibig mong sabihin dun sa are you done staring with this perfect painting ha?" Tanong ko sakanya, gulong gulo na ako.
"Are you living here?" Tanong nya.
"H-hindi"
"What i mean is,this place is inspired with a painting" ganon? e ano yung nasa bahay namin? parehas na parehas yung painting na nasa bahay dito sa lugar na to
"S-sinong nag painting?" Medyo kinakabahan naman ako nagtanong
"No one knows"
yun nalang ang narinig ko sakanya at umalis na ng hindi man lang nagpapaalam saakin.
***
Halos isang oras na akong palakad lakad dito sa 'La busqueda' may mga iba't iba pang bagay na magaganda dito katulad ng mga restaurant,hotel,park at iba pa. ang maganda doon ay halos pinagsama talaga ang buhay noong panahon siguro nila lola at ng panahon namin ngayon. Maganda pero may mga nakikita rin akong mga pulis sa paligid, hindi ako sigurado kong pulis ba sila o sundalo pero may mga baril sila.
"Nandyan na ang mga opisyal!" Rinig kong sigaw ng isa sa mga nagtitinda sa gilid ng kalsada napalingon naman ako doon.
Nakita kong may papalapit na mga naka semi formal attire na mga lalaki apat sila at may mga kulay brown na sumbrero ang dalawa sakanila ay naka salamin siguro mga nasa 40's na sila.
"Dayo ka lang ba rito ms?" Gulat ako ng may marinig akong boses ng babae.
Lumingon ako sa gilid ko nakita ko ang babaeng naka bestidang kulay dilaw na naka tali ng maayos ang buhok,maganda sya,maputi rin.
BINABASA MO ANG
Paint me in your Heart
Romance"I like paintings and different kinds of art but I can't make an art"-Art "But you are the best Art i know"-dwight