"SKYYYYYYY!!!" Napapikit sya dahil sa lakas ng boses ng kaibigan nya na tumatakbo na papalapit sakanya. Hiningal naman ito ng tumigil sa harapan nya.
Kinunutan nya ito ng noo "makasigaw ka naman parang may kakatay sayo" natatawang sambit nya kay rena. Umupo naman ito sa tabi nya at dali daling pinakita ang cellphone nya.
'LD HOTEL & RESORT will accept 20 OJT's this year'
Nanlaki naman ang mata nya ng mabasa iyon. Hindi sya namamalikmata o ano man, totoo talagang nasa article iyon.
"Totoo talaga yan diba?" Paninigurado nya pa kay rena na nakangiti na.
"Oo... tae talaga nagulat ako kanina ko lang nalaman sa iba nating kaklase kaya pala naging busy... panigurado maraming mag aapply doon sky."
Panigurado nga na maraming mag aapply doon dahil alam naman yata ng lahat ng tao na kung gaano kalaking kompanya iyon. numero unong hotel and resort iyon sa pilipinas at sa iba pang bansa.
Minsan lang sila tumanggap ng ojt, as in madalang lang parang kung kelan lang nila gusto mag sabi na tatanggap sila yoon lang.
Kung sine swerte nga naman sumakto pa na mag oojt na sila.
"At ikaw! Wag ka muna maging mahiyain okay? Kaya mo to!" Natawa pa sya ng itaas ni rena ang kanang kamay at kinuyom ang kamao.
'Fighting' yoon and ibig sabihin nya.
huminga naman sya ng malalim para pakalmahin ang sarili nya masyado syang excited sa balita pero kinakabahan parin sya dahil alam nyang marami ang mag a-apply doon.
BINUKSAN nya ang kanyang laptop ng nakarating sila sa library agad nyang chineck ang resume nya. dumukwang naman ang kaibigan nya sa laptop nya at tinignan kung na isend naba sa email ang resume nya.
"baklang to! i send mo na yan, tsk ako na nga" napigil nya ang hininga nya at napagsiklop ang dalawang palad ng na isend na ni rena ang resume nya. masyado syang kinakabahan, sana lang talaga matanggap sya.
"kelan natin malalaman kung makakapasa tayo sa first round?" tanong niya kay rena
"mag e-email sila saatin kung kelan ang interview. pag nakatanggap tayo ng email about interview ibig sabihin nakapasa tayo sa first round. ang second round naman ay interview kung sakali man talaga...SANA! na umabot tayo sa interview galingan na natin... ako makapal ang mukha ko--pero ikaw? please lang Sky Angela Hillardo wag ka munang maging mahiyain huh? ako ang nag aalala saiyo e" ngumuso naman sya sa sinabi ng kaibigan, totoo naman kasi na mahiyain sya, kung hindi nga sya unang pinansin ni rena nung 1st year college sila panigurado wala syang kaibigan talaga. sa sobrang mahiyain nya lagi syang mag isa at mas gugustuhin nya iyon kesa naman makisiksik sa mga kaklase nya na kaibiganin sya.
"Dederetso ka na ba sa Lux Club?" tumango naman sya, kailangan nya pa mag trabaho... part time nya kasi ang pagiging server sa club hindi naman nya kinahihiya ang part time job nya dahil marangal naman ang ginagawa nya kahit sa club pa sya nag ta trabaho.
"kailangan ko pa mag trabaho e, alam mo na kahit may ojt tayo tuloy parin ang part time ko doon tuwing gabi kaya sana lang kung matanggap tayo pang umaga ang sched ko" kailangan nya ipag patuloy ang pag ta trabaho nya dahil hindi sya makakapag aral kung hindi sya mag ta trabaho.
nag paalam na si rena sakanya at ganun din sya, dumeretso muna sya sa kanyang maliit na apartment at nagpahinga saglit. kalahating oras lang ang tinagal nya sa pagpapahinga dahil kailangan nya na magluto ng makakain nya.
BINABASA MO ANG
The Ceo's Obsession
قصص عامةWARNING: SPG || Rated 18+ (COMPLETED ON DREAME/ YUGTO APP) Luther Declan is a drop dead gorgeous man who are serious in life. a lot of womens are willing to do anything to notice by him. His a Devil/Monster in his company, no ones try to mess with h...