8. Date

2.5K 107 2
                                    





Naging statwa ang katawan ko dahil sa matinding yakap niya. So this is how it feels when a person whom you like very much hugged you. Parang nakalutang ako sa kawalan ngayon.

"Bro!" Tapik ni Tadeo sa balikat niya at agad naman na bumitaw siya nang yakap sa akin. Nag handshake na silang dalawa at nakangiti lang din.

"No date but probably an exemption is okay. Instead of a whole day, I'll make it half day. Kahit papaano ay nanalo naman tayo," ngiti ni Tadeo sa kanya.

"Thanks, bro!" Handshake nilang dalawa.

Nag-inggay agad ang grupo sa loob at humalukipkip na si Krystal sa gilid. Tumaas lang din ang kilay niya. Katabi naman niya si Ivan ngayon na medyo naguguluhan pa. Kararating lang din kasi niya.

"You've heard that, right? Half day," he winked.

Ngumiti na ako at tumango lang din sa kanya. Tumalikod na siya at inakbayan na ni Tadeo. Mukhang sa shower room na patungo ang grupo.

"Swimming ba kayo, kuya?" si Ava kay Tadeo.

"Mamaya, magbibihis lang," si Tadeo sa kanya.

Tumili na si Bria na lumapit sa akin at kinuha na ang bulaklak na bigay ni Ivan. Napangiti na ako at kinilig na din.

Who could have thought that we'll date after all? Umirap si Krsytal at lumabas na dito. Tinaasan pa siya nang kilay ni Bria. Napailing na ako. Lumapit na din si Ivan sa akin ngayon.

"Huling huli na talaga ako." Iling niya.

"Ikaw naman, suko agad!" si Maya sa kanya at umalis na din.

"Anyway, I'm here to give you this, Faith. Salamat," ngiti ni Ivan.

Inabot niya sa akin ang isang frame. Sa tingin ko frame ito. Hindi ko makita ang laman sa loob dahil nakabalot ito.

"Salamat. Ano 'to?"

"Huwag mong buksan dito. Saka na pag alis ko," ngiti niya.

"I'll be back in Manila tomorrow. I drop by just to hand it to you."

"Okay. Mag-iingat ka."

Ngumiti na ako. Kahit papaano ay mabait naman si Ivan talaga. Binuksan ko ang binigay niya pagkarating sa bahay at namangha na ako. Isang stolen shot photography ko ito. Nakatagilid ako na nakaharap sa dagat. Maganda ang pagkakakuha niya nito, dahil umalon ang buhok ko sa hangin.

"Ang ganda. Talented talaga si Ivan sa mga ganito," si Maya.

"Kaya pala. Ang ganda ng pagkakakuha niya," ngiti ko habang pinagmamasdan ito.

"Fine Arts and kinuha niya. Ayaw nga ng Ama niya kasi nga abogado ang gusto para sa kanya. E, wala rin nagawa. Mabait din naman talaga si Mayor," pagpapatuloy ni Maya.

"Patapos na ba si Ivan?"

"Sa tingin ko nasa second year pa lang siya. May dalawang taon pa. Pero usap-usap na sa France na siya mag-aaral next year."

I nodded. Hindi naman sa hindi ako interesado sa kanya, pero sa tingin ko mas mabuti sa kanya na doon matapos ang pagiging Fine Arts niya. Mas malayo ang mararating niya, at mas marami siyang matutunan.

"Ang ganda talaga, Faith... Can you please leave it here?"

"I can't. Hindi pwede ano! Bigay niya kayo 'to, at kahit hindi ko pa siya gusto. E, gusto ko naman ang kuha na 'to; So, I'll take it with me," mas malawak na ngiti ko.

The night was great after the battle of the band. We had fun talking around the table meal with everyone. Nag video call pa kami ni Hope at bumati pa siya sa lahat ng nandito. It was a celebration, too, and all in all, it was fun and fabulous.


Everything After ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon