Prologue

51 20 11
                                    

“Sa susunod nalang ako uuwi ng Pilipinas, mom. Kailangan ako ng hospital dito. Kaya ko naman po dito, big boy na kaya ako”,  pangungumbinsi ni kuya Zeke habang natatawa.


Isip bata, tss.


We are now going back to the Philippines. After so many years, we’re finally home.


“Kuya, please… Sumama ka na sa’min,” pangungulit ko kay kuya.


Sa tagal ng panahon na paninirahan namin sa America, ngayon lang ulit kami makakauwi sa Pilipinas. Hindi na ‘ko makapaghintay na masilayan muli ang bansang kinagisnan ko.


Anim na taon palang ako ng naisipan nila mommy and daddy na do’n kami manirahan sa America. Kaya, sobrang excited na ako na makauwi.


Buti naman makakapagpahinga na ‘ko.


Pero ito namang si kuya, ayaw pa sumama.


“Zeke, make sure na susunod ka sa’min sa Pilipinas. Okay?”, sabi ni mommy.


“Yes, mom. For now, mag-impake na kayo… at ikaw baby alam kong excited ka na kaya umakyat ka na sa kwarto mo ng makapag-impake ka na rin.”  sabay kurot niya sa aking pisnge.


Umakyat na sila mommy at daddy sa kwarto nila upang mag-impake na rin siguro.


“I’m gonna miss you, kuya… Susunod ka ah?”, paninigurado ko kay kuya Zeke sabay halik sa kanyang pisnge.


“Sure, basta kailangan pag-uwi ko do’n may boyfriend ka na ah?”, sabay yakap sakin ni kuya Zeke.


“Anong boyfriend ka-“, hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil bigla na lang niyang tinakpan ang bibig ko. ‘Tsaka siya mabilis na lumabas ng bahay para pumunta sa hospital.


Nakakainis ka talaga, kuyaaaa!


Lagi nalang nila akong pinipilit na magka-boyfriend, hmp. Ayoko nga kasi.


Umakyat nalang ako sa kwarto ko, para makapag-impake na rin.


Habang nag-iimpake ako ng aking mga gamit ay biglang pumasok si mommy sa kwarto ko.


“Anak, na-impake mo na ba ang mga gamit mo? 2 hours from now, aalis na tayo,”  tanong ni mommy.


Tumango nalang ako kay mommy, dahil busy nga ako sa pag-iimpake ng gamit ko.


“KZ, we are invited to a birthday celebration of Ethan. That was 3 days from now, anak.” saad ni mommy.


“Po? Sinong Ethan, mommy? I don’t know him…”


Who’s Ethan? Wala pa akong naririnig tungkol sa kan’ya.


“Well, makikilala mo rin siya anak”, saad ni mommy, ng may nakakalokong ngiti.


Hala, ba’t ganyan si mommy? Don’t tell me, hahanapan na naman niya ako ng boyfriend?


Lagi nalang silang na-i-stress sa kahahanap ng magiging boyfriend ko, especially si mommy. Sabi niya kasi, hindi na daw ako bumabata, well, totoo naman ‘yon. Eh sa hindi ko pa mahanap ‘yong lalaking mahal ko at mamahalin ako.


“Ayos na ba lahat, Zhi?”, nagulat ako sa biglaang pagsasalita ni daddy. Hindi ko alam na nandito na pala siya.


“Yes dad, kayo po ba ayos na ang lahat?”


“Okay na rin, anak. Nag-text nga pala sakin ang kuya mo, nakarating na daw siya sa hospital. Susubukan daw niya na lumabas saglit para maihatid tayo sa airport,”  sabi ni daddy habang nakatitig sa kanyang cellphone.


“By the way, dad, mom, p’wede po ba tayo dumaan sa condo ni Luke? Magpapaalam lang po sana ako, he didn’t know that we’re going back to the Philippines…” malungkot kong sabi sa kanila. I’m gonna miss him, so bad.


Lumabas na sila mommy at daddy sa kwarto ko para kunin na rin ang kanilang mga gamit.


Pinasadahan ko muna ng tingin ang aking buong kwarto. I’m also gonna miss this room, matagal pa siguro bago ako makakabalik ulit dito.


Kanina, habang nag-iimpake ako ng mga gamit ko ay iniwan ko ang isang picture ko na naka-frame sa gilid ng aking kama. Ang larawan na ‘yon ay kuha no’ng college ako, si kuya Zeke ang kumuha ng picture ko na ‘yon.


That was my first time watching his playing basketball, kaya sobrang suportado ko siya. Though, naglalaro naman siya pero busy ako sa school works kaya ‘di ko siya napapanood. Kinuhaan niya ‘ko ng picture dahil remembrance daw ‘yon sa unang panonood ko ng basketball game niya. Kuya Zeke is so corny, but sweet.


Kinuha ko na ang aking maleta at lumabas na ng aking kwarto.


Naabutan kong nag-hihintay na sila mommy at daddy sa sala kasama ang aming mga kasambahay.


“Let’s go?”, pag-aaya ko.

Shivering In Cold [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon