Final Chapter

189 6 0
                                    


Copyright ⓒ --JM-- 2015, All rights reserved

Hingal sila pag dating sa top floor, alas dose na ng gabi ah, kailangan na nya talaga ng pahinga. napagod tuloy si mary at mabuting nasilawan na nila ang receptionist.

Umupo agad sya sa tapat ng receptionist, habang si jayco naman ay nakatayo sa tabi nya.

Nagkatinginan sila dahil may batang nag do-drawing sa tapat nila habang nag dudugo ang kanyang paa.

Lalapitan sana nila ng biglang nag salita ang receptionist.

''Anong kailangan nyo?" Madiing sagot nito.

Napaayos tuloy sila ng pwesto, pero bakit kinabahan si mary? Kinilabutan kasi ito sa paraang mag salita, dagdagan pa yung bata. Di kaya totoo yung sinabi ni rhea sa kanya? parang may hidden o sekreto?

Kahit kinabahan sya, pinatibay nya ang loob nya para hindi nagmukha siyang natatakot at tinanong nya ang receptionist kung san ang room nila para makaalis na sila dito sa mukhang mangkukulam.

"Ahh ma'am, san po ang rooms ng skepters?" Ani ni mary.

"Tong bahay nato? Mga maids, hardinero, at lahat mga trabahante dito ay pinatay dito, kanilang mga ligaw na kaluluwa nag lakad-lakad lang naman dito mismo sa bahay nato"

umiwas muna si mary ng tingin para hindi mapahalata na natakot sya. Shit! Natatakot na si mary. Pvtragis, pasimple nitong binalot ang mga braso sa bewang ni jayco para kurutin. Nakatayo kasi ito di nya makita ang mukha.

Pagkatapos niyang kurutin, wala man lang ikinareact. Isa pa, Eto na kukurutin na niya itong napakalakas bahala na magkapasa tong si jayco.

Kinorut na nya ng napakalas, di man lang natinag, at biglang nalang humalakhak ng humalakhak ang receptionist, natatakot na talaga siya kaya tiningala nya si jayco dahil pansin nya di ito gumalaw sa katayuan, di man lang nag react sa bawat kurot nya at sa nakakatakot ng tawa sa receptionist.

Pag tingala nya kay jayco...

"DIYOS KO PO!" Gulat niyang sigaw, habang hawak sa kanyang dibdib na muntik nang kumawala sa puso nya na kay lakas ng pintig nito.

Nakita niya ang mukha ni jayco na ngayon ay ang kanyang kaliwang mata ay nakabitay habang ang kanan wala na! At ang malala umiyak ng dugo!

Di nya sinadsyang napatulak si jayco sa ibaba ng hagdan, pagulong ito nahulog kaya hinabol niya ito, umaaligid na ang nakakatakot na tawa ng receptionist sa buong bahay.

Naiiyak na siya. Ang puso niya ay sobrang sakit dahil sa halo-halong kaba, takot at iyak niya.

"Diyos ko! Jayco! Jayco!" Iyak na sambit nito habang panay ang hila nito sa kanya, kahit alam nyang wala na itong buhay.

"Patay na yan..." bulong ng receptionist, lumilinga sya sa paligid ngunit wala siyang nakita, tumakbong paiyak niyang iniwan si jayco pababa ng hagdan.

Nang nasa ibabang floor na sya, napakadilim nito, umiyak siya ng iyak masakit na talaga ang puso niya.

Umaaligid parin ang nakatakot na tawa. Pinagkatok niya ng napakalakas ang mga pintuan baka sakaling meron bubukas, pano ba naman hating gabi na.

Wala talagang bumukas kaya sinipa nya ang isa sa mga pinto, wala na siyang pakialam kung mapunta man siya sa mga boy's room basta maka tago at may katabi siya.

Nang bumukas. pumagitna siya dun sa mga kaklase niyang lalaki.

"Tsk, ano ba! natutulog yung ta--" biglang nanlaki ang mata niya para bang nakakita siya ng multo.

"Tulungan mo ko" sambit nito habang umiiyak

"Multo!! Multo!!" Sigaw ng kaklase niya.

Nag sipag gisingan at Nagpapanic na ang mga boys at tumakbo palabas naiwan siya sa madilim na kwarto.

Tumakbo rin siya palabas baka nga ma lock siya, mag pakita pa yung multo. Hindi talaga mapigil-pigil ang iyak nito dahil sa dala ng takot at kaba.

Pinagsisipa pa nya ang pinto hanggang may naglalakad ng tatlong lalaki sa hallway habang balot sila ng kumot.

"Pre, narinig mo yun? May umiiyak"

"Oo nga pre." Nanginginig nitong sambit

"Tumigil nga kayo, papatayin ko talaga kayo pag di kayo katitigil"

"eh sa narinig nami--"

Di na sya nag dalawang isip pa at lumapit na sa kanila,

"Tulungan nyo ko" pagmakaawang iyak nito sa kanila

"Mu-multo!!!!" Sabay takbo palayo sa kanya

Parang nawala siya sa sirili nya na para bang may sumanib sa kanya. Hindi nagtagal hinabol niya sila at pinatay

"Dea-th.. Kill.. Gate.." hayag nito.

Nag flashback sa kanya anong nangyari sa bahay nito long ago, nakita niya kung sino yung babaeng multo nangangalang princess,

Si princess ay isang mangkukulam nilagyan nya ng spell ang bata kung sino man titingin rito ay maaring mamatay o maranasan ang naghihirap nyang nakaraan,

Gusto nyang maranasan kung gano ka sakit at hirap ang naranasan nya sa bahay nito Kung pano siya tinorture.

Sinusumpa nya kung sino man makatung-tong sa bahay na ito ay tiyak siya ang susunod na biktima..

At natauhan siya..

"Diyos ko!!" Iyak na sambit nito matapos tignan ang mga bangkay

Tumakbo siya sa bukas napintuan at nakita niya isang bata dino-drawingan ang mukha ng taong natutulog.

"H-hoy! Itigil mo ya--"

Naalala niya yung flashback..

"S-si princess.. si princess gumawa sakin nito.." bulong nito sa sarili

"Itigil mo yan!" Sigaw nito sa bata.

Natigilan ang natatakot na bata at tumakbo ito sa dulo ng napaupo..

..susundan nya sana sadyang napasulyap siya salamin nakakatakot ang mukha nito umiiyak ng dugo.

"Wag po" pikit matang pagmakaawa sa kanya, marahil takot siyang makita ang nakakatakot nitong mukha.

Sinulyapan nya ang bata at tumingin nanaman sa salamin.. bigla siyang nagalit..

Sinakal nya yung bata

"Kung ako naghihirap dapat ikaw rin!!" Sigaw nito sa bata at pintay..

"Papatayin ko mga tao rito, dapat sila rin maranasan ang naranasan ko!!"

Tinanggal nya ang kamay ng bata at kinain, habang nakatingin sayo luhaang dugo, unti-unting ngumiti at pumasok sa utak mo at tatabi mamaya sa pagtulog mo.

The End

The Story Of Mary RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon