"Good day everyone, this is Haven Celeste Lopez, 15. You can call me Haven. Have if we're close. I came from CDO and it's my first time studying here in Manila. Hope we get along. I'm not a snob, mukha lang." My classmates chuckled.
My parents were still together but not in love with each other. Alam ko naman na hindi na sila at pinipilit na lang nila ang mga sarili nila na tumira sa isang bubong para sa akin. My family was perfect until the day when my mom caught my dad cheating.
My grades started to fall at ilang beses na ring pinatawag ang parents ko sa school dahil sa pag cucut ko ng klase. Nawalan ako ng gana sa school simula nang nalaman ko na totoo nga na nag-che-cheat si dad kay mommy. I saw it with my very own eyes. My classmate's mom was his mistress and when I knew it 'di ko na napigilan ang sarili ko at ikinulong ko sa banyo si Melissa, 'yung anak ng mistress ni daddy. Melissa is a bitch. Makita ko lang siya sa malayuan kumukulo na agad ang dugo ko sa kanya.
"Pumunta yung daddy mo sa amin kagabi, may dalang foods for me," Ang kapal talaga ng mukha nitong babaeng 'to. I have a name that I need to keep clean pero sino ba naman ang 'di magdadalawang isip na ikulong sa banyo kung ganyan ang sasabihin sayo diba?
The next day, I woke up with my parent's shouting to each other. Paglabas ko ng kwarto natanaw ko mula sa second floor ng aming bahay ang salas naming puro bubog ng vases.
"Tinotolerate mo kasi 'yung anak mo kaya nagkaganyan, Lexis!"
I was furious when I went down stairs.
"Kung pinapangaralan mo rin po kasi 'yung anak ng kabit mo dad, hindi sana siya makukulong sa comfort room!," He slapped me.
I'm a daddy's girl and I can't believe that he slapped me.
"I'm sorry, hija... 'di ko sinasadya," I can hear him but I can't forgive him this time. Mahal ko man siya pero i will never tolerate him. Dinurog niya 'yung puso ni mommy at para niya na ring dinurog ang puso 'ko.
Kinabukasan, lumuwas kami ni mommy patungong Manila. She said that she wants to handle our hospital here in Manila but I know that she just wants to escape from the pain that my dad has given to her. She can't leave my dad because she doesn't want to disappoint my grandparents. Gusto niyang patunayan na 'di siya nagkamali sa pagpili sa pagpapakasal sa daddy ko kaysa sa pagiging doctor pero mukhang pinagsisisihan na ni mommy na pinili niya si daddy.
Does love really fade? Maybe.
Ang hindi ko lang talaga maintindihan ay kung ba't naghahanap pa ng ibang pamilya si daddy kung nandito naman ako. If he really lost his love for mom, does that mean that he also lost his love for me?
Am I not enough for him to stay with us? Siguro.
My first day of school in Manila was fine but I don't socialize that much because I'm still adjusting. A lot of my classmates approached me but I haven't made my own group of friends yet. Back when I was still in CDO, I was lonely and I didn't have any friends. I preferred being alone until four girls came into my life when I transferred to Manila.
Recess time at kasama ko ang apat kong kaibigan. We have a lot of similarities and we understand each other that's why we have a really good bond. I found a comfort with them, kapag kasama ko sila, nawawala 'yung lungkot sa puso 'ko.
"Uy, nandiyan na yung crush mo," bulong ni Maureen habang masuyong tumitingin sa likuran ko.
"Anong crush? Ako magkaka-crush diyan? Asa ka," Sabi ko sa kaniya at nagpatuloy nalang sa pagkain.
Naghahagikgikan naman sila bigla. Parang tanga. 'Di ko pa malalaman na nakaupo na pala sa tabi ko 'yung inaasar nila sa'kin kung 'di pa siya nagsalita.
"Hi, Have,"
"Close ba tayo?,"
"Ang sungit mo naman," Inirapan ko na lamang siya dahil wala akong balak na sabayan 'yung trip niya.
"Pres! Tara na dito, wala kang pag-asa diyan! Olats ka na!" Tawag ng kasamahan nung guy. 'Di ko nga alam ang pangalan no'n tapos sasabihin nilang crush ko 'yon? 'di naman sa pagiging assuming pero baka siya ang may crush sakin kaya ang kulit-kulit niya.
Sabi ni Maureen bestfriend daw ng crush niya 'yon at gusto niya pang kaibiganin ko 'yon para makalapit sa crush niya! Ayoko nga! Pagawin mo nalang ako ng sandamakmak na gawain kaysa makipag-close sa lalaking 'yon. Napakahangin at yabang kala mo gwapo. Well, gwapo naman talaga siya at some point but still... he's not my standard.
My first months in grade ten went smoothly, maliban na lang kung nandyan 'yung guy. Hanggang ngayon 'di ko pa rin siya kilala. Nababanggit naman nila yung panagalan pero 'di ko tinatandaan kasi sino ba siya 'di ba? I'm not good with names. Kung wala naman talaga akong pake sa'yo, 'di ko matandaan ang pangalan mo kahit na ilang oras pa tayong mag-usap.
As I open the door, I heard my mom crying and when I finally entered the house, I saw my dad, begging for forgiveness. I still respect him as my dad but I can't imagine my family going back to it's old picture after being ruined by my dad. 'Di na maibabalik yung pusong nadurog. 'Di na sisikat ang araw na matagal ng lumubog. I wonder what would happen when the sun rises again. Posible pa kayang lumiwanag 'yung mundo kong matagal ng madilim at umibig yung puso kong matagal ng nawasak dahil sa kaisa-isahan kong minahal? My dad was my first love and my sun rise nonetheless he's also the reason why my heart closed and my sun set.

BINABASA MO ANG
When the Sun Rises (Falling Series #1)
Teen FictionOn the darkest days, the sun rises for Haven Celeste Lopez. She remained simple yet elegant regardless of her family's chaos. For her, love doesn't exist until she met the guy that brings chaos in her life. She fell in love for the first time but th...