Chapter 4

12.7K 368 31
                                    

NAGISING sya mahimbing natulog, para bang ang sarap ng tulog nya lalo na ang malambot na kama na hinihigaan nya at ang mainit na mga braso na nakayakap sakanya.

'teka? mainit na braso.. malambot na kama?' 

agad niyang idinilat ang kanyang mata at nilibot ang paningin. nasa hindi pamilyar siya na kwarto at higit sa lahat may katabi siyang lalaki...

'luther...'

dahan dahan nyang tinanggal ang kamay na nakapalibot sa bewang nya at nagtagumpay naman sya doon. sinilip nya ang kanyang katawan, naka cycling shorts nalang sya at isang malaking tshirt. pinakiramdaman nya naman ang babang parte nya, wala syang sakit na naramdaman ibig sabihin lang non' walanng nangyari sakanila ni luther.

tagumpay syang nakaalis sa kama nakita nya pa ang heels at damit nya na nakatupi sa gilid at ang bag nya. mabilis nya iyong kinuha at walang lingon lingon na lumabas ng kwarto at umalis doon.

nakarating naman agad sya sa apartment nya dali dali syang naligo ng makita ang oras 8:00am na at start ng ojt nya ngayong 9:00 am. 

sinuot nya ang magiging uniform nila, nakita nya pa ang daming tawag sakanya ni kianna at rena.

from kianna:

- i text mo ako kung nakauwi ka na..

2:00am

from rena:

girl! gising ka na ba?

hoy mag reply ka!

nako tulog ka pa ba?

ojt natin ngayon...

nakakaloka ka bilisan mo kumilos huh! sa LD Hotel nalang tayo mag kita.

agad nya namang nireplyan ang mga kaibigan.

to kianna:

- okay lang ako, salamat. pasensya na naiwan ko kayo...

to rena:

-  paalis na ako! mag kita nalang tayo sa entrance ng hotel.

agad syang kumilos ng mabilis, may 20 minutes pa sya para bumyahe. tinignan nya ulit ang kabuoan nya. naka low ponytail ang kanyang buhok at ang suot nya ay white longsleeve polo, maroon vest, black na scarf, maroon pencil skirt at black heels.

dalawang set ng uniform ang pinahiram sakanila ng hotel. 

dali dali syang umalis at nag taxi na kahit umabot pa iyon ng 300 pesos wala na syang magagawa dahil nag mamadali sya. nakahinga sya ng maluwag nang dumating sya 5 minutes before 9am. 

"sky takbo!!! bilis pinapapasok na tayo doon sa meeting room para sa mga rules" agad syang napatakbo kahit naka takong pa buti nalang hindi sya natapilok o nadapa. 

pumasok sila sa hotel at napamangha sya sa nakita, isang malaking chandelier ang makikita mo pag pasok palang. dumeretso sila sa isang gawi at papasok iyon may mga ibat ibang kwarto na para sa employees.

bumungad sakanya ang 8 na katao, bali 10 na sila ngayon dahil kasama na sila ni rena sa bilang. 

"hi" napabaling sya sa lalaking bumati sakanya, nahihiyang nginitian nya iyon at umupo sa bakanteng upuan kaya nakatabi nya din ang lalaki.

nilibot nya ang paningin sa meeting room masyadong maganda ang nasa loob may malaking flatscreen tv na alam nya na para sa presentation ng kung sino man. malaki at mahabang lamesa at maraming swivel chair.

The Ceo's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon