Maaga akong nakauwi sa bahay at tila ba may kakaiba. Ang mga tao ay may kanya kanyang pinagkakaabalahan at ang ayos ng bahay na malimit lang itong ginagawa.
"Reus andyan kana pala!" Masayang sabi ni Mom at hinalikan ako sa pisnge. "Magbihis kana dahil may uuwi tayong bisita." Dagdag nito.
"Anong meron Mom?" tanong ko sa kanya.
"Magbihis ka ng maayos,bilisan mo at baka ikaw na naman ang hihintayin." Sabi ni Dad kaya naguluhan ako sa nangyayari.
Magtatanong pa sana ako ngunit hinila na ni Dad si Mom at naghanda ng makakain. Ngayon ko nalang ulit nakita si Dad na nakangiti kaya malamang ang bisitang tinutukoy nila ay sobrang importante.
Pumunta ako sa aking kwarto at naligo muna. Sinuot ko ang white t-shirt na pinaresan ko ng itim na short. Hindi na ako masyadong magdamit ng magara dahil gwapo naman na ako.
Isang oras din ako sa aking kwarto ng maisipan ng bumaba.
"Buti naman at bumaba kapa," seryosong sabi ni Dad na kanina'y nakangiti ngayon ay galit na naman.
"Naligo pa ak-"
"Hi bro," hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng biglang bumungad si Rhum sa aking harapan at may malapad na ngiti.
"Kelan kapa nakauwi?" Seryoso kong tanong.
"Kanina lang. Hindi mo ba iwewelcome ang kuya mo?" Sabi nito.
"Mamaya na yan,kumain muna tayo dahil alam kong gutom kana Rhum."sambit ni Dad saka inakbayan si Rhum patungo sa mesa.
Naiwan ako ritong nakatitig sa kanilang likuran habang masaya silang naglakad tungo sa hapagkainan.
Minsan naiisip ko paano kong ako nalang si Rhum siguro ay ako ang ipinagmamalaki nya ngayon,siguro ako ang lagi nyang kasama.
Tahimik lang ako habang kumakain at nakikinig sa usapan nila. Lagi namang ganito,madalas hangin lang ako sa kanila at saka lang napapansin kapag may nagawang hindi maganda,kaya ako'y pinapagalitan.
Sanay narin naman ako sa trato nila dahil after that accident everything was change.Lahat ako ang sinisisi sa nangyari,lumaki ako na ang tawag sa akin demon lust.
Lahat ng tao nilalayuan ako walang gustong makipagkaibigan sa akin,pero nang makilala ko sina West at Trel do'n lang ako nakaramdam ng kasiyahan. Maaasahan sila kahit na minsan hindi kami magkamasundo sa isang bagay.
"Reus ang tahimik mo naman bro,'dimo ba ko namiss HAHA," natigilan ako sa pagmain ng mapansin ako ni Rhum.
"Hindi naman ako kailangan sa usapan. Araw mo ito kaya bakit ako makikisabat sa usapang hindi naman ako kasali." seryoso kong sabi habang nakatingin sa pagkain.
"Reus!kauuwi lang ng kapatid mo ganyan na agad ang bungad mo!para kang hindi pinalaki ng mabuti ah," galit na sigaw ni Dad.
Ang kaninang nagtatawanan sa harap ng hapag kainan ay biglang natahimik dahil sa boses ni dad. Hinawakan ko ng mahigpit ang kutsar at tinidor na aking hawak saka sya tinignan.
"May quiz pa kami bukas,kailangan kong magreview." Pagdadahilan ko at tumayo na.
"Tignan mo to walang galang!"
"Dad tama na po baka kailangan talaga nyang mag aral.." rinig kong sabi ni Rhum. "Bro pag may time ka basketball tayo ha!" pahabol nito.
Pagkapasok ko sa aking kwarto ay agad kong inihagis ang frame na magkakasama kaming pamilya.
"Your the reason why they mad on me! F*ck..Arggh soon dad,you'll gonna proud of me too."
Nahiga ako sa kama at diko namalayan ay nakatulog na pala ako.
Kinabukasan ay nagising akong masakit ang katawan.Kalahating oras din akong nagbabad sa bath tub upang lumamig ang aking ulo. Sa tuwing iniisip ko ang nangyari kagabi ay sumasakit ang aking ulo.
Minsan ay naiingit ako kay Rhum ngunit sinasabi ko nalang sa aking sarili na soon magiging proud din sila sa akin. Na mapapatawad rin nila akonsa aking nagawa noon na hindi ko naman sinasadya.
"Nak,gising kana ba?" Bungad ni Mom pagkalabas ko ng banyo.
"Katatapos ko lang maligo Mom. Why?do you need anything?"
"Wala anak. Sorry sa nasambit ng Dad mo kagabi ha,alam mo naman yon ayaw nya ng sinusumbatan sya." Mahinahon nitong sambit.
"It's ok Mom alam naman natin na mainit talaga dugo sa akin ni Dad. Kahit naman noon pa ayaw na talaga sa akin no'n" sagot ko habang nagbibihis.
"Nak,intindihin mo nalang ang Dad mo,ok? Mahal ka non," malambing nitong sabi.
"Oum. Magbibihis lang po ako may pasok po kami ngayon eh." pagpapaalam ko.
"O sege nak ipaghahanda narin kita ng pagkain mo."
Pagkatapos kong magbihis bumaba na ako sa hagdan. Pupunta sana ako sa kusina ngunit ng makita si Dad at Rhum na nagtatawanan ay hindi na ako tumuloy. Tinawag pa ako ni Mom ngunit nagkunware nalang na walang naririnig.
Pagkarating ko sa school may isang lalaki ang nakabangga sa akin t natapunan ang aking white polo ng tinta ng printer. Mas lalong uminit ang aking ulo sa nangyari.
"Tumingin ka nga sa dinadaanan mo! Alam mo bang kaya kitang paalisin sa eskwelahang ito dahil sa katangahan mo!" Sigaw ko sa lalaking nakasalamin.
"Reus patawad. Nagmamadali kasi ako sorry Reus. Huwag mo sana akong paalisin sa eskwelahang ito." Pagmamakaawa ng lalaki.
"Nagmamadali?apat na nga 'yang mata mo tatanga tanga ka parin!"
Ang mga tao sa paligid ay nakatingin na sa amin. Nagbubulungan at ang iba ay nagvevedio pa.
"Nagmamakaawa ako Reus lahat gagawin ko huwag mo lang akong paalisin rito,Reus nagmamakaawa ako." Nakaluhod na ang lalaki at hinawakan ang aking damit.
"Dont.You.Dare.To.Touch.Me. awa?tss wala yan sa bokanularyo ko." Tinabig ko ang kamay nito kaya napaupo sya sa sahig.
"Devil."
Napatigil ako sa ginagawa ng may nagsalita sa aking likuran.Nilingon ko ito at ng makitang si Tulay ang nagsalita may lalong kumulo ang aking dugo.
"Anong sabi mo," seryoso kong sabi.
"Mas malupit kapa sa devil! Isa kang walang ambag sa lipunan na umaasa lang sa pamilya!" nakatingin ito sa aking mga mata at nakikipaglaban sa titigan.
Nilapitan ko ito ngunit hindi sya umaatras.
"Ako devil?para sabihin ko sayo ako ang papalit kay satanas sa pwesto nya kaya matakot ka sakin." Nang gigigil kong sabi ngunit tila ba wala itong narinig.
"Matakot?kamatayan nga diko na kinakatakutan ikaw pa kayang umaasa sa tulong ng magulang upang mabuhay. Huh!"
Hindi ko na napigilan ang aking sarili at hinawakan ito sa leeg saka tinulak sa pader.
"Dont try me," I giggle my teeth and I saw her eyes. Kung titignan mo ito ng malayuan akala mo'y kulay itim ngunit kapag malapitan ang mga mata nito ay parang nakaka hepnotize ang ganda. Kulay brown ito at para bang sinasabi na wala syang kinakatakutan.
"Reus tama na yan mapapatay mo na sya!" Pagaawat ni West at Trel.
Binitawan ko na ang paghawak sa leeg nito at habol hininga syang tumingin sa akin.
"Kill me when no one see the crime you do. Dahil kahit ikaw pa ang may ari sa eskwelahang ito baka ikaw pa ang unang mapaalis rito." Matapang nitong sabi saka tinulungang tumayo ang lalaki kanina.
"Anong tinitingin tingin nyo ha!sa lahat ng nag video delete those trashy video or else kayo ang isusunod ko sa babaeng iyon." Seryoso kong sabi at nagtungo sa rooftop.
YOU ARE READING
Stay With Me in 60 Days
RandomPaano kung malaman mo na ang taong mahal mo ay pinaglaruan ka lang,mananatili ka parin ba?