MY WIFE IS A GANG LEADER Season 1
written by TheMilesSmile
Enjoy reading! Do vote and comment! Thanks :)
Chapter 6: First Day
Cameel's Point of View
Nagising ako sa ingay ng busina.
Bumangon ako at nagtungo sa maganda at malaking bintana ng kwarto ko.
Biglang kong naalala na ngayon pala ang simula ko.
Bumaba ako para sabihan 'yung driver na mag-aayos muna ako ng sarili ko.
NASA harap na akong ng bintana ng kotse ni driver.
Kumatok ako sa bintana.
Bumukas.
Nagulat ako nang makita kong hindi si manong driver ang nasa loob.
"Bakit ikaw ang sumundo sa 'kin Sir?" magalang kong tanong.
Nakakaramdam talaga ako ng hiya 'pag nakikita ko 'yang pagmumukhang 'yan.
"Ayaw mo ba?" masungit na sabi niya nang hindi nakatingin sa 'kin.
May pa-ingat-ingat at bye-bye ka pa kahapon tapos susungitan mo ako ngayon?!
Ang galang ng pagkakatanong ko tapos susungitan mo lang ako?!
Ewan ko sa'yo!
Basta I'll be kind. Char lang. Haha.
"Sabi mo kasi 'yung driver mo ang susundo sa 'kin. 'Kala mo hindi ko naintindihan 'yung salitang fetch."
Pero ang totoo niyan, kagabi ko lang nalaman. Ginoogle translate ko hehe.
"Sakay na!" ang sungit naman...
"Wait lang... bagong gising pa lang ako"
"I'll wait for you"
"Salamat" sabay bow.
3 hours later...
"Nasaan na 'yun?" takang tanong ko sa sarili nang pagbukas ko ng pinto, wala na 'yung kotse niya.
Lumabas ako. Tapos huminto ako sa place kung saan pumarada ang kotse niya kanina.
"Anong oras na ba?" sabay kuha ng phone ko sa sling bag.
"10:10? Tatlong oras na pala ang lumipas?" Antagal ko pala he-he.
Ibinalik ko ang phone sa sling bag at may nakita akong color yellow na bond paper sa kinatatayuan ko.
Kinuha ko ito.
May nakasulat.
"Naiinip na ako kakahintay sa'yo kaya umalis na lang ako. Antagal mo! Sobrang tagal! Pagong ka ba?! Basta pumunta ka sa bahay. Riches Village, 'yan ang address. At kapag nasa village ka na, don't hesitate to ask the guard. Kung maaari, magpasama ka sa kanya. Bahala ka na! Matanda ka na!"
BINABASA MO ANG
My Wife is a Gang Leader (Season 1)
Ficción General[ONGOING] Cameel Jayn is a young woman with a weird personalities; slowpoke, assuming, crazy and funny. She's responsible for finding a young man to be her fake husband because it's part of her task as a leader of their organization. Then she met Z...