MY WIFE IS A GANG LEADER Season 1
written by TheMilesSmile
Please do comment and vote. Maganda kasi ako hehehee! - Cameel
Chapter 2: Prank
Cameel's Point of View
Kakagising ko lang ngayon. Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko.
Napabalikwas ako ng tayo at dali-daling akong lumabas sa malaki at maganda kong k'warto. Alas nuwebe na pala! Omahgad!
Nasa kusina na ako at maghahanda na ng breakfast.
Napahawak na lang ako sa noo ko nang maalala ko na wala pala akong ulam na lulutuin. Haaayyy buhay parang life!
So, anong kakain ko ngayon?!
Kain na lang ng bato o 'di kaya'y buhangin. Lupa, p'wede rin hahaha!
Ahhhhhhhhhhhhh may naisip na ako!
Ano?! Share mo naman sa amin Cameel. Lol!
Since pupunta naman ako kila bespren Jenny, doon na lang ako kakain. 'Di ba?! Talino ko talaga pagdating sa kainan. Hahaha!!
Mga ilang sandali lang, andito na ako sa tapat ng bahay ni bespren Jenny.
I'll fix myself first. Taray haha!
Kinuha ko muna ang muta sa kyot kong eyes. Inaayos ko ang shiny hair ko gamit ang maarte kong kamay.
And, ready na ako! Let's go!
Kakatok na sana ako nang biglang bumukas ang pinto na ikinagulat ko ng slight lang hehe.
Owh si Jenny pala!
"Oh Cameel! You're here!" gulat na pag-eenglish niya.
"Yes I'm here and you're here also!" Siyempre inartehan ko rin ang pageenglish ko. Natawa siya.
"Malamang bahay ko 'to" pabirong sabi niya at nagtawanan kami.
"Sige na, pasok!" saad niya
Pumasok na ako. Isinara niya ang pinto pagkapasok ko.
"Pupunta na sana ako sa inyo, e naunahan mo ako" sabi niya habang naglalakad kami papunta sa sofa dito sa sala.
"Ganun ba? Wow! That's wonderful!" namamangha kunwaring sabi ko sabay upo sa malambot at malaki nilang sofa.
"Anong nakaka-wonderful nun?" takang tanong niya.
"Hayaan mo na. Mema eh, may masabi lang" tapos nagtawanan kami. 'Di ba ang saya namin. Hahaha!
"Sige, maghahanda lang ako ng meryenda natin" at nagsimula na siyang maglakad.
BINABASA MO ANG
My Wife is a Gang Leader (Season 1)
General Fiction[ONGOING] Cameel Jayn is a young woman with a weird personalities; slowpoke, assuming, crazy and funny. She's responsible for finding a young man to be her fake husband because it's part of her task as a leader of their organization. Then she met Z...