MY WIFE IS A GANG LEADER Season 1
written by TheMilesSmile
Enjoy reading! Do vote and comment! Thanks :)
Chapter 4: For 100k pesos
Cameel's Point of View
Nasa tapat ako ng bahay ni bespren Jenny ngayon.
Papasok na ako.
"HI BESSSS!" masayang sigaw ko.
Dali-dali siyang lumapit sa 'kin mula sa pagkakaupo.
Bigla niya akong niyakap.
Niyakap ko din siya.
Ang sweet namin 'no?
Nakaupo kami ngayon sa malambot niyang sofa. Magkaharap kami.
"Bes, alam mo ba?" tanong ko sa kanya.
"Malamang hindi pa." tapos nagtawanan kami.
"May bago akong friend hehe"
"Friendly ka na pala ngayon ah. So dalawa na kaming friend mo?"
"Tatlo."
"Dalawa pala ang bago mong friend?"
"Hindi apat!" pabiro kong sabi. Natawa siya. "Malamang dalawa"
"Sino 'yang dalawa?"
"Si Justine Rey at si Mr. Waiter"
"Justine Rey, 'yung anak ko?" tumango ako.
"At sino 'yang Mr. Waiter na 'yan?"
"Beki siya bes. Hindi ko lang alam name niya. Basta friend na kami"
Ahhh dapat pala Mr. Beki Waiter ang sinabe ko 'no?
Bahala na...
"Anong klaseng beki siya?" usisa niya.
Napaisip ako.
Ano nga ba????
Isip Cameel...
Mag-isip ka...
"Beking gwapo na papansin sa mga lalaki" biglang sabi ko.
Napatakip siya sa bibig niya.
"Iba na talaga ang panahon ngayon 'no..."
Tumango ako sabay sabi, "Climate change eh"
Natawa si bespren.
BINABASA MO ANG
My Wife is a Gang Leader (Season 1)
General Fiction[ONGOING] Cameel Jayn is a young woman with a weird personalities; slowpoke, assuming, crazy and funny. She's responsible for finding a young man to be her fake husband because it's part of her task as a leader of their organization. Then she met Z...