Chapter 2

14.5K 364 66
                                    



PASIMPLENG inikot nya ang kanyang paa dahil sumasakit na iyon kakalakad at ilang oras na nakatayo. 

"malapit ka na mag-out sky, last serve mo na 'to." kinuha nya ang bucket ng beer at dumeretso doon sa VIP table 4, medyo malapit lang sa inuupuan ng boss nya at mga kaibigan nito. kaya pag mag hahatid ako ng mga orders nginingitian ako ni archie at clinton. 

"hey.." binalingan nya ang lalaki sa isang gilid ng tinawag sya, mukhang lasing na lasing na iyon pati narin ang kasama nya. 

"yes po sir? may i papa order pa po kayo?" tanong nya sakanila. napausog naman sya ng biglang tumayo ang lalaki at hinawakan sya sa bewang. tumikhim sya para mawala ang kaba.

"s-sir.. ang kamay nyo po" magalang parin na sambit nya, ng naramdaman nya ang paghagod sa likuran nya pababa sa pang upo nya. humakbang sya paatras at tumalikod pero nagulat sya ng biglang may humawak sa siko nya.

"miss bastos ka ha? kinakausap ka pa namin!" sigaw nito, nanginginig man sya sa takot pero pinalakas nya ang loob nya.

"hindi po ako bayarang babae para bastusin nyo ng ganun" mahinang sambit nya na kinangisi ng kaharap nya.

"pre hindi daw sya bayarang babae pano ba to?" tumayo naman ang isang lalaki na may gold chain necklace na suot. hinatak nya ang siko nya dahil hawak hawak sya ng lalaki.

" is there a problem? " agad nyang nilingon ang boses na yun, ang boss nya si claude na nakatingin na sakanya at nakakunot ang noo.

"sino ka ba? ayaw ko ng pakealamero dito" maangas na sabi nung lalaki na may gold chain necklace. 

"i own this club at ang staff ko ang ginugulo mo" napaatras na sya dahil tumaas na ang boses ng boss nya.

"ah ikaw pala ang may-ari nito, baka naman pwede kong rentahan itong staff mo? actually kanina ko pa sya pinag mamasdan napaka seksi at mukhang inosente pag dating sa kama--" napatigil ito ng biglang may sumuntok sa mukha, kita nya pa ang pag dugo ng bibig at ilong nang lalaki. 

"shit.. walang aawat kay luther ha? tara na nga! bayaan nyo na siya dyan mambugbog gusto ko na maghanap ng chicks e" hindi nya pinansin ang sinabi ni archie, para syang naestatwa na nakatayo at nakatingin sa lalaking tinawag na luther. binubugbog ang tatlong lalaki sa harap nya agad nyang tinignan ang boss nya pero ngumisi lang at tumingin saakin.

"awatin mo sya kung maaawat mo pero kung hindi umuwi ka na out mo na" yoon lang ang sinabi sakanya ng boss nya at sinamahan na sila archie na bumaba papunta sa dance floor. 2nd floor kasi ang VIP table at wala masyadong tao kaya walang magtitilian dahil wala naman na ibang tao.

"t-tama na" sambit nung isang lalaki. nanlaki ang mata nya at napatakip sa bibig ng makita ang mga duguan na mukha ng lalaki. agad akong lumapit doon at hinawakan ang braso nya

"tama na po.. wag mo na sila bugbogin kuya" sambit nya pero hindi tumigil kaya wala syang nagawa kundi yakapin ang isang braso nya at hatakin, kahit nangangatog ang tuhod nya lalo na ng mahawakan nya ang kamay ng binatay. para bang may kumuryente sa katawan nya.

agad syang nilingon ng binata at sinalubong nya ang titig na ito nakaigting ang panga nito at salubong ang kilay. para syang tanga na nakatitig habang nakayakap sa braso ng binata, hindi nya mapag kakaila na sobrang gwapo talaga nito parang masyadong perpekto ang mukha.

"bitaw" parang paos at malalim ang boses nito kaya napatalon sya sa gulat agad syang napabitaw at sinunod ang sinabi ng binata.

"s-sorry.." bulong nya, pero naglakad papalayo ang lalaki kaya sinundan nya

The Ceo's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon