Chapter 1

34 1 0
                                    

Ang pag-silang ni Zoe

Arwin's POV

"Manganganak na si Ria! Manganganak na ang asawa ko!" lakas boses akong sumigaw para maka hanap ng tutulong sa mga kabitbahay ko. Manganganak na aking asawa kaya't dali-dali akong humingi ng tulong para na din sa pag tawag ng ambulansya patungong hospital.

Ilang minuto ay nakarating na kami, at ang aking asawa ay nawalan ng malay.

"Ria, no. Gumising ka! Makikita mo pa ang anak natin" agad nyang binuksan ang kaniyang mga mata na para bang napipilitan. "Lalabas na ang anak ko, lalaban ako para sa anak natin Arwin" tugon niya saakin habang umiiyak.

Dinala na nila ang aking asawa sa operating room. Agad akong ipinatawag ng doktor dahil walang makakapitang lakas ang aking asawa. Halos lalabas na ang aking puso sa pag tibok nito.

"R-Ria, kayanin mo yan pangako mo sa'kin makikita mo pa ang anak natin, mayayakap mo pa siya, mabibit-bit mo pa siya habang ipinapatulog mo siya. Lalaki siyang may ina na mag mamahal sakanya" halos hindi na ako makahinga sa sinabi ko habang tumutulo ang aking luha.

"Wag mo sayangin ang siyam na taon na dala-dala mo yang bata nayan na nasa tiyan mo! Lumaban ka! Kayanin mo iyan Ria! Ipangako mo sa'kin!" tumango naman ito na halos hindi na makapag salita.

Hinawakan niya ng mahigpit ang aking kamay habang nag sasakripisyo na ipalabas ang aming anak. "Ahhh!!" sigaw ng asawa ko na nagpasikip ng dib-dib ako. Ilang minuto ay lumabas na ang aming anak.

Habang tumitingin at tumititig sa aking anak na hawak hawak ng doktor habang linilinisan. Naramdaman ko ang pag bagsak ng kamay ng asawa ko.

Nasa isip ko nalang ay baka hinimatay ito. Binigyan ng hangin ang aking asawa para makahinga ng maayos pero bigla niyang tinawag ang pangalan ko "A-Arwin" sambit niya habang tumititig sa'kin.

"Patawad mahal ko, samahan m-mo ang ating anak... sa pag... pag harap ng mundong i-ito. Ni hindi ko na maramdaman ang sakit na nararamdaman ko ngayon, ramdam ko lang ang ating anak na napaka gandang nilalang sa balat ng lupa. I-Ipinamana mo sakanya, ang pagiging matapang"

Halos mabingi ako sa sinabi niya.

"A-Ano bang pinagsasabi mo Ria? Andito na ang ating anak, andito na, hayaan mong makita ka niya, makita mo siya, napaka gandang regalo ang binigay mo sa'kin at sabay natin itong buksan"

Hindi nalang ako umaasa pang lalaban pa ang mahal ko. Kitang kita ko ang sakit sa kaniyang mga mata habang tumititig sa'kin na halos mawasak ang mundo ko.

Nawalan na ito ng pagtibok sa puso, halos hindi ko na nakikita ang nasa paligid ko, pati narin ang aking anak.

Ipinangako niya sa'kin iyon pero winasak niya din, akala ko ay lalaban siya para sa anak namin, akala ko ay masaya kaming mag papalaki ng anak namin, pero akala ko lang pala yun.

Habang tulala ako, tumutulo ang aking mga luha na mas grabe pa ito sa gripo na walang tigil na pag patak. Habang tumitingin at tumititig sa katawang walang buhay ng aking asawa ay lumapit ang doktor, ibinihagi at ibinigay niya ang napaka gandang sanggol na hawak hawak ng dalawa kong kamay.

Kitang kita ko ang masayahin niyang mukha.

Napa isip nalang ako na paano pag lumaki ang anak ko, paano pag tatawag siya sa kaniyang ina? Paano ko maipaliwanag sakanya ang lahat ng pangyayaring 'to? Hahanap hanapin niya si Ria, kailangan niya din ng ina, di'ko kayang wala si Ria, wala ang ina ng batang bitbit ko ngayon.

Magandang sanggol ang aking anak, alam ko sa sarili ko na matapang at mabait na lalaki si Zoe Xy Liano ang napaka gandang regalo na ibinigay ni Ria saakin ngunit ako lang mag isa ang nag bukas.

Ipinapangako kong mamahalin ko ang anak ko, papalakihin ko siya na may aral na natutunan, ibabahagi ko sakanya ang mundong san siya nararapat. Mamahalin ko siya katulad ng pag mamahal ko sa kaniyang ina.

"Mahal na mahal kita Zoe ko, ipinapangako kong aalagaan kita at sasamahan kita sa mga pagsubok na dadaan sayo anak" sabay halik sa noo ng anak ko at sa sandaling ipinahawak ko ang kamay ng anak ko kay Ria habang tumutulo ang aking luha.

SoonerWhere stories live. Discover now