"You look gorgeous, Celeste."
I was wearing our costume for our ballroom dance at kakatapos ko lang na magpa-ayos sa glam team na hinire ni Mommy. Sa totoo lang, kaya ko naman na ayusan ang sarili ko pero napaka-kulit ni mommy kaya pinagbigyan ko na lang.
Pagdating ko sa school, agad ko namang nakita si Joseph, may kausap na lalaki. May pa bro handshake pang nalalaman! Kilig na kilig na naman 'to, for sure!
Tinawag ko naman agad siya at buti narinig niya 'ko. "Ayan! Crush mo noh!" Sambit ko nang makalapit siya.
"'Wag kang maingay!" Sabi niya sabay hila sa'kin papunta sa gilid, kung sa'n wala masyadong tao.
He was wearing a navy prince costume. Natatawa ako dahil lalaking-lalaki siya sa suot niya. Naka-gel pa ang buhok! Humagalpak ako sa tawa kaya tinusok niya ang bewang ko.
"Walang nakakatawa, 'di ko ginusto 'to," Pinag-cross niya ang dalawa niyang kamay at umirap sa kawalan.
Nang dumating sila Maureen, sakto ay nag-start na ang program. Nilibot ko ang mata ko sa paligid pero 'di ko makita si Mason. Kami na ang next na magpeperform!
Nang 'di ko pa rin siya mahagilap makalipas ang ilang minuto ay nagpasya na 'kong umalis sa pila dahil mukhang 'di ako sisiputin ng partner ko. I felt sad when i was about to walk away but someone suddenly held my wrist.
"Gorgeous, don't miss another event of your life," Sambit ni Mason.
He's wearing the same thing Joseph's wearing pero mas bagay sa kanya! Nagpagupit pa yata siya!
"I'm sorry na-late ako," sabi niya sabay hawak sa likod ng ulo niya.
Wala akong masabi kaya tumango nalang ako. 'Di na ko nagsalita hanggang sa magsimula ang performance namin.
"Ang ganda mo," He said in the middle of our performance.
"You look charming," I replied.
Our performance was successful at kami pa ang nanalo! That was great! After 3 years daw ay sa wakas nanalo ulit ang grade 10 at proud ako dahil kasama ako sa batch na 'to.
Nag-aya si Joseph sa kanilang bahay. Nag-handa daw kasi ang mommy niya para sa event na 'to dahil alam niya na kami ang mananalo. Mabait naman ang mommy ni Joseph kaya lang natatakot pa rin siya na umamin dahil baka mag-iba ang turin ng pamilya niya sa kanya 'pag nalaman na hindi siya straight. Siya lang kasi ang nag-iisang lalaki sa magkakapatid, at siya ang inaasahan na magmamana ng kompanya nila.
Akala ko kami-kami lang ang ininvite pero kasama pala ang grupo nila Mason! Sitting pretty tuloy si Maureen sa tabi at hindi makakain ng maayos dahil nandiyan daw ang crush niya. Si Catherine naman ay 'di mapakali sa isang tabi habang kaming tatlo nila Nathalie at Chantal ay walang pake sa paligid. May pagkain kaya kakain kami!
"Water?"
Muntik na 'kong mabulunan nang nakita ko si Mason sa harap ko. Bigla tuloy akong na-conscious sa pagkain. At ngayon ko lang napansin na iniwan na ako ni Nath at Chantal.
"Ba't mag-isa ka lang?" Tanong niya pagkatapos ilapag ang pagkain niya sa mesa. Nasa pool area kami at kakunti lang ang tao kaya dito kami pumwesto pero 'di ko inakala na hanggang dito'y magtatagpo kami ni Mason.
"Kasi hindi ako dalawa?" Sarkastiko kong sabi.
He chuckled and said "Akala ko talaga nung una, napaka-seryoso mong tao."
"Actually yes, nahawa na lang din yata ako sa kaingayan nila," I stated the fact and then look at Nathalie and Chantal. Nakatayo sila sa pintuan, papasok sa bahay nila Joseph. It's not that far from our table kaya sigurado akong naririnig nila kami kahit na mahina.
"Nasaan na nga pala boyfriend mo?"
"Huh?" Naguluhan ako sa tanong niya. "Wala akong boyfriend."
He shrugged and a smile crept on his lips. Ano bang trip nito?
"Di mo pala boyfriend si Joseph? Clark said he's..." I laughed at his statement. Kung alam mo lang.
Umismid nalang siya sa pagtawa ko kaya nanahimik na lang ako at nagpatuloy sa pagkain.
Weeks had past and it's becoming more stressful because our Christmas break was coming. Dapat nga ay chill nalang kami dahil magpapasko na pero ito ako ngayon, sa library, pilit na inaaral ang mga nakaraang lesson dahil hindi ko masyadong maintindihan dahil na rin sa mga events na sumabay. I don't like cramming because I know to myself that it's going to be the reason kung babagsak man ako.
I've been reading my notes on Math simula kaninang umaga pero 'di ko pa rin ma-gets. Kulang nalang ay ipukpok ko ang notebook sa ulo ko para lang pumasok ang mga numero na nakasulat! Sobrang stress ko na! I'm good at math but our teacher was very boring kaya 'di ako nakikinig these past few days. Siguro rin kulang ang nakuha kong notes kaya mali pa rin ang pag-solve ko sa problem kahit anong gawin ko.
"Your equation was wrong. Change that into distance." Sabi ni Mason sabay turo sa notes ko.
Nakakagulat din ang isang 'to. Bigla-bigla nalang sumusulpot!
I followed what he said and he was right! Mali nga ang kopya kong equation. Kung hindi pa siya dumating, kanina pa 'ko naging hatdog dito sa kaka-solve kahit na mali naman pala ang equation na ginagamit ko.
I also didn't know that he studies here in the library. 'Di halata sa kaniya. He's more likely the guy who'd spend most of his time on the basketball court so I didn't not expect him to study with me.
"'Di ka mag ba basketball?" I curiously asked.
He put down his pen and looked at me. "Wala si Clark, may ibang binobola," He chuckled.
I just nodded because I don't know 'Clark'. Siguro kilala ko sa mukha, pero sa pangalan hindi. Like what said, i'm not good at names.
We just spend our time sa library at 'di na kami muling nag-usap. Minsan sumusulyap ako sa kanya pero masyado siyang busy sa binabasa niya kaya 'di rin niya ako napapansin.
'Introduction to Marine Engineering', He's too young for that pero halatang kuryoso siya binabasa niya. Maybe he wants to be a Seaman? Iniimagine ko pa lang, Mason on a Captain's uniform with an aviator looks so stunning! Feel ko mas gwapo pa siya kung Marine Engineering nga ang kukunin niyang course sa college.
"You want to be a Seaman?" 'Di ko na mapigilan ang sarili ko kaya tinanong ko na siya.
Tumango naman siya. "One day I'll be a Sea Captain..." He said and continued reading.
'Di ko inakala na ang lalaking katulad niya na puro basketball at tambay lang ang ginagawa ay may malinaw na tunguhin sa buhay. Me? I don't know what i want. Ang alam ko lang ay gusto ng parents ko na mag-take ako ng course na may kinalaman sa Med.
A few minutes later, nag-angat na naman siya ng tingin sa'kin. "Ikaw? What course are you taking?" He asked.
Nagkibit-balikat nalang ako dahil 'di ko nga alam ang gusto ko.
"Doctor? Since I came from a family of doctors? or teacher, since I love kids. I don't know..." I answered honestly.
Nanatili naman ang titig niya sa'kin. "Kung anong nakakapagpasaya sayo" He said and stood up to return the book he was reading.
"Kung anong nakakapagpasaya sakin," I whispered to myself. I was lying on my bed, still thinking on what Mason said earlier. Ano nga ba ang makakapagpasaya sa'kin? Since that day, I started questioning myself. I started paying attention to the things that surround me to find the thing that will surely make me happy.
BINABASA MO ANG
When the Sun Rises (Falling Series #1)
Ficção AdolescenteOn the darkest days, the sun rises for Haven Celeste Lopez. She remained simple yet elegant regardless of her family's chaos. For her, love doesn't exist until she met the guy that brings chaos in her life. She fell in love for the first time but th...