🌹🚬
MINA
Hindi ako makapaniwala. Hanggang ngayon, lutang pa rin ako dahil sa nangyari.
"F*ck. I'm so happy."
Sige nga. Sino bang hindi magugulat? Ang akala ko sasaktan niya 'ko o magagalit talaga siya sa'kin dahil itinago ko sa kanya ang anak niya. Kung alam ko lang na ganito ang magiging reaksyon niya, eh di sana noon ko pa sinabi!
"What are you thinking?" Napatingin ako kay Thomas. Nandito kami sa isa sa mga kuwarto rito sa vacation house. Dito na kami nagpalipas ng gabi. Magkatabi kami ngayon sa kama at... magkayakap. Pagkatapos ng drama session namin kanina, niyaya niya 'ko rito. Akala ko nga matutulog na kami. Madaling araw na rin kasi. Pero wala siyang ibang ginawa kung hindi ang yakapin ako at halik-halikan. Syempre, gusto ko rin.
"Wala." Mas yumakap pa 'ko lalo sa kanya.
"I'm very sorry for what I did to you that night. I should have not stolen your purity and innocence." Tiningala ko siya.
"Tapos na iyon, Thomas. Kasalanan ko rin naman eh. Masyado akong... nagpadala sa damdamin ko." Sabay yuko.
"Why?"
"Anong why? Hindi ba obvious? Crush na kaya kita dati pa! Kaya nga na-buo si Tomi dahil sa kalandi–" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla na naman niya 'kong halikan.
"Don't say that. You are not a whore." Ngumuso ako.
"Ganoon na rin yun."
"Tsk. No." Hinila niya ulit ako at niyakap. "I have a question,"
"Ano 'yon?" Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Inalis niya ang mga takas kong buhok sa mukha habang titig na titig siya sa'kin. Feeling ko ang ganda-ganda ko sa paningin niya.
"Why didn't you tell me? We have been together for a long time, Mina. You shouldn't hesitate to let me know that we have a child."
"Sorry. May balak naman akong ipaalam sa'yo. Inuunahan lang talaga ako lagi ng takot."
"I understand." Hinalikan niya ang noo ko. Naiiyak na naman tuloy ako. "I want to know what happened during your pregnancy. And where did you left Tomi while you're away from him." Bumangon ako umupo paharap sa kanya.
"Noong... huling beses kitang nakita, hindi ko alam na buntis na pala 'ko." Kumunot amg noo niya.
"What?"
"Oo. Sinundan kita noon. Nakita kasi kita bigla. Kumakain ako sa labas kasama ang kaibigan ko tapos lumabas ako para sundan ka. Hindi mo ako napansin hanggang sa makarating ka sa parking lot. Lalapitan sana kita kaso... nakita kong kasama mo si Ate Lory. Kaya hindi na 'ko tumuloy."
"I'm sorry. I didn't know–" Tinakpan ko ang bibig niya.
"Hep! Ako muna ang magku-kuwento." Hinawakan niya lang ang kamay ko,
"Kaya pala lagi akong matakaw at laging inaantok noon kasi buntis na pala 'ko. Alam mo ba? Sa siopao ko ipinaglihi si Tomi. Kaya siguro siya maputi–"
BINABASA MO ANG
Lies & Fall
RomanceSa mga taong nakapaligid kay Mina at Thomas, ang alam ng lahat ay wala silang kahit anong koneksyon noon pa man. Matapos ang ilang taon, nagkita muli sila. Ang buong akala niya ay hindi na siya nito kilala. Pero mali siya. Hindi siya nito nakalimuta...