“Kazhandra Zhian Brilliantes, baka pwedeng bumangon ka na diyan?!” May sumigaw sa tenga ko.
“Hey girl, wake up! Mag-sho-shopping pa tayo!” May sumigaw ulit.
“Wake up, Kaz!” Again, meron ulit. Sa bawat sigaw ay iba-iba ang boses na naririnig ko.
“HOY GUMISING KA NA SABI E!” Nagulat ako sa sabay-sabay nilang pag-sigaw sa tenga ko.
Kinusot ko muna ang mga mata ko bago imulat.
“Girls… ang aga aga pa…” that’s my best friends, ang iingay.
“Anong maaga pa? Hello?! It’s already 11 AM!” Sarkastikong sabi ni Frezia.
“Maaga pa kaya…” hindi pa rin ako bumabangon. Inaantok pa ‘ko.
“Zhi, bumangon ka na diyan…” sabay hila ng kumot ko ni Nathalie.
Mag-pinsan si Frezia at Nathalie. Kung titingnan ay mukhang mataray si Frezia samantalang medyo lang si Nathalie.
“Kaz, bumangon ka na diyan, gutom na ‘ko.” Oh well, that’s my cousin, Alexandria.
“Bakit kasi hindi ka pa kumakain?” tanong ko sa kaniya habang bumabangon sa higaan.
“Kasi napag-usapan namin na mag-sho-shopping tayo ngayon, at do’n na rin tayo magbre-breakfast sa restaurant, kaso tulog mantika ka kaya do’n nalang siguro tayo mag-la-lunch.” Sagot sa’kin ni Alex.
“Eh kasi kayo kayo lang ‘yong nag-usap, tapos nagmamadali pa kayo.”
Mas maputi ako kesa kay Alex, medyo blue rin ang mga mata niya tulad ng kay kuya Zeke.
“Maliligo na ‘ko, wait lang…” sabi ko dahil mukhang iritado na ang mga mukha nila.
Kasalanan ko ba ‘yon? Hindi kasi nila ako sinabihan.
Mabilis akong naligo at nagbihis.
“Ano na? Let’s go?” pag-aaya ko ng matapos magbihis at maligo. I wear simple white dress, naglagay lang ako ng light make-up at light red lipstick dahil baka lalong umusok ang butas ng kanilang ilong kung tatagalan ko pa.
They are my childhood best friends, magka-kaibigan ang mga magulang namin kaya kami nagkakila-kilala. Katulad ko ay ipinanganak din sila sa Pilipinas at dito na rin nag-aral sa US.
Frezia is a fashion designer like Alexandria, while Nathalie is a business woman.
Magka-kaklase kami simula grade school hanggang high school, nagkahiwa-hiwalay lang kami no’ng mag-college na pero nasa iisang school pa rin naman kami.
Sabay-sabay kaming nag-aaral ng Tagalog no’n dahil sa kagustuhan ng aming mga magulang na kalaunan ay nagustuhan na rin namin. Kaya kapag nag-uusap-usap kami ay salitang Tagalog ang ginagamit namin.
Ginamit namin ang sasakyan ni Nathalie papuntang mall.
Nang makarating sa mall ay laking pagtataka ko kung bakit lahat sila ay nakatutok sa cell phone at hindi pa pumapasok sa loob ng mall.
“Hey, akala ko ba gusto niyo na mag-shopping? ‘di niyo naman sinabi na gusto niyo lang tumambay dito sa labas ng mall.” Sabi ko sa kanila pero si Frezia lang ang sumagot sa’kin.
“Gaga, may hinihintay pa tayo…” sagot nito habang palinga-linga ang ulo. Mukhang may hinahanap.
“Sino?” pagtataka ko.
“Ito na pala siya… tagal mo naman…” sabi ni Nathalie habang nakatingin sa likuran ko.
“Sorry naman… nagpa-ganda pa kasi ako, syempre ‘di ako papatalo sa inyo ‘no.” Oh, that voice… that was Luke.
“Bakit ‘di niyo sinabi na kasama si Luke?” naguguluhang tanong ko sa kanila.
“Hala, Luke mukhang ayaw ni Kaz na kasama ka mag-shopping,” sabi ni Alex.
“Oh…” si Frezia.
“F.O. na ba ‘to?” pakikisali ni Nathalie.
“So, Miss Kazhandra Zhian Brilliantes, ayaw mo ‘kong kasama?” humarap sa’kin si Luke sabay halukipkip nito.
“Hindi naman sa gano’n, nagulat lang ako… hindi ko kasi alam na kasama ka…” sagot ko sa kaniya.
“Oh, okay, uwi na ‘ko girls.” Sagot ni Luke sabay talikod, alam ko naman nagloloko lang ang isang ‘to kaya sasabayan ko na.
“Sige, Luke.. Bye! Ingat ka!” pang-aasar ko sa kaniya.
“Loka, sayang outfit ko ‘no. Gora na tayo,” sabay kawit ng kamay niya sa braso ko. Odiba? Mukha akong lalaki sa inaasta niya?
Kumain muna kami sa isang restaurant dahil mag-a-alas dose na ng tanghali.
Umupo na kami habang nag-o-order ng pagkain, nang may marinig akong sumigaw.
“Oh my gosh! That is Kazhandra Zhian! She’s really beautiful!” hinanap ko kung sino ‘yon dahil binanggit niya ang pangalan ko. A tall girl with eye glasses shout.
“She’s really gorgeous!” may sumigaw ulit, a girl with a short hair. Katabi ito ng babaeng may eye glasses.
Ngumiti ako sa kanila at sabay silang sumigaw.
Lumapit sila sa lamesa namin.
“Hi M-Miss K-Kazhandra, can I have your autograph?” Kinakabahang sabi ng babaeng with eye glasses.
“Sure,” nakangiting sagot ko sa kanila.
“Ikaw na talaga ang reyna ng kagandahan,” bulong sa’kin ni Alex. Sa kanan ko siya naka-upo, si Luke naman sa kaliwa ko na busy sa pag-ce-cell phone, habang si Nathalie at Frezia ay magkatabing nag-ku-kuwentuhan. Pabilog ang lamesa na aming pagka-kainan.
Nang matapos nilang mag-pa-autograph ay nag-picture din kami. Sobra silang nagpapasalamat.
I feel blessed when all of my fans are always there for me. Hindi naman ako artista, isa lang akong modelo sa mga magazine at sa tv pero todo suporta sila sa’kin. Kaya gusto kong suklian lahat ng suporta nila sa’kin sa pamamagitan ng request nila sa’kin like autograph, picture, and many more.
Habang kumakain ay nagsalita si Frezia.
“Kaz, may boy friend ka na?” sa tanong ‘yon ni Frezia ay napa-inom nalang ako ng tubig.
“Bakit mo naman tinatanong ‘yan?” tanong ko habang nakakunot ang noo matapos uminom ng tubig.
“Wala lang, I’m just asking…” sabay kibit balikat niya.
“Sus, baka ipagkalat mo pa ‘yan Frez kung sakaling meron.” Pang-aasar ni Alex sa kaniya.
“Hindi ‘no, curious lang ako,” sagot sa kaniya ni Frez.
“Eh ikaw Frez, may boy friend ka na?” tanong ni Thalie sa kaniyang pinsan.
“Wala, uy.” Sagot ni Frez.
“Ako naman tanungin niyo girls,” sabat ni Luke.
“May girl friend ka na, Luke?” tanong ko sa kaniya na ikinabusangot ng kaniyang mukha.
“Boy friend dapat, Kaz! Boy friend!” sigaw niya sa’kin. Kaya napalingon samin ang iilang customer.
Gustong gusto kong inaasar si Luke, ang bilis niya kasing mapikon.
Natatawa na lang sa’min ni Luke ang tatlo.
“Uy, naaalala niyo pa ba. Diba dito natin pinakain si Luke no’n? Ang haggard niya pa nga no’n e.” natatawang sabi ni Thalie.
“Ay oo nga, Thalie. ‘kala ko nga kung sinong customer ‘yon e,” sagot naman ni Alex.
“True, ‘kala ko no’n kumain siya dito tapos ‘di niya binayaran kaya siya pinaghugas ng pinggan.” Dagdag ni Frez.
“Hoy mga babaita, nandito ‘yong pinag-uusapan niyo oh! ‘di niyo ba ‘ko nakikita ha!” sarkastikong sabi ni Luke. See? Pikon agad.
Natatawa nalang ako sa kanila.
Pinatira kasi muna namin no’n si Luke sa mansiyon for 1 week, dahil binibilihan palang ng gamit ang condo na ibibigay sa kaniya, ang sabi ni Luke siya nalang daw ang bibili ng mga gamit sa condo sa kikitain niya as my make-up artist. But we insist kaya pumayag na rin siya sa huli.
Pinag-shopping ko rin siya no’n and I decided na ipakilala na rin siya sa mga kaibigan ko. Yes, it’s true, napagkamalan siyang customer na ‘di nakapagbayad kaya naging dish washer ni Frez no’n. Then, ipinakilala ko na siya sa kanila at naging kaibigan na rin namin siya. But now, nagbago na siya, hindi sa ugali kundi sa kaniyang physical appearance.
Pagkatapos naming kumain ay nagyaya si Luke na pumunta sa play station. Maglalaro daw muna kami.
BINABASA MO ANG
Shivering In Cold [ON GOING]
General FictionKazhandra Zhian Brilliantes, a model and a very talented woman. Her life is like a candy, it taste very sweet. She live in a peaceful life with her family and friends not until they go back to the place where she was born and meet the guy who will g...