Continuation....
"So?" sabi ni Rebecca.
I just shrugged.
"Hi.I'm Luna Eunice Lux."
Lalong lumapad ang ngiti niya saka ako hinila paupo sa kama niya.
"What's the deal?" Tanong niya sa akin.
"Anong 'what's the deal' ?"
Bumuntong-hininga siya saka nagsalita.
"Yung lalaki kanina, siya si Ethan Paradeux, one of the most powerful Heavenian ever existed!!One of the most handsome pa!!"
"Huh? Anong Heavenian? Ano ba 'yang mga sinasabi mo?"
Napatampal naman siya sa noo niya.
"Luna, dear, wala kana sa mortal world. Nandito ka sa Heaven Academy. Heaven Academy is a school of magic. Seryoso ako,okay? Kaya ka napunta dito ay dahil may Haven ka."
Bago ako makasingit ay bigla niyang tinakpan ang bibig ko.
"Ako muna,okay? Ang Haven ay simply kapangyarihan, power. 'Di ko lang alam kung bakit hindi mo alam ang mga ito. 'Di ba sinabi ng mga magulang mo sa'yo?"
At dahil doon, para akong binuhusan ng malamig na tubig.
Napatayo ako at nagmamadaling dumiretso sa pinto saka ilang beses itong sinubukang buksan.
"Wala ring kwenta 'yan. 8:00 pm na. Bawal na tayong lumabas."
Ni hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha ko.
Humarap ako kay Rebecca saka lumuhod.
"Please,tulungan mo akong bumalik. Ayokong iwan sila doon,please!!"
"Kahit na anong gawin natin, hindi tayo papayagan unless mayroong valid reason."
Napaangat ako ng tingin. Unti-unting namumuo ang pagkamuhi ko dahil sa ginagawa sa akin.
"Hindi pa ba sapat ang sabihing ayaw kong iwan ang katawan nila?!" Napayuko na lang siya.
"Ang mga katawan nila, mabubulok 'yan. Alam ko namang mararamdaman mo ang pagmamahal nila sa'yo."
Tumayo siya sa pagkakaupo saka siya dumiretso sa lamesang nakalagay malapit sa bintana at pinatay ang ilaw.
"Matulog ka na muna. Matatapos din lahat bukas."
Itinayo niya ako saka iniupo sa isa pang kama.
"Masasanay ka rin sa ganitong set-up."
Sana nga...
BINABASA MO ANG
Heaven Academy ( Revision 2019 )
FantasyPeople lose interest with the things that they really know; and destroy the things they can't really understand.