Chapter 2

29 19 9
                                    


“Kazhandra Zhian Brilliantes, can I talk to you?”, Sir Martin asked, my photographer.

“Yes, Sir Martin”

Tapos na ang photo shoot, hinihintay ko nalang si kuya Zeke dahil siya ang magsusundo sa’kin. Nauna ng umuwi si Luke dahil may kailangan pa daw siyang tapusin. Nagtampo-tampuhan pa nga ako, dahil iiwan n’ya ko dito pero gusto ko lang talaga siyang inisin. This is not the first time na iniwan n’ya ako dahil may pinagkakaabalahan siya, sa mga ganitong pagkakataon pumapayag akong mag-paiwan dahil may pansariling buhay siya.

Lumapit sa’kin si Sir Martin habang dala dala ang kan’yang camera.

“Which one do you like here?”, na ang tinutukoy ay ang mga naging kuha niya sa akin na larawan.

“Hmm, It’s more better if you’re the one who choose, Sir. I don’t know which picture I can pick”, sabay kamot ko sa ulo.

“Oh, okay… I will send it to you later what I’ve chosen. Go home safe.” nginitian ko nalang si Sir Martin.

After a minute, dumating na rin si kuya Zeke. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng front seat pero hindi na siya lumabas ng sasakyan.

He gave me his jacket. “Suotin mo ‘yan, baka lamigin ka.” He only wears black plain t-shirt and blue jeans.

“How’s the photo shoot?”, pag-uusisa ni kuya.

“Fine, medyo nakakapagod lang, pero masaya”, sabay ngiti ko.

“Hmm, okay. Are you hungry? We can go to the near restaurant if you want”

“Sige, kuya. Gutom na ‘ko e. Bakit ba ang tagal mo dumating?”

“Traffic po kasi…”

Kuya Zeke wants to be a doctor because he want to be like our grandfather---daddy’s father. He is 4 years older than me, he likes to sing and dance. He loves to play basketball.

Minsan na kaming napagkamalan na kambal, dahil may pagkakapareho kami na namana namin kanila mommy and daddy. We have this chinky eyes, red lips, pointed nose, a perfect jaw line, and fair skin. Ang kaibahan lang ay mas makapal ang kanyang kilay kumpara sa’kin, at nahahaluan din ng asul ang kanyang mga mata na samantalang ang sa’kin ay kulay brown.

Nang makarating na kami sa restaurant ay agad s’yang umorder.

“Kuya, nahanap mo na ba si ‘the one’?”, tanong ko habang naghihintay ng pagkain.

“Pinagsasabi mo?”, sabi niya habang magkasalubong ang kan’yang mga kilay.

“Si jowa, gano’n”, pang-aasar ko sabay taas baba ng mga kilay.

Nagtaas lamang siya ng isang kilay sa’kin. Tss, ang taray.

“Taga-sana all ka nalang pala e…”, bulong bulong ko.

Buti naman at hindi niya narinig, kung narinig n’ya ako ay siguradong napitik na n’ya ang noo ko.

Dumating na ang aming pagkain kasabay no’n ang pagkulo ng tiyan ko. Gutom na talaga ako. It’s already 9 PM, kaya gutom na talaga ako.

Sinimulan ko ng sumubo ng sunod sunod na putahe, “Hindi naman halata na gutom ka na ‘no, baby?”, pang-aasar ni kuya na may multong ngiti sa mga labi.

“Hindi naman talaga, kuya.”  sabi ko habang halos mabulunan sa sunod-sunod na pagsubo ko ng pagkain.

Humagalpak ng tawa si kuya Zeke sabay abot ng orange juice sa’kin, tumayo siya at tinapik tapik ang likod ko.

Shivering In Cold [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon