•Chapter 17

336 30 5
                                    


Chapter SEVENTEEN

___________________

NAOFUMI'S POV
___________________





"Kuya pabili nga po ng tatlong ice cream", ani ko kay manong na nagtitinda ng sorbetes.

"Ano flavor na gusto mo iha?", nubayan di ko pala natanong kung ano gusto nilang ice cream. Bahala na nga.

"Chocolate nalang po manong", ani ko naman.

"Sige sige, wait mo lang", tumango naman ako. At habang nasa malayo ako ay natatanaw ko padin sila Ayato at yung Melissa na nag uusap. No wonder may crush kay Ayato yung babae na yun. Sa ganda pa naman niya. Siguro nga ex niya nga yun eh. Bakit kaya sila naghiwalay?

Nagulat nalang ako nang makita ko si Ayato na tila sumisigaw? Teka may problema ba? Habang pinagmamasdan ko sila ay pilit naman kinakalma nung babae si Ayato. Ano kayang meron?

"Oh eto na iha yung ice cream mo. Pasensya na kung natagalan hehe.", ani ni manong habang napakamot sa ulo.

"Okay lang po manong, osya alis napo ako bye bye", ani ko at tuluya nadin tumungo sa direksyon nila.

"Hmmm sarap naman neto", ani ko habang tinitikman yung ice cream chocolate talaga sa mga isa sa paborito kong flavor.

Nang makarating nako sa direksyon ni Ayato, napansin ko na wala nadun yung babae. Ano bayan sayang pa naman itong ice na nabili ko . Sakanya yung isa eh.

"Naofumi..", biglang banggit ni Ayato sa pangalan ko ng makita niya ako.

"Nasaan na yung babae?", tanong ko nito sa kanya.

"She's gone", he said.

"Eh? Dapat pinigilan mo muna sayang pa naman itong ice cream na nabili ko para sana sa kanya itong isa", hay sayang naman gusto kopa sana siyang makausap.

"Sorry l didn't knew that you bought her too",

"Okay lang akin nalang to yung isa hehe, oh eto nga pala sayo", ani ko at ibinigay ang isang ice cream na hawak ko.

Kinuha naman niya iyon at sinimulang tikman.

"Hehe masarap ba?", l said ngumiti lang ito at tumango. Ano kayang problema nito simula nung nag usap sila nung babae bigla siyang tumahimik.

"Ngapala ano pinag usapan niyo nung babae?", biglang tanong ko na ikinagulat naman niya ng masyado.

"You mean Melissa? W-well she just worried to me", ani nito. Hmm l felt something fishy.


"Ahhhh", ani ko nalang. Medyo natahimik kami sa sitwasyon nayun. Piling ko nagsisinungaling tong si Ayato. I wonder kung ano talaga pinag uusapan nila. Siguro ex niya yun. Tama yun nga dapat tinanong ko.. argh! Naofumi! Hayaan mo nalang siya baka may problema lang si Ayato mo.

Pero boyfriend ko siya dapat...dapat kausapin at tanungin ko siya dun no!

"Are you okay?", nagulat naman ako sa biglang tanong ni Ayato.

"Ako? hehee oo naman ano kaba haha bat mo naman naisip na di ako okay?", takte napansin niya kaya yun?

"It's like you think so deeply is there any problem?",

"Naku wala no ok lang ako hehehe nu kaba", nagulat ako ng may batang natumba sa harap namin. Tumayo ako at pumunta sa batang nadapa. Sumunod naman si Ayato sa likod ko.

"A-ayos ka lang ba ?", inalalayan ko itong tumayo at pinagpagan damit niya.

"Gusto ko yang ice cream na hawak mo ate", biglang ani nito na kung saan tinignan niya ang hawak na ice cream na hawak ko.

"Hehehe ganun ba sige sayo nalang to", ani ko at binigay ko sa kanya. Kinuha naman niya iyon at tinikman.

"Masarap?", tanong ko nito.

"Hmm!", ngumiti ito na para bang walang nangyari sa kanya. Hayy mga bata talaga pag may pagkain lang sila na nakita wala na silang pakialam kung nadapa sila o hindi.

"Hey are you alright?", biglang sinalubong samin ni Ayato na nasa likod ko.

"Oo mukhang wala namang pasa at gasgas sa binti niya", ani ko naman na ikinahinga niya ng maluwang.

"That's good", ani nito at nilapitan niya ang batang babae. "I'm Ayato what's your name?",

"Annie po, ate ang gwapo po ng boyfriend mo", nagulat ako ng bigla niyang banggitin iyon. Takte san niya nakuha yun?

Tinignan ko naman si Ayato na ngayun ay tawang tawa. Tsk ano naman ikinagwapo niyan? Eh matangkad , maputi ang balat at buhok at mapulang mata, matangos ilong at nakatingin sakin?

Nanlaki ang mga mata ko nang unti unting lumalapit ang mukha niya sakin. T-teka hahalikan niya ba ako?

Ipinikit ko naman ang mata ko at hinihintay ang mga labi niyang lumapat sakin. Teka ilang segundo nako naghihintay ah. Di ba niya ako hahalikan.

Unti unti ko naman ibinuksan ang mata ko at tinignan si Ayato na ngayun ay pilit di matawa karga ang batang babae na ngayun ay humahagikhik.

"I just wanna say that you have an icing on your side lip", ani nito na ikina alerto ko ng husto. Takte!

Agad agad kong pinunasan yung labi ko gamit ng kanang kamay ko. Habang yung dalawa naman ay patuloy sa pag tatawa. Letse sa ka talaga Ayato.


"Si ate akala niya ikikiss siya ni kuya hehehehehe", ani ng bata na ikapula ko ng husto . Lupa kainin mokoooo!!!!









Nasa gilid kami ng kalsada at naglalakad habang karga karga ni Ayato ang bata mula sa likod nito. Parang siyang tatay sa lagay nayan. And it's suit on him. Naofumi ano bayang iniisip mo argh!!!!

"What we gonna do?", biglang sambit ni Ayato sakin.


"Huh? Ano ibig mong sabihin?",


"This child, she doesn't found her parents yet. You think we can bring it to your apartment?", tanong nito sakin. Tama siya di pa namin nahahanap ang mga magulang niya panigurado nag alala na sila nito.


Tinignan ko naman si Annie na ngayun ay mahimbing na natutulog sa likod ni Ayato.

"May alam akong lugar kung pano nila makikita si Annie", ani ko naman.


"Where?", makaguluhang tanong ni Ayato.

A Wild-Psycho Possessive Boyfriend (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon