HA#1

9.6K 284 5
                                    

Tumunog na ang bell. Isang sign para ipahiwatig na uwian na.

"Okay.Sa lunes na lang natin ituloy ang discussion.And, Lux, congrats uli. I-perfect mo uli lahat ng test mo,ha. Goodbye,class."

Madali ko namang inayos ang bag ko at agad na lumabas ng classroom.

"Luna! Hindi ka sasabay sa amin?" Tawag ng isa kong kaklase na naging dahilan upang muli akong sumilip sa kwarto namin.

"Nope. May kailangan kasi akong puntahan eh!" Isang tango lang ang natanggap ko at dali-dali akong bumaba ng hagdan.

"Excuse me! Makikiraan po!" 'Di ko pinroblema ang dami ng estudyanteng nababangga ko, mas mahalagang mapuntahan ko kaagad sila.

Nakikita ko na ang gate ng school kaya binilisan ko na ang takbo.

Nang makalabas ako, halos malagpasan ko na ang bilihan ng bulaklak kaya umatras ako at lumapit sa stall na iyon.

"Manang! Magkano po yung white roses ninyo?" Tanong ko sa tindera habang dinudukot ang pera ko sa bulsa ng palda ko.

"Bente pesos ang isa. Singkwenta naman kapag tatlo."

Inilabas ko ang pera ko para malamang saktong sinkwenta pesos na lang ang pera ko. Bahala na nga...

"Tatlo po, manang."

Matapos kong makuha ang bulaklak ay tinakbo ko ang makitid na eskinita papunta sakanila.

"Ma! Pa! Kuya!" Abot tainga ang ngiti ko habang papalapit sa kanila at agad kong ipinatong ang tig-isang bulaklak sa mga pangalan nila.

"Ma, Pa, Kuya...... kumusta?" At parang ilog kung umagos ang mga luha ko mula sa mga mata ko.

"Ako, okay lang ako. Ma, alam mo ba, perfect ko lahat ng test ko, sabi nung prof namin pwede raw akong candidate for valedictorian sa graduation! Pangarap mo yun Pa, diba? Sayang nga lang,di kayo makakaakyat ng stage. I-iniwan ni-yo k-kasi kaagad eh!" Pinunasan ko ang mga luhang pilit kong pinipigilan.

Mahigit dalawang taon na simula nang mawala sila Mama. Dalawang taon akong mag-isa, nagdurusa.

"Bakit kasi kailangang ako pa ang dumaranas ng ganito?Bakit ako pa!?"

Mukha ring nakikisama sa akin ang panahon. Ibang-iba sa maaraw na panahon kanina lang. 

Madilim ang langit na parang uulan. At makalipas ang ilang sandali, bumuhos ang napakalakas na ulan kasabay ng paghagulhol ko dahil sa pangungulila.


Matapos iyon......... hindi ko na alam ang nangyari, sobrang bilis ng lahat at hindi ko nagawang sumabay sa agos ng buhay.


Heaven Academy ( Revision 2019 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon