Chapter 5

2 0 0
                                    

Mabilis kaming nagpunta ni Trel sa likod ng library,medyo marumi na dito marahil ay walang naglilinis. Maraming mga puno ang nandito kaya presko ang hangin.

"Anong gagawin natin dito tatambay? Bro mas maganda pa sa Rooftop eh," reklamo kong sa kanya.

"Haist diba sabi mo gusto mong bawian yong si Tulay?" Sabii nito.

"Sinong tulay naman yan?" Kunot noo kong tanong.

"Haist si Bridge yong target mo!" Sabi nito saka ako binatukan.

"Ayos yang pangalan ah Tulay HAHAHA. So anong plano?"

"Nakita ko kasi sya kanina nakabike na pumaso-"

"Ang talino mo talaga Trel!" 'di ko na sya pinatapos dahil ng makita ko ang bike malapit sa pader ay alam ko na ang gusto nyang sabihin.

Nilapitan namin itong dalawa at nag apir pa.
Tinanggal ko muna ang aking polo upang hini madumihan.

Tinanggal namin ni Trel ang dalawang gulong pati narin ang kadena,tinanggal din namin ang upuan nito at pinaluwag ang ilang turnilyo. Nang makarinig kami ng yapak papunta sa amin mabilis kaming nagtago ni Trel sa likod ng puno at nahiga upang hindi kami mapansin.

Dahil nga madumi rito,ang mga damo ay nagtataasan na  kaya hindi na kami makikita.

Nang may marinig akong tunog ng kutsara at tinidor iniangat ko ng kaunti ang aking ulo upang makita kong sino ang taong iyon. Laking gulat ko ng makita si tulay na kumakain magisa. Subo ang isang sardinas at kalahating itlog.

Tinignan ko ito at bawat paglunok nito may kasabay na malalalim na paghinga. Nang matapos itong kumain niligpit na nya ang kanyang gamit at umalis na. Hindi nito napansin ang kanyang bike na sira na dahil nagmamadali itong umalis.

"Bro wala na sya tara na." Mabilis kaming umalis ni Trel sa pinagtaguan namin kanina at dumeretso sa canteen.

Habang naglalakad kami sa corridor ay naalala ko ang muka ni tulay kanina para bang may malaki syang problema. Teka bakit ko ba sya naiisip.

Pagkarating namin sa canteen ay naroon na si West sa aming pwesto. "San kayo galing?bat ngayon lang kayo?" bungad nito sa amin.

"Ah nagpasama ako kay Trel may pinuntahan lang. Saka busy ka kanina kaya 'dika na namin nahintay," pagpapalusot ko.

Umurder na kami ng makakain namin dahil 10 mins nalang ay next subject na naman namin.

"Alam nyo ba yong issue gurl?"

"Anong issue yan ha,"

"Meron daw tao na kumakain sa likod ng Library.Pero sabi ng iba wala naman daw nagpupunta roon kasi nga masyadong masukal doon."

"Ang creepy naman. Baka may multo,"

"Imposibleng multo yon. Kasi nga may mga lata na nagkalat sa paligid."

"Baka naman kinalat ng aso?"

"Hayy ewan."

Pabalik na kami sa pwesto namin nang marinig kong usapan yan ng babaeng nadaanan namin.

'Di kaya ang sinasabi nilang multo ay si tulay?hmm possible dahil nakita ko sya kanina roon. Pero bakit doon sya kumakain?nakaka curious ang babaeng yon aishh bat ko na naman ba sya iniisip. Pero yong muka nya kanina

"Bro kakainin mo pa ba yan?" Tanong ni Trel sa akin.

"Sege na kainin mo na." Walang ano-ano'y kinuha na nito at nilantakan.

Pagkarating ko sa classroom nakita ko si tulay sa upuan nito na nagbabasa ng libro. Tuwing nakikita kung hindi tulog libro ang hawak nito .

"Ahm Re-Reus pa-para sayo oh," nahihiyang sabi ng Nerd habang iniaabot ang isang box.

Tinignan ko ito mula ulo hanggang paa saka nginitian.

"Muka ba akong tumatanggap ng basura?" Sabi ko saka tinaas ang isang kilay.

Nahihiyang yumuko ang babae at ang mga tao sa paligid ay nagsigawan.

"Ang kapal naman kasi ng face mo ate HAHA see your level kasi!"

"Woaah cheap HAHAHA"

"Ayos idol talaga kita Reus!"

"Yan nagmamaganda kasi."

Sigawan ng mga kaklase ko. Natutuwa ako sa itsura ng babae sa aming harapan dahil nakayuko lang ito at umiiyak.

Blaag! Nagulat ang lahat sa isang malakas na tunog kaya lahat ay natahimik. Lumingon ako sa likuran at don nakita ang muka ni tulay. Malayong malayo ang ekspresyon ng muka nya kanina sa likod ng library at ngayon ngunit hindi ko ipinahalata na akoy nagulat.

"Anong nakakatawa sa ginawa nya? Meon ba? Sagot!"

Lahat ay natahimik at walang nagtangkang magsalita.

"Kung natatawa kayo dahil nagconfess sya sa taong walang puso,nakakaawa kayo. Kasi ang dapat nya tinatawanan dito sya.." tinuro ako nito at nakatitig sa matalim nyang tingin. "Sya ang dapat nyong tawanan dahil may malala pa sya kay Lucifer."

Lahat ng tao ay natahimik tinignan ko lang ito at kung paano nya ipagtanggol ang babaeng nasa aking harapan.

"Ikaw! Kung ayaw mo sa regalo nya pwede mong hindian ng maayos hindi yong ipapahoya mo pa sya! At kayo!kayong lahat kaparehas nyo 'tong lucifer na to! Porke gwapo kinakampihan nyo na?tskk napaka unfair ng mundo!"

Dahil nag iinit na ang ulo ko kinuha ko ang bawak ng babae saka ito binuksan. Unti unti akong lumapit kay tulay habang hawak ang cake.

"Ito tinanggap ko na. Masaya ka na ba?" Nakangisi kong sabi at nang magkapantay nalang kami akong kong tinapon ang cake sa ulo nito. "Mas malala pa ako kay Lucifer diba?baka nga palitan ko na sya eh," nakangisi ko paring sagot at nakatitig sa mata nito.

Bumalik na ako sa aking upuan pero nilingon ko pa ito. "Meet me your Lucifer...oh by tye way sabi pala ng lolo ko share your blessings kaya binigay ko na sayo lahat." Sabi ko at mling sinuot ang aking airpods.

Woaaah

Ohhhh

Bridge v. Reus kanino kayo pupustaa

Manok ko si Reus HAHAHA

Ilan lang yan sa sigawan nila. Nakita ko namang lumabas si Tulay kasama ng babaeng nagbigay sa akin ng cake.

Habang nagpapa soundtrip ako biglang nag ring ang akung cellphone kaya sinagot ko ito.

"Hello Mom," bungad ko sa kanya.

"Reus dito kaba sa bahay uuwi mamaya?"tanong ni Mom sa akin.

Natahimik ako ng ilang minuto,iniisip kong uuwi nga ba ako o hindi.

"Reus?"

"Yes Mom uuwi po ako." I answer

"Ipagluluto kita ng favorite mo anak"nakangiti nitong sabi.

"Ok mom,gonna hang this" sabi ko at pinatay na ang tawag. Sana pag uwi ko ay 'dina sila galit sa akin pero alam kong malabo dahil simula bata ako ay mainit na ang dugo sa akin ng Dad ko.

Stay With Me in 60 DaysWhere stories live. Discover now