Dahil 2k reads na po itong jailene shots, gagawa ako ulit ng one shot! Salamat sa support!! Mwuaah :**
Sorry nga rin po pala sa Matagal na matagal na update ng I promise you... Mauupdate na po yun SOON .. ❤
**
Sharlene's POV
"Sharlene, may extra ballpen ka?" Tanong ni jai sa akin.
"Meron." Sagot ko. Halos araw araw na syang nanghihiram ng ballpen sa akin, ako naman si Ms. Tanga, bumibili din ng maraming ballpen para pagnauubos na ang ink na pinahiram ko sa kanya, manghihiram ulit sya. Sino ba naman sa atin ang hindi magpapahiram sa crush nila?
"Pahiram." Sabi nya. Aayaw pa ba ako?
Kinuha ko na ang isa kong ballpen at ibinigay ko na sa kanya.
"Salamat." Sabi nya then nginitian ako. Gawdnesss! Ito yung hinihintay ni ako sa tuwing manghihiram sya at magpapahiram ako, ang mga nakakamatay syang ngiti!!
"Hoy baliw! Kung makatulalang nakangisi ka dyan! Anong nangyari sa yo? Nanghiram na naman ng ballpen?" Tanong nya, tumango naman ako
"Pinahiram mo ulit?" Tumango ako ulit
"Gaga ka talaga kahit kailan! " sabi ni Mika sa akin. Gaga na kung gaga! Pero ganun talaga eh.
Dismissal---
"Sharlene, thank you!" Sabi ni Jairus sa akin sabay abot ng ballpen ko. Ano kayang ginawa nya sa ballpen na ito? Sana ako nalang ang ballpen! Haaay
"Walang anuman." Sagot ko.
Next day....
"Sharlene, pahiram ng ballpen." Memorize ko na yata ang susunod na script! Ganito talaga ang nangyayari araw-araw. Hinalukay ko naman ang bag ko pero, for the first time! Wala akong ballpen! Nakalimutan kong dalhin ang pen case ko.
"Sorry, di ko na dala ang pen case ko e." Sagot ko. Naaaaah!! Paano sya magsusulat?! Ha?! Paano?! Paano kung manghihiram sya sa iba? At dun na sya manghihiram palagi? At makalimutan na ako?!
"So wala ka ring ballpen?" Tanong nya, Oo nga pala! Wala din akong magagamit na pansulat. Ang tanga mo kasi shar! Bakit mo nakalimutang ipasok yung pen case sa bag mo?!
"Wala rin, bibili na lang ako sa canteen, bibilhan na lang rin kita." Sabi ko sa kanya
"Wag na, may ballpen ako, papahiramin kita." May ballpen sya? Eh bakit sya nanghihiram sa akin? Ah! Baka ayaw nyang maubos ang tinta ng ballpen nya kaya hiram sya ng hiram sa akin.
"Ito oh!" Sabay abot ng ballpen.
"Thank you!" Nahihiya kong sagot
"Basta ikaw!" Sabi nya. OMGEY! Basta ako daw! Kyaaaaah!!!
Dismissal..
Nagmamadali akong hinanap si jairus, I need to return his pen, baka sa susunod di na nya ako pahihiramin. Nasaan na kaya yun?!
"Shar , sinong hinahanap mo?" Tanong ni mika
"Si jairus " sagot ko
"Wow! Close kayo? Hinahanap mo pa sya ah!" Sabi nya
BINABASA MO ANG
JaiLene Shots
Fiksi Penggemardahil maraming stories ang umiikot sa utak ko kaya gagawa nalang po ako ng one-shots ;) enjoy reading po!! thank you