Chapter 4

3 1 1
                                    

Tadeo's POV

Pagbukas ko ng pinto at ay nakita kong dala na ng apo kong si thanya ang meryenda agad ko naman iyong kinuha at pinababa muna sya,tumataas ang tensyon dito sa loob kaya kung maaari lang wag ng madamay pati si thanya

"Eto ang meryenda,mag meryenda muna tayo" mahinahon kong sabi sakanila tahimik parin si fely pati narin ang dalawang mag asawa sa kabilang upuan

"Pasensya na fely,alam kong hindi maganda ang mga nasabi ko kanina lamang" pagsasalita ni mrs.pablo

"Ayos lang,gusto ko lamang ipaintindi sainyong lahat na ang nangyari noong  nakaraang labing dalawang taon ay hindi mauulit sa aking apong si thanya,hanggang ngayon ay alam nating hindi maipaliwanag ang nangyari yoon sa anak ninyong si clara" seryoso ngunit alam kong may pag aalala si fely,kahit ako rin naman ay ayaw mangyari sa apo ko iyong nangyari kay clara.

"Alam namin pasensya na talaga by the way nandito talaga kami para mag donate sa exhibit matagal narin namin gustong mag donate ng mga paintings pati narin ng pera para sa ikakaganda at ikakabuti pa ng exhibit" masayang pagpapaliwanag ni diego

Napangiti rin ako sa mga sinabi nya

"Ganon ba? Aba'y magandang balita iyan,hindi ba fely?"

"Maganda nga,maraming salamat sainyo" tugon ni fely saamin

"Sya nga pala kaylan ba namin pwedeng ipadala dito ang mga paintings?" Tanong ni mrs.pablo

"Next week siguro carmen,dahil ang mga mag aayos ng paintings sa mga exhibit ay next week pa dadating dahil may mga bago rin silang paintings na dadalhin dito" sagot ni fely sakanya

"Kung ganon ay mauuna na kami?" Si diego

"Ang bilis naman ata? Pero kung ganon ay sige mag iingat kayo" tanong ko kay tadeo,masyado pang maaga para umalis sila

"May mga aayusin pa kasi kami sa bahay namin fely at tadeo"

"Ganon ba? O sige salamat sa pagpunta ninyo magkita ulit tayo next week" ngiting sabi ni fely sakanila

Inihatid namin sila sa labas ng pinto,pagkatapos noon ay bumalik na kami sa taas,marami parin kaming inaayos dito kaya nga ay mas mabuting wag na lamang naming pansinin ang mga gumugulo sa utak naming parehas ni fely,ang importante lang ay kasama namin si thanya yun ang mahalaga.

Thanya's POV

Katapat ko ang cabinet na pinaglalagyan ng mga gamit para sa medicine kit,pero hindi ko pa man nabubuksan ang cabinet naagaw na naman ng pansin ko ang painting na iyon sa dulong parte ng bodega hindi ko alam kung bakit namalayan ko na lamang ang sarili kong nasa harap ng painting na ito

"Ano bang meron sa painting na to?" Tanong ko sa sarili ko

Dahan dahan ko iyong binuksan,ganon parin naman walang pinagbago. Hinawakan ko ang gilid ng painting 'maalikabok' pero gawa ang gilid nito sa kahoy halatang pinaglumaan na dahil nakikita ko na ang mga butas butas sa kahoy,

Pero laking gulat ko na lamang ng hawakan mismo ang painting ay higopin ako nito papasok kaya napasigaw ako.

Maliwanag,sikat ng araw,yan ang naaaninag ko ngayon sobrang sakit ng ulo bahagya naman akong bumangon sa pagkakahiga at hinawakan ang ulo ko.

"A-aray"daing ko masakit ang ulo ko feeling ko nauntog ako sa matigas na bato.

"Magandang dalaga,pwede mo bang iabot saakin yang balde sa tabi mo?" Rinig kong sabi ng isang babae,bahagya ko naman syang tinignan naka bestida syang puti at may hawak na mga damit.

"I-ito po ba?" Turo ko sa baldeng nasa tabi ko.

Tumango naman sya.

"Taga rito ka ba?" Tanong nya

Paint me in your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon