Chapter 6

9 0 0
                                    

It was a cold night. I was staring at the stars. "Merry Christmas, Haven" My mom hugged me.

We had a simple dinner and then my dad left because of his 'business'. Ganoon pa rin ang pakikitungo ko sa kanya, pormal at maikli. Hindi kami ganoong nag-uusap dahil 'di rin naman kami masyadong nagkikita rito sa bahay. My mom and dad started to travel last month, i'm happy because my mom became happier these days and i think nagkaayos na nga talaga sila ni Daddy. Sana magtuloy-tuloy na.

Bukas, pupunta pa 'ko sa isang orphanage to give gifts to children. Hindi makakasama si Mommy dahil may business meeting pa sila sa ibang bansa. Buti nga't naisipan pa nilang mag-celebrate ng Noche Buena kasama ako.

From MauDaldal:

We're here na sa labas ng gate mo, Have. Fasterrrr pleaseeee.

To MauDaldal:

give me one minute Maureen, stay put ha.

From: MauDaldal:

Ano?! I'm not aso!

I actually didn't expect them to come with me lalo na't pasko ngayon at kailangan nilang mag-celebrate kasama ang pamilya nila.

Pagkalabas ko nakita ko agad ang gray na van. Maureen's standing, hindi mapakali. A driver and a nanny was seating on the front seat while Catherine and Joseph was seating at the back. Pagpasok ko sa loob ng van, nagulat ako nang makita ko si Mason kasama ang isa pang lalaki na pamilyar sa'kin. Wala ng ibang upuan bukod sa tabi ni Mason dahil sa dami naming dalang regalo kaya wala akong nagawa kundi umupo na lang sa tabi niya.

"Merry Christmas," Bati niya sa'kin.

"Merry Christmas din... Ah ba't nga pala kayo napasama?"

"Si Clark niyaya ako," sagot niya sabay turo doon sa lalaking katabi ni Maureen. 'Yun yung crush niya ah!

"Okay lang ba?" Nag-aalalang tanong niya.

"Oo naman!"

'Di na kami nag-imikan hanggang sa makarating kami sa orphanage. I was about to stand up and go out the van when he suddenly held my wrist and took off his jacket. Ginamit niya 'yun para takpan ako! I was wearing the dress that Chantal choose the last time we go on shopping and it's not that short pero siguro nga makikitaan ako kaya niya ginawa 'yon. He's really nice and gentleman, huh.

"Thank you." Tumango naman siya at nag-simula ng tumulong sa pagbaba ng mga regalo.

Andaming nag-bago sa pananaw ko simula nang nakilala ko siya. Sa pananaw ko sa buhay, at lalo na sa pananaw ko sa kanya. I started wondering about him. He's very mysterious o sadyang hindi ko lang alam ang mga tungkol sa kaniya.

We started giving our gifts to the children and i took a picture with them. It's my first time visiting an orphanage here in Manila kaya nakakapanibago. I actually miss the children in CDO. Nang oras na ng pagkain ng mga bata ay tumulong kami sa pagbibigay sa kanila. Sobrang natutuwa ako dahil nandito ang mga kaibigan ko, sayang lang at wala sila Nathalie at Chantal dahil nasa ibang bansa si Nathalie at si Chantal naman ay nasa lola niya.

"Ice Cream!" Excited na sabi ni Clark sa mga bata.

"If you finish your food, we'll give you an ice cream," Sabi ni Maureen sabay punas doon sa dumi sa bibig ng batang nasa four years old siguro. Akalain mo nga naman na ang nag-iisang Maureen Fernandez ay walang kaarte-arte na sinusubuan ang mga bata at pinapatahan ang mga umiiyak! In this way, i'm starting to know them more, i'm starting to love them even more.

"Ako muna diyan, Have, samahan mo si Mason don oh!" Sabi ni Catherine sabay nguso sa kinaroroonan ni Mason. Nagbibigay si Mason ng ice cream sa kabilang table at bago niya ibigay ang ice cream ay pinapalipad niya ito gaya ng sa eroplano o 'di naman kaya'y winiwave katulad ng barko. Ang cute niya. Kinuha ni Cath ang batang hawak ko kaya wala akong nagawa kundi tulungan nalang si Mason sa pagbibigay ng ice cream.

"Hi baby," Bati ko sa isang batang babae na sobrang cute. Parang siopao ang pisngi niya, ang sarap pisilin!

"Hello," Nagulat ako dahil si Mason ang nagsalita! Baby ba siya?! "Hello, Kitty," Pagbabawi niya. Nakahinga naman ako ng maluwag pero hindi pa rin tumitigil ang bilis ng tibok ng puso ko!

Sinubuan ko nalang ng ice cream 'yung batang cute at nagpatuloy naman si Mason sa pagbibigay ng ice cream.

"Ate, boyfriend mo po ba siya?" Tanong nung bata sabay turo sa likuran ko. Paglingon ko sa likod ay agad ko namang nakita si Mason na naka-upo sa malayo habang tumatawa kasama ang isang bata ngunit ang mga mata ay nasa direksyon namin. Nang mag-tama ang mga mata namin, agad naman akong nag-iwas ng tingin at sinagot ang bata na hindi ko siya boyfriend! Hindi niya nga sinabi na friends na kami, boyfriend pa kaya!

Ngumiti-ngiti naman 'yung batang katabi ni Kitty kaya naagaw niya ang atensyon ko. Ito na naman ang mga batang 'to, tingin ng tingin sa likuran ko! Pagkatangin ko ulit sa likuran ko, muntik na 'kong mabulunan sa sarili kong laway dahil sa lapit ng mukha ni Mason! I didn't expect him to be this near.

Tumingin naman siya sa mga bata at tinanong kung kamusta sila na parang walang nangyari. Ako, 'di mo kakamustahin kung okay pa ba 'ko? Patagal ng patagal, mukhang nagiging Maureen na rin yata ako!

"I'm hungry na!" Reklamo ni Maureen.

"Walang resto dito Mau," Sambit ng yaya niya sa harapan.

"'Di na po kailangan ng resto, kahit ano nalang po na madaanan natin," Sabi naman ni Clark.

Tumango-tango naman si Maureen para magpa-impress sa crush niya. Kala mo naman talaga kumakain ng kung ano-ano! Gagawin talaga ang lahat mapa-oo lang si Clark. Mabuti naman din ang naidudulot ni Clark sa kanya dahil hindi na siya tutunga-tunganga tuwing klase, inspired pa nga!

"Kuya dalawa pong kwek-kwek," Sabi ni Mason sabay kuha do'n sa kulay orange na bilog na nasa stick. Umorder na rin sila Maureen at si Catherine naman ay parang may sariling mundo. Kanina pa siya, 'di mapakali. Sa totoo lang, palagi naman siyang 'di mapakali dahil sa boredom.

"Kain ka," Sabi ni Mason sabay bigay sa stick na mayroong kulay orange na balls.

I bit my lower lip because I don't know that! Ngayon pa lang ako makakakain ng street foods.

"You make tusok-tusok daw, Have then you dip sa sauce! It's yummy kaya, i think this is my next cravings." Maarteng sabi ni Maureen.

Ngumisi lang sa kanya ang katabi niya at nagpatuloy na sila sa pagkain. Sinunod ko na lamang ang sinabi ni Maureen. I actually looked dumb not knowing what to do!

Pagkasubo ko ng orange balls ay tinaasan naman ako ng kilay ni Mason, "Ano? Masarap diba?"

Well, it's tasty! Tumango naman ako bilang pagsang-ayon sa kaniya. I think i need to watch street food mukbangs para naman may alam ako kung sa kaling mag street food ulit kami.

When the Sun Rises (Falling Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon