UMBRA 15

2 0 0
                                    

Ms. Enigmatic Series 1: UMBRA
written by Czchanstrumn


Chapter 15: Boom!



"HOW'S THE MISSION?"



Fléusch asked me as she entered my office.




I smiled at her and handed her the folder containing the details of our counterattacks and my prior research about the mission. Fléusch just nodded while reading them.





"Armani group, owned by an Italian tycoon, Giusippe Armani who has a big name in the business world. They're secretly importing and exporting illegal weapons worldwide. Pretty dirty," I introduced, may pa iling-iling pa, "Headquarters to be located in an Italian coffee shop near my condo, traced via tracking device I settled up on the. . . boss."




Parang nag-aalangan pa ako sa pagbanggit sa boss. Naalala ko kung paano ko tahasang inilagay ang tracking device kay Gnixen at ang pag-locate ko kung saan siya nagpupupunta. Nagulat pa nga ako dahil minsan ko siya'ng matunton sa condominium building kung saan ako nakatira pero hindi naman siya nakikipagkita sa akin. Parang ini-STAN (Stalk and Fan) ko tuloy siya dahil doon.




Fléusch nodded and her gaze glued on the man with that Jupiter tattoo on his wrist, caught bare face in the camera.



"That's your Drew," I pointed out pertaining to the man with a small Jupiter tattoo on his wrist, "I wonder why did he also had that tattoo," I clucked my tongue.


Fléusch glared at me, "He's not my Drew!"



"Bakit parang bitter?" I teased her.



Namumula siya at parang inis na kaya stop na ako baka bigwasan niya na ako in no time. Mauwi pa sa cat fight to imbes na nagkakaisa dapat kami sa mission namin. We just talked about it for a while then we agreed to each other's plan of attack.



"Kamusta bakasyon?" I asked her casually after our deep talk.




"It's a mission," she corrected me.




I acted shocked, "Alright, mission then. The making his kikiam hard again mission?" I asked mockingly at her, signing a 'quote' symbol on my both hands.




Fléusch faced me with her round eyes. Tiningnan niya ako ng nagtatanong na mukha. Her face is flushing terribly red.




"Instagram post," I answered as if Fléusch asked me.




Napairap nalang siya saka nag-cellphone nalang sa tabi. Tumawa ako nang malakas pero hindi niya ako tiningnan. Kumunot pa ang noo niya habang nakatingin sa screen ng cellphone niya, halatang nagbi-busy-busy-han. Biglang bumukas ang pinto ng office kaya sabay kaming napalingon doon.




Ches entered with his childish expression, "Wala akong makain ate!" He said while stamping his feet like a kid.



Napaayos naman agad siya ng tayo nang makita si Fléusch sa gilid. First time nya kasing makita kaya para siya'ng tinakasan ng dugo sa katawan. Sa akin niya lang kasi pinapakita ang pagiging isip-bata niya. Umiling ako sa kaniya.




"Tigilan mo ko Ches at baka masungalngal kita dyan," Nag-sign pa ako ng kamao kaya natinag siya, "May pa-ate ate ka na now ha?" I looked down to the documents on my desk.



Hindi niya ako pinansin at nakiupo nalang siya sa sofa sa tapat ni Fléusch saka malawak na ngumiti sa kaniya. Mukha namang na-weirduhan sa kaniya si Fléusch.




Ms. Enigmatic Series 1: UMBRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon