CHAPTER 46

1.9K 84 11
                                    

🌹🚬

MINA

CONTINUATION

"Wow!" Nabitawan ko si Thomas kaya bumagsak siya sa sahig.

"Ay–naku, sorry!" Nilapitan ko siya.

Kakapasok lang namin dito sa loob ng vacation house. Hinanap ko ang switch ng ilaw at binuksan 'yon. Hindi 'yon masyadong maliwanag. Sobra akong namangha sa nakikita ko. Hindi naman ito ang unang beses na nakakita ako ng magandang bahay. Pero iba kasi ang ayos at ang mga gamit dito. Para akong nasa palasyo. Sobrang laki at gara ng chandelier!

"Argh..." Na-udlot ang pagka-mangha ko sa loob ng bahay ng marinig ko ang daing ni Thomas.

Lumuhod ako sa tabi niya at sinapo ang noo at leeg niya. Ma-init at sobrang pawisan na siya.

"Thomas? Anong masakit?" Tanong ko.

Mabuti na lang at may carpet ang binagsakan niya. Hindi ko naman alam kung saan ko siya dadalhin dahil sa sobrang laki nitong bahay. Pwede na siguro siya rito sa sahig. Malinis naman eh. Tsaka ang bigat niya! Sobra akong nahirapan. Ang harot pa!

"Teka, sandali." Inilibot ko ang tingin sa buong bahay. Saan kaya ang kusina dito?

Tumayo ako at iniwan saglit si Thomas. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hawakan ang ibang gamit. Magkano kaya ang halaga ng mga 'to?

Nangunot ang noo ko ng makita ko ang maraming kandila. Sa sobrang dami ay aakalain mong may seremonya. Bigla tuloy akong nangilabot ng makita ko ang mga 'yon.

Naglakad pa ako at sa wakas, nakita ko rin ang kusina. Mabuti na lang at alam kong gamitin ang mga gamit na narito dahil mayroon din naman kami ng mga ito sa unit.

Bigla kong naalala si Kuya. Basta na lang namin siyang iniwan doon sa may parking lot na wala siyang malay. Hindi ko tuloy ma-iwasan mag-alala. Kahit ganoon ang ginawa niya, kapatid ko pa rin siya. Sana ay ayos lang lagay niya.

Kumuha ako ng malamig na tubig sa ref at naghanap ng malinis na tuwalya. Pagkatapos ay isinalin ko 'yon sa palanggana na mukhang mamahalin pa.

Binalikan ko si Thomas. Hindi siya mapakali habang nakahiga sa sahig. Hinawakan ko ang pisngi niya. 

Sobrang init niya na!

Piniga ko ang tuwalya at pinunasan ang mukha niya. Nagulat ako ng hawakan niya bigla ang kamay ko at hinila ako palapit sa kanya. Tinitigan niya ako. Sobrang pungay na ng mga mata niya. Nakita ko ang paglunok at pagbaba niya ng tingin sa dibdib ko.

Bakit ko ba iniwan ang robe sa kotse!

Lumayo ako sa kanya at tinakpan ang dibdib ko.

"B–Bakit ganyan ka makatingin?" Tanong ko. Titig na titig pa rin siya sa'kin at hindi ako sinagot.

Walangya, bakit kinakabahan ako? Parang mali yata ang desisyon ko na bantayan siya ngayong gabi ah.

"He's harmless."

Naalala ko naman bigla ang sinabi sa'kin ni Sir Lucifer. Hindi kaya... baligtad ang ibig-sabihin niya?

Lies & Fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon