Chapter 3

13.9K 315 32
                                    



LUMIPAS ang dalawang linggo at hindi parin sya makapaniwala na isa sya sa nakuha mag ojt doon sa LD Hotels and Resorts, at ang masaya pa kasama nya si rena sa hotel.

napatitig sya sa hawak na papel, ang schedule nya.

MONDAY TO FRIDAY - 9:00 am - 7:00pm (FRONT OFFICE,HOUSEKEEPING)

SATURDAY - (OFF)

SUNDAY - 10:00am - 8am (FOOD STATION)

nagpapasalamat nalang sya dahil sakto lang ang oras nang uwi nya para makapag trabaho pa sa club na pinapasukan nya.

binuksan nya ang cellphone nya para tawagan ang magulang nya. Nasa palawan kasi sila dahil doon sila nakatira talaga. may bahay at lupa sila na maliit doon at may negosyo naman sila na bilihan ng gulay pero hindi parin sapat na matustusan sya ng magulang nya dahil sapat lang iyon sa pang araw araw nila at pag aaral ng nakababata nyang kapatid.

"Hello ma?"

'hello 'nak? kamusta ka na dyan?'

"okay naman po ma! sobrang saya ko ang ganda ng hotel na pag o-ojt-han ko. panigurado marami akong matututunan at maganda sa mata ang mababasa sa resume ko" 

'mabuti naman kung ganon... may pera ka pa ba dyan anak? gusto mo padalhan kita may naipon naman ako dito'

"nako ma wag na po sainyo nalang yan, sakto naman po ang kinikita ko.. kaya ko na po ang sarili ko"

'nami miss na kita anak... ilang buwan pa para pumunta kami dyaan sa maynila'

"malapit na din yun ma! ilang buwan nalang at ga graduate na ako.. si papa pala?"

'andon nangingisda kasama si arding at itong kapatid mo nag lalaro sa labas dahil tapos na sa assignment nya' 

"sigi po ma ibaba ko na po ito, may lakad po kasi ako"

'sige anak mag iingat ka ha? i love you.'

"opo ma ingat din po kayo mahal ko po kayo nila papa"

pinindot nya ang end call at nag ayos nang gamit nya, pinlantsa nya ang isang dress na pinahiram sakanya ni kianna.

day off nya ngayon pati narin si kianna, inimbita kasi sya ni kianna mag saya sa lux club. kaarawan kasi nito at gusto nya mag enjoy naman kami sa lux club at kalimutan na doon kami nag ta trabaho. dahil birthday ni kianna sagot ni sir claude ang dalawang VIP table para sa iimbitahan ni kianna at sinabihan pa sila na libre lang ang 6 na bucket ng beer na nag kakahalaga lang naman na 18,000 pesos. 

mas lalo syang naiilang tuwing makikita ang susuotin nya. masyadong revealing sakanya iyon, pero ito ang gusto ipasuot sakanya ni kianna dahil alam nya ma a out of place sya pag nag suot sya ng pantalon at tshirt.

naligo na sya at nag ayos na, naglagay sya ng makeup sa mukha para maging presentable naman sa harap ng mga iba pang kaibigan ni kianna.



sinuot nya ang damit na pinahiram ni kianna. mukhang bago pa iyon dahil sabi sakanya ni kianna isang beses lang daw nagamit ang damit na pinahiram sakanya.

napatingin sya sa salamin. nakasuot sya ng plaide tube croptop at highwaist skirt na may kaiksian. terno iyong dalawa na yun. color yellow and black kaya nag suot sya ng plain black choker para bumagay at 3 inches black heels. 

 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Ceo's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon