Chapter 3

2 0 0
                                    

Umagang umaga palang ay nar'yan na naman ang mga taong nagtitiliian tuwing dumadaan ako. Noon ay nakakahiya lalo na't baguhn lang ako pero ng tumagal ay nasanay narin.

Pagkapasok ko sa room ay nakita ko na ang aking target na nakayuko sa kanyang upuan.

Tinago ko ang plastik na insekto sa aking kamay at nagkunwareng may kukunin sa kanyang likuran at ng makarating na ako sa tapat nya hinagis ko ang ipis sa kanyang mesa.

"Ahh!! Ipis ah!" Sigaw ng katabi nito at nagpanic ang buong paligid.

Mabilis akong umupo sa aking upuan at tinignan ito.

"Bridge may ipis sa mesa mo!" Sigaw ng katabi nito sa kanya.

Tawang tawa naman ako sa reaksyon ng nasa loob ngunit nawala rin agad ng makita ang kanyang reaksyon.

"Ipis?asan?" Tinaas nito ang plastic na ipis at pinisil pisil pa.

"Yuck kadiri bridge." Nandidiring sabi ng isa naming kaklase.tssk pabebe

"Bakit kayo natatakot dito eh plastik lang naman sya! Tsaka kong sino man ang naglagay nito dito sa aking mesa,wala akong pake sayo." At muli itong natulog.

Wala akong pake sayo

Wala akong pake sayo

Wala akong pake sayo

Wala akong pake sayo

Wala akong pake sayo

Nag paulit ulit ang kanyang sinabi sa aking tenga. Bakit parang wala itong kinakatakutan. Ako ang may ari ng eskwelahang ito at hindi nya ba yon alam! Naiinis na ako.

Maya maya pa ay dumating ang Dean namin. Ang lahat ay nagulat sa pagdating nito,well except sa akin.

Lolo ko ang Dean at malaki ang shares namin sa school nato kaya bakit ako matatakot.

"Good morning Dean." Sabay sabay na bati ng buong estudyante.

"Sit down." Kong sa tingin nyo ay mabait ang Lolo ko nagmakamali kayo. Ang boses nito'y pwede sa military at ang awra nito'y parang isang presidente na minsan mo lang makita ngumiti.

"Class kong nagtataka kayo kong bakit andito si Dean well magkakaroon kayo ng debate with your classmate kaya mamaya igogroup ko kayo at si Dean ang magiging Judge." Bigla akong napalunok sa sariling laway dahil natatakot akong baka hindi ako makasagot.

Hindi naman sa bobo ako pero sabihin na nating may alam in naman ako. Ngunit mas lalo akong kinabahan dahil manonood si Lolo ang mas malala sya pa ang magiging judge.

"Once na tinawag ko ang pangalan nyo tumayo dito sa harapan." Sabi nito at kinuha na ang listahan.

"Leaders kayo ang mauuna team A Stain team B Bridge."

"Ang lahat nang matatawag ay Team B at ang matitira ay team B.
Yohan
Rean
Shawen
Pan-"

Marami pa syang tinawag na pangalan at nagsisipuntahan na sa harapan. Kaunti nalang kaming natira kaya naman mas lalo akong kinabahan kong saang grupo ako mapupunta. Sabagay kahit naman ako mapunta gwapo parin ako HAHA.

"Ang lahat ng natira sa upuan ay team A. Magready na kayo at uumpisahan na natin after 2 munutes."

Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi ko kasama ang mayabang na si Bridge. Papanoorin kong matalo ang grupo nito at tatawanan ng malakas. Ipapakita ko sa babaeng 'to kong gaano ako kagaling kala nya ah.

"Ledears mamili kayo kong sino ang una ninyong isasabak sa debateng ito," sabi ng teacher na nakatayo sa gitna.

Napayuko ako sa likuran dahil ayokong mauna. "Ahm Reus," tinignan ko ng masama ang tumawag sa akin ngunit huli na dahil narinig na ang aking pangalan kaya ako na ang pinapunta sa harapan.

Stay With Me in 60 DaysWhere stories live. Discover now