Chapter 2

34 1 0
                                    

Meeting Whitney

2 years later

Arwin's POV

Masayahing lumaki si Zoe, nangyare ang inaasahan ko na hahanapin niya din si Ria, dalawang taon na ang aking anak at dalawang taon nading nakalipas ang nangyare.

Habang hinahanap niya si Ria ay ngumingiti nalang ako, pinagmamasdan ang mga tanong ng anak ko, hindi pa ito ang araw at oras na sabihin ko ang lahat ng pangyayare dahil maliit at bata pa si Zoe hindi niya ito maiintindihan.

Kung tanong siya ng tanong nung hindi pa niya alam, mas dadami pa ang tanong niya pagsasabi ako ng madalian.

"Darating din ang panahon na alam mo ang lahat anak" nagsasalita habang pinag mamasdan ang anak ko. Binunyag na ito nung nakaraang taon, habang lumalaki si Zoe nag aalala at pinupuno ang kaba sa puso ko.

Alam kong kailangan niya ng ina, ngunit ano ang maiisagot ko? Wala. Kung hindi ngumiti nalang, naaawa ako sa aking anak, masakit isipin na lalaking walang ina si Zoe.

Ang hirap din pag ikaw lang mag isa ang tumatayong ina't ama sa anak mo. Alam kong maiintindihan din ni Zoe ang lahat ng 'to.

Makita lang ang mga ngiti ng anak ko, buo na ang araw ko, pinapagaan niya ang loob ko at pinapawala niya ang nakaraang meron kami ni Ria.

Hindi kami mahirap, hindi kami kapos sa pera, hindi rin kami mayaman, simpleng buhay lang ang binigay ko para kay Zoe. Makalanghap lang siya ng simoy ng hangin ay okay na ako.

Nag tratrabaho ako para sa kinabukasan ng anak ko, malapit na ako maging doktor, malapit na.

Babawiin ko ang buhay ng asawa ko gamit ang pag liligtas at pag tulong ng nga pasyinte na nangingiilangan ng tulong ko bilang doktor.

Mag sisikap ako para makapag patayo ng sarili kong hospital. Pangako ko yan kay Ria nung binata't dalaga pa kami, yan ang aming pangarap sa buhay at dumating si Zoe na nagtulong saamin na kamitin iyon.

Pagsisikapan kong kamitin yun para hindi nalang ako umaasa sa bigay ng mga pinsan at magulang ko.

Pangako ko na din ito sa anak ko na si Zoe. "Anak, kailangan ko ng umalis, kailangan na mag trabaho ni tatay" ipinabilin ko muna siya sa pinsan ko.

Habang papuntang trabaho ay may nakita akong babae, na may dalang malita ay tila umiiyak pa ito.

Nilapitan ko siya at tinanong, "Ah, miss? Okay kalang ba?" medyo nagulat ito nung itinanong ko iyon.

"A-Ano? Ah oo, okay lang ako" sagot nito. "Bakit andito ka sa tabi ng daan? Tsaka gabing gabi na rin" tanong ko ulit sakanya.

"N-Nothing, lumayas lang ako. Ah! Incase... I'm Whitney Olivia Victoria, and you are?" akala ko ay aalis na ito pero parang hahaba ang pag uusap namin.

"Arwin Vans Liano, it's nice to know your name miss Whitney" kita ko ang reaksyon niya habang tinititigan ako "Wait, you're–" "Your future Dr. Ma'am"

Hindi ko nalang siya pinatapos sa pag sasalita at nag paalam narin pero walang tigil itong sumusunod saakin.

"Wait! May I come with you?" nababaliw naba tong babae na'to?

"Please Sir Arwin, lumayas ako kasi... grabe yung pagtrato ng kinakasama ko sa'kin kaya hiniwalayan ko siya, may anak akong lalake pero iniwan ko muna doon kasi wala na kaming matitirhan kaya lumayas muna ako habang nag hahanap"

Nalungkot ako sa narinig ko, meron kaming bakanting kwarto sa bahay namin, balak ko silang patirahin muna doon naawa ako sa anak niyang lalake kaya napag isipan ko na doon ko nalang muna sila patitirhin.

Kasi mahirap din ang pagiging isang magulang gaya ko kaya ramdam ko ang pinag dadaan niya.

"Ma'am Whitney, ramdam ko naman ang sakit ng meron ka. Hindi madaling pagiging isang magulang. Naawa ako sa nakaraan mo bilang ama din ay may sakripisyo din ako para sa anak ko kahit–"

Hindi niya ako pinatapos "Kahit, wala na ang asawa mo?" tumitig ito sa'kin at bigla akong niyakap, di ko kilala ang babaeng ito pero ramdam niya ang sakit na meron ako ngayon.

SoonerWhere stories live. Discover now