CHAPTER 64

2K 78 0
                                    

🌹🚬

MINA

Hindi mabura ang ngiti ko habang pinapanood ko ang mag-ama ko. Narito kami ngayon sa park at naglalaro. Sinamahan ko silang dalawa. Dalawang araw pa lang simula ng malaman nila ang koneksyon nila sa isa't-isa, heto at hindi na sila mapaghiwalay.

Umupo ako sa bench at inilabas ang cellphone ko. Kinuhanan ko sila ng picture habang nag-i-slide si Tomi. Sa dulo ng slide, nakatayo naman ang papa niya at inaabangan siya. Hindi hinahayaan ni Thomas na masugatan o marumihan ang anak namin. Mas OA pa nga siya sa'kin. Hindi naman ako masyadong nag-aalala sa anak ko kapag ganitong sobrang hyper niya. Normal naman sa bata ang masugatan kapag naglalaro. Halos lahat naman yata ng bata, naranasan ang magka-sugat sa tuhod. Noong maliit pa 'ko, suking-suki ako ng band-aid. Wala akong pakialam dati kahit ilang sugat ang matamo ko basta masaya ako. Si Kuya Matthew, siya ang laging nagagalit kapag nakikita akong ganoon.

Natulala ako habang hawak-hawak ang cellphone ko. Kinakabahan na naman ako sa posibleng mangyari. Wala na akong balita kay Everett. Kapag namamalengke ako, umaasa ako na magpapakita siya sa'kin. Pero wala. Iniisip ko na baka may ibang plano sila na hindi ko alam. Ipinagdadasal ko lang na sana, huwag nilang idamay ang anak ko.

"You're spacing out. Are you okay?" Muntik ko ng mabitawan ang cellphone ko ng biglang magsalita si Thomas. Nasa tabi ko na pala siya at naka-upo. Kumuha siya ng bottled water at uminom. Pinagmasdan ko lang siya. Medyo pawisan na siya pero ang bango niya pa rin. Ibinulsa ko ang cellphone at kinuha ang towel sa bag. Pinunasan ko ang noo, leeg at likod niya. Pagkatapos ay sumandal siya sabay buga ng hangin.

"Look at him. I don't think he ever gets tired. To whom did he inherit his stamina? Probably not from me." Sabi ni Thomas habang nakatingin sa anak namin na pabalik-balik kung saan. May kahabulan ito na ilang bata. Namumula na ang pisngi niya.

"Oo na! Sa'kin na siya nagmana sa pagiging hyper." Sabi ko sabay nguso. Pinisil ni Thomas ang pisngi ko kaya napatingin ako sa kanya.

"I'm just kidding."

"Alam ko." Sabay ngiti ko.

Bigla kong naalala na may baon pala kami. Kinuha ko ang lunchbox na dala-dala ko na may lamang sandwich at binigyan si Thomas ng isa. Napatingin siya sa hawak-hawak ko.

"What's this?"

"Sandwich."

"I know."

"Eh bakit mo pa tinanong kung ano 'to?"

"Tsk. I–I hate sandwich." Napa-nga nga ako. Kaya pala kapag gumagawa ako ng sandwich sa bahay, hindi niya kinakain.

"Ganoon ba... Sige, ako na lang ang kakain." Sabi ko. Hindi ko siya pwedeng pilitin dahil hindi rin naman siya papayag. Kilala ko na siya ano. Kapag ayaw niya, ayaw niya–

Natigilan ako ng hablutin niya sa'kin ang sandwich na hawak ko.

"Akala ko ba, ayaw mo?"

"I'm hungry. Besides, there is no other option." Sabay kagat niya sa sandwich. Umigting ang panga niya.

Grabe! Sobrang gwapo!

Lord, thank you po sa blessing–

"Mina,"

Lies & Fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon