Chapter 3

21 2 0
                                    

Pag-mamahal

Arwin's POV

At nang biglang umulan, binigyan ko ng jacket si Whitney para hindi sya mabasa hinawakan ko ang kaniyang kamay sabay takbo papunta sa sakayan ng jeep, hindi ako natuloy sa pagpasok ng aking trabaho dahil sa lakas ng ulan.

Sumakay kami ng jeep papuntang bahay, hindi naging madali ang biyahi namin dahil umuulan at grabe ang traffic.

Nung dumating na kami ay dali-dali kong binit-bit si Zoe, namiss ko lang ang anak ko lalo na't hahanapin niya ako pag nasa trabaho ako.

Ipinabilin ko nalang siya kapag may trabaho ako sa pinsan ko kasama ang anak niya para na din may kalaro si Zoe.

"Andito na tayo", sabi ko kay Whitney. "Akala ko ay matutulog ako ngayon sa tabi ng daan, akala ko ay dun na ang pag hihirap ko pati na rin ang aking anak".

"Maraming salamat Sir Arwin", agad niyang hinawakan ang aking kamay sa pag sasalamat, pero sino ba si Zack na binanggit niya?

"Sino nga pala si Zack?", pagtatakang tanong ko. "Ah, anak ko siya. Siya nalang ang meron ako ngayon, pero hawak pa siya ng kinakasama ko noon ngayon" hindi ako nabigla sa sinabi niya dahil nabanggit niya na pala ito saakin.

Agad kong itinuro ang kwarto kung saan sila matutulog ng anak niya. "Siya nga pala, paano mo makukuha ang iyong anak?" nag aalala ako nung sinabi niya sa'kin kanina na sinasaktan siya ng kinakasama niya.

Kung ganon ay paano niya makukuha ang kaniyang anak?

"H-Hindi ko rin alam, pero salamat sa pag papatira sakin dito babayaran ko ang kuryente, tubig lahat maraming salamat Sir Arwin"

"Arwin nalang, hindi mo na 'to dapat bayaran bilang ama din ramdam ko ang sakit na nasa iyong puso. Sasamahan kita kung saan mo kukunin ang anak mo, dadalhin ko si Zoe"

"Zoe? Sino siya?" tanong niya saakin habang nagtataka, "Anak ko" agad kong binit-bit si Zoe, "Siya yung iniwang regalo ng asawa ko sa'kin" naluluhang sabi ko habang hinahalikan ang noo ng anak ko.

"Ah, napaka gandang... bata, di'ko inaasahang ganito mo siya kamahal. Ito rin ang pag mamahal na ibinigay mo sa asawa mo, tama?" ngumiti nalang ako sa sinabi niya.

"Bweno, matulog kana't kukunin na natin ang anak mo bukas" hindi na nagtagal ang aming usapan at pinatulog ko na si Zoe.

Madaling araw ay gumising ako, nakita ko nalang si Whitney na nag hahanda ng pagkain. "Ano yan? Bakit ikaw ang nagluluto?"

"Pasasalamat lang Arwin" lumambot ang puso ko sa sinabi niya. "Wala yon, salamat dito" ngumiting sabi ko.

Agad kong pinaligoan at binihisan si Zoe. Agad na kaming kumain at sumakay na ng Taxi.

"Pinagmamasdan ko ang iyong anak, ang gandang regalo naman ang binigay ng asawa mo" napatingin ako sakanya habang pinagmamasdan ang anak ko.

"Inaalagaan ko siya, kasi kulang ang pag aalaga niya lalo na't wala ang kaniyang ina". "Mhm" pag sang-ayon niya

Ilang minuto ay nakarating na kami sa bahay ng kinakasama ni Whitney. Nakita ko ang isang batang umiiyak sa labas. "A-Arwin, manong! Dito na kami, ang anak k-ko! Umiiyak siya Arwin!" umiiyak niyang sambit sa'kin habang tinuturo ang batang lalake na umiiyak sa labas.

"Manong, dito na kami salamat" agad kong binigyan ng pambayad si manong at agad kaming lumabas sa taxi.

Nilapitan ni Whitney and tinuturo niyang bata nga sa pagkakaalam ko ay kanyang anak 'to. "Z-Zack, anak miss ka ni mama" agad niya itong niyakap ng mahigpit, "Anong nangyare ha? Okay kalang ba? May umaway at nanakit ba sayo?" tanong niya sa kaniyang anak.

"M-Mama, si papa kasi... Mag kahalikan sa loob, pinalabas ako" bigla akong nag tamo ng galit sa narinig ko. Pumasok ako sa bahay na tinuturo ni Zack.

Nakita ko ang lalaking may babaeng kasama at tila nag hahalikan nga ito.

Hindi na ako nakapag pigil at sinuntok ko 'to, nandidiri ako habang ginagawa nila ang mga iyon. Pinalabas pa ang bata!? Anong klasing ama 'tong g*gong to!?

"Ama ka diba!? May asawa ka! Ayusin mo ang sarili mo! Wala akong asawa, pero ikaw meron! Pero ikaw lang pala ang makakapag wasak sa pamilya mo! Pinalabas mo pa ang bata!" agad namang pumasok ang anak ko na walang kamalay malay kung anong nangyayare.

"Papa?" nanlambot naman ako dahil sa pag tawag ng anak ko sa'kin. Nagpilit nalang akong pigilan ang sarili ko bago ko pa mapatay tong lalaking to sa galit.

"Anak, bat ka andito? Punta ka muna dun kay Tita Whitney, babalik ako okay?" agad naman itong tumango.

"Sorry Mister, but you lost your wife" sambit ko sakanya habang may galit sa aking mga mata.

Tumawag ako ng mga tanod para ipabarangay siya kasama ang babae niya, sigurado akong makukulong sila lalo na't may nakita akong hindi pweding gamitin. Sila na ang bahala sa kaso na ibibigay nila sakanila.

Pinuntahan ko agad si Zoe, alam kong naguguluhan ang aking anak sa mga nangyayare.

"Ang kyut naman nung bata, ano po pangalan niya?" tanong ni Zack na habang hinahawakan ang pisngi ni Zoe.

"Zoe ang pangalan niya, anak ko" sagot ko, "Ah, ang ganda mo Zoe gusto ko kurutin pisnge mo" sabay ng pag tawa habang nag titigan kami ni Whitney at nagngiti-an.

SoonerWhere stories live. Discover now