Prologue

7.4K 201 30
                                    



I felt so nervous as I tried to hold my breath momentarily. I'm too scared of this tiny thing in front of me. So I covered it immediately after putting a few drops of my urine on the small top.

Hindi naman ako tanga para hindi maintindihan ang nakasulat dito. Umupo agad ako sa gilid at naghintay ng iilang minuto.

My heart is pounding so hard that I could almost lost myself again. Wala na ako sa sariling isip at hindi ko na alam ang gagawin ko pagkatapos nito. Mapapatay 'ata ako ni Mommy nito.

Tumayo na ako at dahan-dahan na tiningan ang maliit na bagay sa lababo.

Dahan-dahan kong inalis ang takip at maingat na tiningnan ang linya. 

There was a red colour on the first line. I paused momentarily and took a deep breath until I saw the other red line too. Mas bumilis na ang pintig ng puso ko ngayon.

I am pregnant. . . I am freaking pregnant!

Kinuha ko pa ito at tinitigan lang din. 

How did I become so clumsy? Paano nangyari ito? 

Pinikit ko ang mga mata at tumingala sa kisame ng banyo.

Mom will kill me, and Dad will probably shoot him alive. I don't care. Face down, I shake my head and shut my eyes.

Lumabas na ako para hanapin siya. I know things are bit rough on us lately. We haven't talk after the last fight we had. Dalawang linggo rin at hindi ko siya nakita. Hindi siya nagpakita sa akin.

"Where are you going, Faith?" si Auntie Bebe.

I looked at her and smiled. She was holding a broomstick in her right hand. She's cleaning the yard and watering the plants.

"I need to find Lachie, Auntie."

"Si Lachie ba kamo? Akala ko ba hiwalay na kayo? Andoon kasama si Anette, sa may tabing ilog." Namaywang siyang lumapit sa akin. Nahinto lang din ako.

"Huwag ka nga'ng paloloko sa lalaking iyon, Faith! Lahat ng babae rito hibang sa kanya!"

"Alam ko po, Auntie. May sasabihin lang naman ako sa kanya."

"Na hala sige. Gusto mo ba na samahan pa kita?"

"Huwag na po. Salamat. . ."

Tinalikuran ko na si Auntie Bebe at mabilis akong humakbang palayo sa kanya. Nadaanan ko pa ang iba niyang mga kabarkada sa kanto.

"Hi, Faith!"

"Si Lachie?"

"Andoon sa may tabing dagat, Faith. Kasama si Anette."

Tumango ako at mabilis lang din na humakbang. Nang makarating sa bandang dagat ay hinanap pa siya nang mga mata ko. Hanggang sa namataan ko sila ni Anette sa may gilid. Lumapit ako sa kanila. Nag-uusap lang naman sila na magkatabi at may kinakain pa'ng saing.

Humarap na ako. Ang saya nilang tingnan, dahil sa ngiti nilang dalawa. Alam kong napansin na niya ako ngayon, dahil nakatingin na sa akin si Anette. Pero hindi man lang niya ako tinitigan.

Lachie!"

Tumayo agad siya at nagpaalam na kay Anette.

"Bukas na lang ulit, Anette. Sige bye." Sabay talikod niya.

"Lachie!"

Patuloy lang din siya nang lakad at hindi na ako pinansin.

This is damn stupid, Faith! He doesn't want to talk to me! What mistake did I've done? Wala akong maalala na may kasalanan ako sa kanya?

Everything After ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon