"It's pretty kaya!" Madramang sabi ni Nathalie nang hindi pa rin ako makapamili sa mga damit na pinapa suot niya sa akin.
It's Saturday and we're having a girl's day. Sa Monday na ang Foundation Day at sabi nila ay kailangan naming mag-pamper para hindi kami mukhang sabog sa performance.
"Try the light colors, Have. Hindi kasi bagay sa kanya ang mga dark color Nath, her features were soft..." Chantal said as she hand me those pastel clothes.
Nasa isang boutique kami at namimili ng mga damit. I don't like spending so much money lalo na kung hindi ko naman ito pinaghirapan. Pero dahil matagal na ring hindi ako nakakabili ng bagong damit, pinagbigyan ko ang sarili ko ngayon.
Pumasok ulit ako sa fitting room at sinukat ang mga damit na binigay ni Chantal. I decided to change my fashion style dahil ang mga damit ko sa bahay ay 'yung mga damit ko pa sa CDO. Hindi naman masasayang ang mga damit ko dahil kada bibili ako ng mga damit, mom would donate my old clothes and i like that idea. I like giving things to others.
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. I'm wearing a beige dress with a puff shoulder. It's more mature than my usual dresses. Ang ganda talaga ng mga fashion taste ni Chantal. Nathalie's fashion style is good rin naman pero like what Chantal said, hindi bagay sakin ang dark colors.
"Oh diba! Sabi ko naman kasi sayo, believe in Chantal Sanchez!" Umismid naman si Nathalie sa pagyayabang ni Chantal. They like teasing each other lalo na't palaging pikon si Nathalie. Moody din kasi 'yon! Minsan masaya tas bigla nalang tatahimik kaya minsan nakakatakot siyang kausapin. Weird lang pero siya ang pinakamabait sa'ming lima.
"Where are my girls?" Sigaw ni Joseph nang makapasok siya sa boutique. Nag besohan kami at hinawakan niya ang kamay ko at pinaikot gaya ng isa sa step namin sa ballroom.
"Hmm... Chantal?" Panghuhula niya. Kilalang-kilala niya talaga kami. Parang ilang taon na kaming magkakilala kahit ang totoo'y halos limang buwan pa lang. He's very observant kaya hindi talaga 'to mapapagtaguan ng sikreto. Lahat ng chika sa campus alam!
I bought some of the clothes that Chantal picked and some from Nathalie, para hindi na sila mag-away. Magagamit ko naman 'to sa ibang pagkakataon at kung 'di man ay pwede ko namang i-donate. Walang masasayang. I don't have a siblings at hindi rin ako close sa mga pinsan ko kaya when i discovered about 'bahay-ampunan' from mommy, simula noon ako na ang namimilit o nag-aaya sa kaniya na pumunta roon para makipaglaro sa mga bata.
Pagkatapos naming mamili ng mga damit ay pumunta kami sa isang spa na ni-recommend ni Joseph. Inaya talaga namin siya ngayon dahil mas marami pa siyang alam samin tungkol sa mga girly things. Kami lang ring lima ang nakakaalam na hindi siya straight, ayaw niyang ipag-sabi dahil feeling niya iju-judged at icri-criticized lang siya ng mga tao sa paligid niya at lalo na ng mga magulang niya. For me, there's nothing wrong about being a gay basta wala kang tinatapakan at nilalabag, you should do what you want.
After the spa, umuwi na si Catherine dahil may emergency daw sa kanilang bahay at may part time pa siya mamayang gabi. Plano naman naming puntahan na lang siya sa trabaho niya mamaya para doon na rin kumain at makasama pa namin siya.
Gumala lang kami sa Mall at naghahanap ng pogi si Maureen at Nathalie. Sa bawat fast food na madadaanan namin na kita ang looban ay bumabagal ang mga lakad nila.
"Ang bagal namang maglakad..." Maureen whispered.
May mag-jowa kasing naglalakad sa harapan namin at totoo namang napaka-bagal ng lakad nila. Buti nalang at mahina lang ang pagsasabi ni Maureen no'n at kundi ay mapapa-trouble pa kami.
Pagsapit ng gabi ay nakapag desisyon kami na pumunta sa fast food na pinagtatrabahuhan ni Cath. Buti nga ay natanggap siya kahit na under age at hindi pa graduate ng high school pero ang alam ko one month lang siya do'n dahil kinuha lang siya bilang pansamantalang kapalit. Nagulat pa siya nang nakita niya kami na papasok.
"Good Evening!" She greeted. Umamba naman ng suntok si Cath nang makita niya na tinatawanan siya ni Joseph at Maureen. 'Yari kayo sa'kin' bulong niya.
Umorder na kami at naghanap ng mauupuan. Si Catherine na rin ang nagdala ng order namin sa table. "Girl, anyare sa face mo!" OA na sabi ni Joseph.
"Mag-out ka na kaya, sayang ang pa-spa mo, may event pa tayo sa Monday!" sabi ni Nathalie.
Catherine shook her head and her face looked very stress kahit na kaka-detox niya lang kanina. Umamba siyang aalis pabalik sa counter kaya sinundan ko siya. "Problem?" Nag-aalala na tanong ko.
"Family problem... na-ospital 'yung kapatid ko kaya baka 'di muna ako makakasama sa mamaya... mago-ot muna ako" She worriedly said.
I took out some money from my purse and gave it to her but she refused. "Please? I want to help, Cath" Ayaw niyang tanggapin.
"'Wag na Have, kaya ko naman."
"Sige, utang nalang..." Dahil kahit anong pilit ko sa kanya na tanggapin 'yun ay ayaw niya pa rin.
"Sure ka jan ah? Utang 'to Haven, hindi bigay," Nilakihan niya pa ko ng mata para lang masiguro na tatanggapin ko ang bayad niya.
Sabay-sabay kaming kumain at dumaan muna kami sa Ospital para ibigay ang pambayad sa Hospital Bills ng kapatid ni Catherine bago pumunta sa bahay nila Chantal. Hindi na sumama sa amin si Joseph dahil kailangan niya pa raw humabol sa family dinner nila.
Chantal's room was very minimalist, sobrang angkop sa personality niya. Mayroon pa ngang picture frame na nakasabit sa isang malaking wall na kaming lima ang nakalagay. We changed into our matching pajamas that Joseph bought for us earlier. We had a typical sleepover. We watched some movies on Netflix and ate pizzas. Nagchikahan din kami at nasali pa sa usapan si Mason!
"Kamusta naman si Mr. Mason Villegas?" Tanong ni Maureen.
"H..He's nice and..." 'Di ko pa nadu dugtungan ang sasabihin ko ng sabay-sabay silang nagsalita.
"Handsome!"
Aminado naman akong gwapo siya at sobrang lakas ng appeal niya, dagdagan pa ng talino niya 'di ba. Full package. Inasar naman nila ako sa pag-amin ko na mabait at gwapo nga si Mason unlike sa first impression ko sa kanya na mahangin at mayabang.
Well, first impressions change when you meet and know the person better. Ganoon ako kay... Mason.

BINABASA MO ANG
When the Sun Rises (Falling Series #1)
Teen FictionOn the darkest days, the sun rises for Haven Celeste Lopez. She remained simple yet elegant regardless of her family's chaos. For her, love doesn't exist until she met the guy that brings chaos in her life. She fell in love for the first time but th...