_________________________Chapter THIRTY THREE
_________________________
•THE PAST•
Sa bayan ng Arkenzine sa Amerika ay may mag asawang mayaman nahihirahan doon at masayang nagsasama. Lagi silang hinahangaan ng mga tao dahil sa kabaitan nito. Tinutulungan nila ang mga taong naghihirap at binibigyan ng pagkain minsan ay pinapatuloy pa ito mismo sa bahay nila. Kaya naman naging popular at lalong naging mayaman ang mag asawang ito. Di nagtagal nagkaroon sila ng dalawang anak na lalaki.
"Sweetie, they looks like you.. it's like eveytime l see them l remember you", ani nito sa asawa habang hinahalikan ang buhok nito.
"Namana naman nila ang mata mo, every time na nakikita ko sila ikaw naman naalala ko",
"Really?", tumango naman ang babae at ngumiti.
"God, I'm so happy right now. How l wish this won't end l wish l could feel it forever ",
"As long na magkasama tayo, lagi tayong magiging masaya",
"Yea and thank you because you came to my life ", ani nito at hinalikan sa labi habang pinag mamasdan ang kanilang mga anak na naglalaro.
Ngunit isang araw habang nagwawalis ang asawang babae sa hardin ay may isang matanda ang lumapit sa kanya.
"Lumayo ka sa asawa mo bago pa mahuli ang lahat", nagtaka naman ang babae sa sinabi ng matanda.
"Lola di ko po alam ang sinasabi niyo pero mabuti po ang asawa ko. Mabuting tao si Akuto",
"Bahala ka basta ako sinabihan at binalaan na kita, wag mong hintayin na dumating ang panahon na patayin ka niya.. ng sarili mong pamilya.", ani nito at tuluyang umalis.
"Mama di paba uuwi si papa? Oras na oh diba nandito na dapat siya", ani ng bunsong anak nito habang hawak hawak sa damit ng ina.
Yinakap naman ng ina ang anak nito at hinalikan sa pisngi. "Uuwi din si papa, sa ngayun matulog kana okay? Bawal magpuyat ang mga bata. Ngapala si kuya mo nasaaan?",
"Andun napo siya sa kwarto natutulog ganun naman lagi si kuya eh", tumawa naman ang ina nito.
"Tara samahan natin kuya mo sa loob", pumunta sila sa loob at pinatulog sila ng kanilang ina.
Nang makatulog na ang mga bata ay sakto namang dumating ang asawa nito at natagpuang lasing.
"Anong nangyari, tsaka bat ka lasing? Kahit kelan di kita nakitang uminom", salubong ng babaeng asawa nito sa kanya.
"You don't need to care Cristina, this is my life and l can do anything whenever I want so get out of my sight ", ani nito at tinulak ang asawa bago dumeretso ito sa kwarto nila.
Ang babae naman ay tulala at gulat na gulat sa inasal ng asawa nito sa kanya. Napatakip pa siya ng bibig at halos maiyak na ito. Nasasaktan siya sa ginawa ng asawa niya. Dahil ngayun lang iyon nagkaganun sa kanya.
Pinuntahan nito ang asawa niya sa kwarto at napagtantong natutulog na ito. Lumapit ito sa kanya ang pinagmasdan ang mukha ng kangyang asawa. Hinahaplos pa niya ito at unti unting lumuluha ang kanyang mga mata.
"Di ko alam kung ano ang problema mo pero kahit anong mangyari di kita iiwan", ani ng babae at hinalikan ito sa labi.
Nakalipas ng dalawang araw ang babae ay nagwawalis sa hardin at inaabangan ang matanda. Halos gusto niya na maniwala doon dahil nga sa nangayri sa kanyang asawa kagabi. Nagbabasakali siya na baka babalik ulit ang matanda.
At di nga siya nagkamali nakita niya ang matanda na nakaupo malapit sa parke at kumain ng tinapay. Agad naman nilapitan ng babae ang matanda.
"Hanggang kelan mo pagtitiisan ang asawa mo, hanggang ngayun di mo pa din siya maiwan? Isipin mo may dalawa kayong anak. At wag mo sanang hayaan na mapahamak sila ng dahil lang sa kanya."
Umupo naman ang babae sa tabi ng matanda. "Gaya po ng sinabi ko sainyo lola , di kopo kayo maintindihan dahil di ganun ang asawa ko imposible niyang gagawin yun sa sarili niyang pamilya",
"Pero alam mo ang nangyari kagabi diba?", natigilan naman ang babae na tila bang alam ng matanda ang nangyari sa kanila.
"Magpasalamat ka nalang dahil di ka niya sinaktan ng pisikal, sa totoo lang umpisa palang yun. Umpisa palang iyon nang pagiging halimaw ng asawa mo",
Halo halo ang emosyon na nararamdaman ng babae takot,kaba at pagtataka. Gusto niyang maniwala sa matanda dahil wari totoo ang sinasabi nito.
"L-lola wag naman po kayo magsalita ng ganyan di ganu-",
"Totoo ang sinasabi ko, nasaiyo nayun kung maniniwala ka o hindi. Pero ang payo ko lang sayo wag mo sanang hintayin na maging huli na ang lahat. Hanggat maari protektahan mo ang mga anak mo sa kaniya kung ayaw mo na mangyari iyon sa kanila balang araw.",
A:N:
End of the Chapter 33!
Sorry kung medyo short lang itong chap natin pero sa next chap hahabaan kuna hehe. Comment and vote are highly appreciated thank you!♡
Anarinsan
BINABASA MO ANG
A Wild-Psycho Possessive Boyfriend (COMPLETED!)
Acak(COMPLETED!) Naofumi was a simple girl who was hate in guys. In short she was a man hater. Simple, because she got broken hearted twice in her life! So she promised herself that she wouldn't never ever to FALL INLOVE AGAIN. But Ayato was came, her...