HA#2

7.9K 241 1
                                    

Nasaan ako?

Ito kaagad ang tanong na pumasok sa isipan ko. Hindi pamilyar sa akin ang eleganteng disenyo ng apat na pader ng kwartong kasulukuyang kinaroroonan ko.

Dahan-dahan kong tinanggal ang kumot na bumabalot sa akin at nagbibigay-init sa aking katawan at umupo sa gilid ng kama at pinakikiramdaman ang malambot na bagay sa aking talampakan.

Tumayo ako at lumapit sa pinto saka ito marahang binuksan at sumalubong sa akin ang isang pasilyo.

Sa unang tingin, makikita mo kaagad ang katandaan nito ngunit nananatili ang kagandahan sa bawat sulok ng pasilyo na binigyang kahulugan ng mga larawan na nakasabit sa pader.

Habang naglalakad sa pasilyo ay nakakita ako ng isang pinto na kawangis ng pinto nang kwartong tinuluyan ko kanina.

Nagdadalawang-isip ako kung bubuksan ko ba o hindi ngunit naputol ako sa aking pag-iisip nang biglang may magsalita sa likod ko.

"You're supposed to knock before opening the door."

Lumingon naman ako sa pinanggalingan nung boses.

A tall figure, black hair, sharp nose, thin lips and red piercing eyes made my knees almost turn into a jelly.

Lalo na yung mga mata niya, those pair of red eyes prevents me from looking away but I suddenly broke the eye contact.

"I- I...."

"Who are you? Hindi ka rin naka-uniform."

Lalapit sana siya nang biglang may nagsalita.

"Ethan-- Oh! Ms.Lux! Glad you're finally awake after 3 weeks!" 

Agad akong tumingin sa babaeng nagsalita. Bakas sa mukha niya ang katandaan dahil sa mga linya niya sa mukha ngunit mukha siyang may pinag-aralan.

"What do you mean,Headmistress?" Tanong naman nung lalaki kanina.

"Oh! I almost forgot! Ethan, this is Ms. Luna Eunice Lux, Luna, this is Ethan Paradeux."

Sumulyap lang ako doon sa Ethan saka bumalik sa pagtingin sa paanan ko na sa sandaling iyon ay naging interesante sa aking mata hanggang sa makita ko ang isang kamay.

Inabot ko ito kahit na ramdam ko ang matinding init mula rito ngunit nang magtagpo ang mga palad namin ay ni hindi ako nakaramdam ng sakit .

Kitang-kita ko kung paano maningkit ang mga mata nung lalaki sa gilid ng mga mata ko at ang pagkamangha sa matandang babae.

"Since magkakilala na kayong dalawa, bakit hindi ikaw ang magpasyal sakanya dito,Ethan?"

Bigla namang bumuntung-hininga yung Ethan saka tumango.

"Luna, si Ethan na ang bahala sa'yo,okay?" Tumango nalang ako kahit na hindi ko siya maintindihan.

"Let's go?" 

Tanging tango na lang ang isinagot ko saka siya sinundan.

Lalo kong napansin ang kagandahan ng pasilyong iyon. Ang bawat larawan ay nagpapakita ng iba't ibang emosyon.

Nalibang ako sa mga larawan kaya hindi ko man lang napansin ang pagbukas niya sa pinto.

At napunta kami sa isang napakalaking kwarto.

Sumalubong sa amin ang iba't ibang tao na halos kaedad ko lang.

"Welcome to Heaven Academy, Ms. Lux."

Biglang sabi ni Ethan.

"Ano? Anong Heaven Academy?" Agad naman siyang humarap.

"Akala ko ba matalino ka?Ms. Lux, Heaven Academy is a school of magic. Heaven Academy is built by Headmistress Corolea Quile. In short, Headmistress Quile is living for almost a century."

Lalo naman akong naguluhan sa sinabi niya pero nagpatuloy pa rin kami sa paglalakad.

"This is the Grand Hall. Lahat ng office ng mga founders, teachers and other officials."

May binuksan uli siyang pinto at sumalubong sa amin ang isang garden. Sobrang lawak nito na halos magmukha kaming langgam mula sa itaas.

"This is the Mystic Garden, it looks beautiful but it hides a lot of mysteries and secrets. New students are strictly prohibited in this area.....especially, you."

Dahil sa mga description niya sa Mystic Garden ay tumingin na lang ako nang diretso sa dinaraanan namin.

*swish

Agad akong napahinto sa paglalakad pero hindi tumitigil si Ethan.

*swish

Bigla na laman akong napaatras nang parang may hanging dumaan sa harap ko kaya natapakan ko ang isang sanga at naputol ito.

"Luna?"

Napatingin naman ako kay Ethan ngunit iniwas ko rin at hinanap kung nasaan yung ingay na kanina ko pa naririnig.

*swish

"Don't mind them. They're the creatures that live in here. Come on."

Sinundan ko na lang siya hanggang sa makakita ako ng isang napakalaking kastilyo. Halos kapareha lang siya nung Grand Hall pero mas malaki ito.

"Nasaan na tayo?"

Binuksan ni Ethan ang napakalaking pinto at pinauna ako.

"This is the Main Castle. Nandito ang classrooms, dining area, infirmary, dorms at iba pa. Dadalhin kita sa dorm mo."

Napansin ko na andaming mga taong nakauniform na nakatingin sa amin. Sobrang creepy nila tumingin at halos manlambot ang tuhod ko sa kaba.

"'Wag mo silang pansinin. You're new here that's why they're looking at you like that. You'll get used to it after a few weeks."

Pumasok kami sa isang maliit na kwarto at saka ko lang nalaman na yun pala ang transportation nila papunta sa dorms.

"Do you have questions?" sabi niya habang nakaharap sa akin kaya agad naman akong umiling.

Biglang huminto yung sinasakyan namin at bumukas.

Nagpatuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa mapunta kami sa harap ng isang pintong kulay puti tulad ng pader.

"Ms. Rebecca, will you please open the door for us?"

Agad namang bumukas ang pinto at sumalubong sa amin ang isang magandang babae.

Mint green yung buhok niya at wala na akong makitang kakaiba sakanya.

Bigla namang lumipat yung tingin niya sa akin at ngumiti.

"Hi! I'm Rebecca, Rebecca Medeor. Healer ako."

Kumunot naman ang noo ko na agad napansin ni Ethan.

"Rebecca will explain it to you later, Ms. Lux. Mauna na ako."

Tumalikod na si Ethan at pumasok sa sinakyan namin kanina.

"So?" sabi ni Rebecca.

I just shrugged.

To be continued....

Heaven Academy ( Revision 2019 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon