Chapter 4

37 5 3
                                    

After reporting to our president, nagmadali agad akong kumuha ng sako. I went to the function hall to check on our things there. Bukod sa mga nagkalat na iilang papel at mga dahon ng mangga at acacia ay wala ng ibang kalat doon.


Mabilis kong pinulot ang mga kalat na malapit sa akin. Occupied ang lahat ng mga walis at dustpan sa labas kaya't nagtiis akong magpulot na lang. Nakatanggap din ako ng mensahe mula sa School Paper Adviser namin to fully inform us na postponed ang Regionals due to low pressure areas outside the Philippine Area of Responsibility.


Nakakapanghinayang dahil handa na pa naman ako but still, I'll have more time now to practice and improve because of the delay.


I sent a photo of the function hall kung saan madalas ding maglagi ang mga kapwa writers kahit may office at library naman kami.


Hinanap ko kung saan maaaring nanggaling ang mga dahon and then I saw the small windows above the bigger ones open. Mukhang nakalimutang isara ng utility personnels.


I shivered when a cold finger touched my exposed nape.


"Mag-isa ka," sabi ng kung sino mang nasa likod ko sa buong boses. I never really liked it when someone touches my neck. Nanggagalaiti akong lumingon para supalpalin ang kung sino mang humawak sa leeg ko.


"Gago ka a—," naputol ang sasabihin ko nang makitang walang ibang tao sa hall kung hindi ako lang. I was rooted in place. Taena, horror ba'to!?


Hindi ganoon kaliwanag sa hall dahil iilan lang ang bukas na mga ilaw. Unti-unti akong humakbang palayo sa bintana nang marinig naman ang mumunting pag-iingay ng isang... pusa. Teka, hindi naman siguro naging pusa yung ano, yung humawak sa leeg ko diba?


Muli akong humakbang papunta sa ingay ng pusa. Bawat hakbang ko ay pinagpapawisan ako. Jusmiyo. Aatakihin ata ako. Mabibigat na paghinga ang pinakakawalan ko sa bawat hakbang na ginagawa, pabilis din nang pabilis ang pagtambol ng puso ko. Shet. Pusa lang 'yan. Pusa lang 'yan, Jae.


Nang kumalma na ay unti-unti akong sumilip sa dulong hilera ng mga lamesa at nakita ang isang itim na itim na pusa. Shet. Malas daw 'to, dba? Pero hindi naman pala dumaan sa harapan ko. Okay lang 'to. Yumuko ako at hinaplos ang ulo ng pusa pero bahagyang nalito nang mapansing may tinitignan itong kung ano sa ilalim ng lamesa.


Dahan-dahan akong sumilip at halos mahimatay ako nang marinig ang malakas na alulong ng isang lobo.


"AHHHHH! POTAENAAAA!"


Malalakas ang pagtiling ginawa ko at nagtatatalon sa kinatayuan. Ang nakakabinging ingay na ginagawa ko ay natigil lang nang marinig ang malalakas ding halakhak mula sa ilalim ng lamesa.


Hawak ang kaniyang tiyan ay lumabas siya mula roon, patuloy ang pagtawa. "Kung nakita mo lang ang itsura mo habang nagtititili diyan baka natawa ka rin."


Taena? Did he just insulted me?


Alam ko namang hindi ako kagandahan. Morenang morena ako. Mahaba ang itim na buhok at may malalaking kulot sa dulo. Malaki raw ang mga mata ko pero tingin ko ay dahil iyon sa makakapal kong pilik-mata pero sige pa rin sila sa pagtawag sa akin ng kwago o tarsier.

Unfinished Story of a CopyreaderWhere stories live. Discover now