Nasa rooftop kami ngayon at naisipang huwag nalang pumasok.Umiinom ako ng yakult pampakalma sa aking sarili at tuwing nauubos ang laman at sinoshoot ko ito sa basurahan.
"Bro,muntik mo nang napatay si Bridge," nag aalalang sabi ni West.
"Ok nga yon eh para mabawasan kinaiinisan ko," sagot ko saka hinigop ang huling bote ng yakult.
"Pa'no pag nalaman ng lolo mo yong ginawa mo?anong gagawin mo?" Sabat namin ni Trel na may hawak na clover.
"Sanay naman na ako sa kanila kaya ayos lang." Sagot ko at huminga ng malalim bago humiga.
Ipinikit ko ang aking mata at natulog. Madalas gan'to ang aming gawain. Kung hindi gumagala ay tumatambay kami rito sa rooftop.
"Kuya help!he-elp" sigaw ng isang batang babae .
"Ku-kuy-a he-el-p" mabilis akong nagpunta kung saan may sumisigaw. Nakita ko ang isang batang babae na unti unting nalulunod.
"Kuy--"
"Reus!!" Nagising ako dahil sa lakas ng boses ni Trel.
"Ano ba kita mong natutulog ang tao nang gigising ka!" Reklamo ko rito.
"Gag* kaba binabangungot ka! Sinusundo kana ba ni Satanas HAHA" natatawang sabi nito.
Pinunasan ko ang aking pawis sa noo at sumandal sa pader. Inisip ko ang aking panaginip ngunit sumakit lang ang aking ulo. Hinilot ko ang aking sintido at tumayo.
"Anong oras na?" Tanong ko kay West na naglalaro ng online games.
"12. Tara lunch na." Pag aaya nito.
Tumayo na kami at nagpunta sa canteen.Nag order kami ng isang kahong pizza,buger at steak. Kahit tatlo lang kami ay kaya naming ubusin ang mga inorder namin.Hindi lang halata dahil nga gwapo kami.
"Reus pi-pinapatawag ka sa o-office," nahihiyang sabi ng isang babae.
Tinaasan ko ito ng kilay kaya napayuko ito. "Why?"
"Hi-hindi k-ko lang a-alam." Mahina nitong sagot.
Hindi na ako sumagot at tumayo na.Nagpaalam na ako kina West at Trel na akoy may pupuntahan.
Hindi na ako kumatok at pumasok nalang agad ng makarating sa office.
"Reus andyan kana pala," bungad nito sa akin."Upo ka." Agad naman akong umupo at pinatong ang paa sa kaharap na upuan.
Kinuha ko ang ballpen neto at pinaikot ikot sa aking kamay.
"Ba't mo po ako pinatawag?" Tanong ko rito.
"Reus I saw your record and kapag nalaman ito ng parents mo tiyak na di sila matutuwa." Nag aalalang tanong neto.
I stop playing the ballpen and look to my Ninong. "Kelan po ba sila natuwa sa'kin?" Nakangisi kong sagot.
"Reus kung hindi mo maipapasa ang bagsak mong subject maaari kang hindi makaakyat sa stage,"
Tumayo ako at hinawakan ito sa balikat. "Ninong magagawan mo naman ng paraan yon diba," naglalambing kong sambit.
Si Mr.Laxie ay ang pangalawang principal sa paaralan namin. Close kami dahil ninong ko ito at sya lang ang nakaka alam lahat ng sekreto ko. Sya lang din ang nakakapitan ko tuwing may problema ako na hindi ko maresolba.
"Wala na akong magagawa nak. Alam mo naman na unti lang ang nakaka alam na apo ka ng Dean." Sagot nya sa akin at tinignan ako.
Umupo ako sa kinauupuan ko kanina. "Bakit kasi si Rhum lang ang pinakilala ni tss. Pwede namang dalawa kami ah!" Reklamo ko sa kanya.
YOU ARE READING
Stay With Me in 60 Days
RandomPaano kung malaman mo na ang taong mahal mo ay pinaglaruan ka lang,mananatili ka parin ba?