🌹🚬
MINA
"Wow! Ang pogi naman ni Tomi ko!" Sabi ko matapos ko siyang bihisan. Day-off ko ngayon kaya ipapasyal ko siya.
"Ang bango!" Hinalikan ko siya sa pisngi. Kahit naka-simangot na ang anak ko ay hindi ko pa rin siya tinigilan. Sinong mag-aakala magkaka-roon ako ng ganitong ka-gwapo na anak? Nakaka-proud!
"Mama gusto ko po chocolate ice cream ha?" Sabi sa'kin ni Tomi. Tumayo ako mula sa pagkaka-upo sa kama at inayos ang bag na dadalhin namin. Nagdala ako ng extra na damit niya para kapag pinagpawisan siya ay may pamalit siya. Balak ko rin kasi siya dalhin sa park.
"Opo, bibili tayo mamaya. Saan mo ba gusto? Jollibee?"
"Ayaw ko don po mama."
"Bakit?"
"Gusto ko po yung sa may clown eh!" Sabi niya. Natawa ako. Mcdonalds pala ang gusto niya.
"Doon ba kayo kumakain ni Sister minsan?"
"Opo mama."
"Talaga? Kayong dalawa lang?"
"Opo." Straight na sagot niya.
"Behave ka ba kapag lumalabas kayo ni Sister?"
"O–opo."
"Weh?"
"Hmm!" Tumango-tango siya.
"Very good. Tara na, 'nak!" Hinawakan ko ang isang kamay niya at sinukbit ang bag na dala-dala ko. Ni-lock ko muna ang pinto ng kuwarto namin bago kami umalis. Maagang umalis si Thomas kaya nag-iwan na lang ako ulit ng note sa ref. Hindi naman siya rito magla-lunch sa bahay kaya hindi na 'ko nag-iwan ng pagkain. Mamaya pa naman ang uwi niya eh.
Ala-una pa lang ng tanghali kaya sobrang init. Nakapayong kaming dalawa ni Tomi sa tapat ng bahay habang naghihintay ng taxi.
Ilang saglit pa ay may humintong pamilyar na sasakyan sa harap namin kaya hinila ko si Tomi sa tabi ko at niyakap.
"Hi, Mina!"
Si Richard.
Bumaba ito mula sa sasakyan niya sabay lapit sa'min. Wala na ang mga sugat niya sa mukha dahil ilang linggo na rin simula ng mabugbog siya ni Thomas.
"H–Hello, Chad. Kamusta?" Tanong ko. Ngumiti siya sa'kin kaya sumilay na naman ang dimples niya.
"Ayos lang–teka, sino siya?" Turo niya kay Tomi.
BINABASA MO ANG
Lies & Fall
RomanceSa mga taong nakapaligid kay Mina at Thomas, ang alam ng lahat ay wala silang kahit anong koneksyon noon pa man. Matapos ang ilang taon, nagkita muli sila. Ang buong akala niya ay hindi na siya nito kilala. Pero mali siya. Hindi siya nito nakalimuta...