Chapter 23

61 9 29
                                    

Truth


Third Person's POV

It has been 3 consecutive days simula noong dinala sa hospital si Kriesthal. She has been unconscious ever since then. The doctors said it was due to stress or anxiety, but that fact still doesn't tell which part she is stressed about. Is it because of work? Or Because of Him?

Those questions were lingering inside Rafreal's mind. Maybe he really is the reason why this happened to her?

He was still in deep thought nang biglang bumukas ang pintuan ng ward ni Kriesthal. Revealing Bella on the other side of it, she looks more scarier than usual.

Tumingin si Bella kay Rafreal, "Get the fuck out." mahinahong utos nito. But you will know that she's just trying to hold back herself.

"Uhm. Alam kong wala akong karapatang tanungin ito sayo..... pero pwede mo bang sabihin sakin anong nangyari kay K-krie?" nahihiyang tanong ni Rafreal, it took lots of confidence to spit the right words.

"Buti alam mo, and no you can't fucking know anything at all." sagot naman ni Bella, with a smirk on her face.

"But why? I atleast need to know something, I was after all her ex—" naputol ito nang biglang sumigaw si Bella.

Bella's bubble burst after hearing him almost say the word Ex, Kriesthal's Ex.
"You are the fucking reason kung bat nangyari to sakanya! Kung hindi sana ikaw ang lagi niyang inuuna, sana hindi ito nangyari! You're the one to fucking blame! Pag may nangyaring masama sa kanya, I will fucking bury you alive" naluluhang sigaw niya at lumabas na.

Dali-dali naman itong sinundan ni Rafreal, because of his eagerness to know the truth.

Pano niya naging kasalanan yon? Ano bang nangyari?

Iyon ang mga bagong tanong na nasa isip ni Rafreal.

Tumigil lang sa paglakad-takbo si Bella nang may makita siyang upuan sa labas nang hospital, sa garden nito.

Napahinto si Rafreal sa pagsunod kay Bella nang may naalala siya sa lugar na ito.

Dito sa mismong ospital na ito, na ospital ang ina at kapatid niya.

Dito sa mismong hardin nang ospital na ito, nawasak ang relasyon nila ni Kriesthal.

Dito sa mismong hardin nang ospital na ito, nasampal siya ng katotohanan.

Nagsi-balikan ang mga ala-alang iyon sa utak ni Rafreal.

Sampong taon na ang lumipas, pero parang kahapon lang nangyari ang mga pangyayaring ito.

"What?" pagputol ni Bella sa mga nasa isip niya.

"Please, I need to know the truth. Ikaw lang yung mapagta-tanungan ko nito." pursigidong tanong ni Rafreal.

Dahilan kung bat napa-tawa ng mapakla si Bella. "Huh, in one condition. Once I'm done saying the truth. Don't you ever break down in front of me."

Pinaka-ayaw kasi ni Bella ay yung may umiiyak sa harap niya, she know's how painful it is to shed tears. And she's already done crying.

"Alam mo namang may sakit si Kriesthal diba? Heart disease.... alam na alam mo yun eh....... Alam mo ba kung bat lagi ka niyang gustong makasama? K-kasi ikaw yung lakas niya..... Yung kinakapitan niya." kaunting napahinto siya dahil naramdaman niyang tumulo na pala ang luha niya

"Before nung Christmas Ball natin, pumunta kami sa doctor nun. Sa cardiologist ni Krie, sabi nila malala na ang lagay ng puso niya. Na kailangan na niyang magpa-surgery. Pero a-alam mo ba kung ano yung inuna ni Krie? Ikaw! Ikaw yung inuna niya, yung inisip niya.

'pano si Rafreal nito? Ayaw ko siyang iwan.'

Alam mo ba gano kasakit nun? Hirap na siyang huminga nun, p-pero wala akong magawa. Wala"

Nanlambot ang mga tuhod ni Rafreal pagkatapos niyang marinig yun. Hindi ko naman alam yun eh. Walang nagsasabi sakin.

"Nung gabing umalis kayo? Dahil may nangyaring masama sa mama at kapatid mo? Alam mo ba kung bat nakipag break si Krie sayo? Kasi ayaw niyang maging pabigat! Ayaw niyang may mangyari rin sayo! Kasi para sakanya, baka pag di niya makaya yung surgery niya. Baka mas lalo kapang mahirapan!

Ikaw yung inuuna niya Rafreal! Ikaw, I-ikaw. Kung hindi niya natawagan si Kuya nun, alam mo bang pwede siyang mamatay nun?
R-raf ikaw yung lakas niya. R-raf ikaw yung mas priority niya. Ang sakit nun para sakin, para samin." humagol-gol naman nang malakas si Bella kasi di na niya kaya.

Habang si Rafreal naman ay wala paring kibo pero kanina pa umaagos yung mga luha sa mata niya.

"R-raf ang sakit nun para sakanya. Kinaya niya yung sakit, nung nakipag-break siya sayo. Siya yung nagdala sa lahat ng sakit nun. Tas alam mo ba? Pagkatapos nung surgery niya. R-raf ang tagal niyang gumising. Na- comatose siya nun, for fucking f-five years.

F-five years Raf. Alam mo ba kung gano kasakit makita siyang natutuloh ng matagal nun? Alam mo ba kung ano yung nasa isip ko?     Pano kung hindi na siya magising? Pano na ako nito? Pano kung ganito ganyan. R-raf five years yun. Hindi mo alam gano kasakit yun! Kaya kung ayaw mo na siyang makasama. Please lang sabihin mo nalang, ang sakit makita siyang mag-habol sayo eh. R-raf parang awa mo na. Ikaw naman yung magpa-raya oh."

At dun na binuhos ni Bella lahat nang sama ng loob niya, lahat nang sakit na kinimkim niya for the past 10 years dahil wala siyang mapagsabihan nito.

While on the other side, dahan-dahang napa-upo sa damo si Rafreal dahil hindi niya na kaya.

Kung hindi ba ako nagpa-tinag nung nakipaghiwalay siya, masaya parin ba kami ngayon?

Kung hindi ba ako pumayag nun, natupad na kaya namin lahat nang pangako namin?

Kung hindi ba nangyari yun, andun kaya ako sa panahong hirap na hirap si Kriesthal?

May pag-asa pa bang itama ang lahat nang mga pagkakamali namin?

++++++++++++++++++++++++++++++++++

Thank you for reading this chapter. Don't forget to vote and comment.

-natasha-

The Heart's Reason to Love (Monteremo Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon