Chapter 4

17 5 0
                                    

“Talo ka na naman?”, asar na tanong sa’kin ni Alex.


Anong magagawa ko kung magaling itong si Luke sa pagbabasketball?


Kasalukuyan kaming naglalaban ng basketball dito ni Luke sa Play Station. Sila Frez at Thalie ay naglalaro ng kung ano-ano, at itong si Alex naman ay nanonood lang samin.


Itong si Luke hindi man lang sinabi na magaling pala mag-basketball. Sabi ko na scammer ‘to eh. Lalaki talaga ‘to.


“Hoy Luke, tama na..” Sabi ko matapos subukang i-shoot ang isang bola. Hindi pa rin nag-shoot! Ano ba ‘yan!


“Oh ano sis? ‘Di mo na kaya? Talo ka pala eh!” sabi niya matapos i-shoot ang isang bola at saka humarap sa’kin ng nagyayabang.


“Oo na, talo na ako…” pagtatampo ko kunwari.


“Hoy Kazhandra Zhian Brilliantes, ang usapan ay usapan! Gets mo?” sigaw ni Luke kaya naman may lumilingon sa aming banda.

Kailangan ba kapag tatawagin niya ako ay buong pangalan talaga?


“Hey, Luke, hinaan mo nga ang boses mo…” bulong ni Alex.


“Alright… wala naman akong sinabing tatakasan ko ang dare…”


Mayroon kaming kasunduan ni Luke, kung ako ang mananalo, ililibre niya ako kung ano ang gusto ko. At kung siya naman ay gano’n rin, ililibre ko naman siya sa kahit anong gusto niya.


“Halika na, sis…” sabay kawit ng kamay ni Luke sa aking braso. “Hoy Alex, let’s go. Sino ba kasi ‘yang ka-text mo? Kanina ka pa busy diyan sa cell phone mo.”


“Ah, may mga nagpapadesign kasi…” sagot ni Alex habang palinga-linga.


“Luke, Alex, hanapin muna natin sila Frez at Thalie…”


“Ay oo nga ‘no? Nasa’n ba ‘yong mga bruha na ‘yon?” tanong ni Luke.


“Hey girls!” sigaw ni Frez.


“Hey, hey, hey!” sigaw rin ni Thalie.


Kararating lang nila tapos ang ingay-ingay.


“Bakit ba kayo sumisigaw?!” Inis na tanong ni Luke.


“Wala… gusto lang namin” sagot ni Frez sabay kibit balikat.


Sisigaw ng wala lang? Meganon?


“Mga loka kayo… ang dami tuloy tumitingin dito… alam niyo namang no fans muna diba? We just want to relax.” Sabi ni Alex.



Biglang lumapit sa’kin si Frez, “Balita ko…manlilibre ka raw ah?”


“Balita mo lang ‘yon…” maarteng sagot ni Luke.


“Diba ‘Lex sabi mo? Manlilibre si Kaz?”, sabi ni Frez sabay lingon sa likuran kung saan nakasunod sa’min sila Alex at Thalie.


Oh right… lahat sila ililibre ko. Ang galing. Mabuti sana kung pagkain, kaso more on shopping ‘tong mga ‘to.


“Sorry girls, pero ang dyosa lang ang ililibre niya, right Kaz?” sabi ni Luke.


“To make it clear…. Ah bahala na sige na nga lahat na kayo” sagot ko. ‘Wag lang sanang maubos ang savings ko sa mga ‘to.




We went to the store where we can buy a bags. See? Shopping talaga.


“Kaz… this bag suits for your dress today!” sigaw ni Frez.


“No.. This one is the best for your outfit” sabi ni Alex.


“Ehem, ehem, this is the elegant bag that suits for her” that’s Thalie.


“Girls, ano ba…. Ito ang bagay sa kaniya…pampalengke na bag” si Luke.


Kanina pa sila ganito sa’kin, inaabutan ng kung ano-anong bag at pagtatawanan, really? What should I expect? Hmp.


“Bibili ba kayo? O bibili kayo?”


“Kaz, you know what I really like this one, so simple yet elegant” Alex said with a hopeful eyes.


Aww.


“Oo na… babayaran ko na yan…” sagot ko sa kaniya.


“Really?! I love you!” sabay halik niya sa pisnge ko.


I’m just a bit taller than Alex, our skin is creamy white as milk.


“Zhi, can you buy this for me?” Luke ask.


“Yes, yes pili ka lang diyan”


Kanina pa ako nakaupo dito kaya naisipan kong magtingin-tingin na rin ng mga bags, maybe I should give mom a new bag.


We went on and on, simula sa pamimili ng bag, dress hanggang sa mga make-ups ay ako ang nagbayad, ‘cause they said that it was ‘libre’.

"Milk tea tayo!" Pag-aaya ni Thalie.

"Sure, sagot ulit ni Kaz!" Sigaw ni Luke.

Really?! Ako na naman?

"Uwi na ako, bye..."

"Uy Kaz, sabay sabay na tayong umuwi, ihahatid ka naman namin eh..." Sinusubukan akong hilahin sa braso ni Alex.

"Look, Kaz, okay... Sagot ko na ang milk tea..." Thalie said.

"Sure, okinawa milk tea sakin!" Pangunguna ko.

Kailangan talaga minsan magtampu tampuhan para mauto mo sila.

"Ano sa inyo? Okinawa din ba?"

"Yes, Thalie please." Sabi ni Luke.

"Add ng pearl sakin please." Ani Alex.

"Uy same, add pearl din!" Frezia said.

Habang busy sila sa pag-oorder ay naupo nalang ako sa table namin at inayos ang mga pinamili.

Sobrang dami nito. Kasya pa ba 'to sa sasakyan?

Kuya Zeke will get mad at me, ayaw pa naman no'n na puro ako gastos.

He said, mag-ipon daw ako for my own family to the nearest future. Grabe, family agad? I'm just 18 years old for Pete's sake!

"Here's your order guys,"

Our orders is finally served, sobrang paborito ko talaga ang okinawa milk tea!



Hinatid kami ng driver ni Thalie sa kaniya-kaniya naming bahay…

I feel exhausted for today, but that was very fun.






Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 16, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Shivering In Cold [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon