Copyright ⓒ --JM-- 2015, All rights reservedGinabi si mary papunta sa kanyang destinasyon, di parin tumitigil ang ulan, pero bat parang kinabahan siya? Yung parang bang may masamang mangyari sa kanya rito. Kahit labag sa loob niya, tinulak nya nalang at the back of her mind pumasok na sya sa malaking bahay nang nakita nya ang kanyang classmate pa lakad-lakad.
"Jayco!"
"Oh mary, bat ngayon kalang akala namin di ka hahabol."
"Akala nyo lang yun, tara san ang rooms?" Hinampas sya nitong pabiro.
"Di ko rin alam eh nawala ako." Habang kamot-kamot ang kanyang batok
"Tara sabay tayo hanapin"
Tumango nalang si jayco bilang sagot,
Tatanongin sana nila ang nakatalikod na hardinero nang bigla itong humarap sa kanila. Napasigaw sila ng bahagya sa nakikita.
Wala itong mata sa kanan at sa kaliwang mata naman niya ay puti na lahat.
"Wag kayo magpapagabi! Wag kayo lalagpas ng alas diyes! Mag ingat kay---" mabilis nitong pagbabala na para bang hinahabol ito. Bago pa matapos ang kanyang sasabihin ay pinutol ng taong bagong dating.
"HOY!" Sigaw ng kawaski na siyang napa-alis ang hardinero.
Binalingan nito sila at nginitian ng matamis.
"Pasensya na kayo roon baliw yun. Anong sa atin?"Kumalbog ang puso nila. Pero pinalampas nalang nila iyon, tutal, bukas na bukas aalis rin naman sila dito sa pangit na bahay.
Nagtanong sila kung san ang reception. Sinagot rin naman sila, at talagang nasa top floor pa! Wow may ganun pala?
hingal tuloy sila pag ka rating nila. Pano ba naman kay laking bahay walang elevator.