MY WIFE IS A GANG LEADER Season 1
written by TheMilesSmile
Enjoy reading! Do vote and comment! Thanks :)
Chapter 8: Brother's Quarrel
Alas-nuebe na ng gabi.
Andito kami ngayon sa kwarto.
Kasama ko pa rin sila yaya Niña at Loli.
Dalawang double deck na kama ang nandito.
Sa isa, silang dalawa. Sa taas si yaya Niña at sa baba naman si yaya Loli.
Habang ako, hiwalay sa kanila.
Mas pinili kong sa taas humiga. 'La lang, feel ko lang.
"Yaya Loli.." tawag ko rito nang nakahiga, nakatingin lang sa taas.
"Bakit Cameel?" yaya Loli na nakahiga na rin.
"Mag-kwento naman kayo."
"Ano namang ikukuwento ko?" yaya Loli.
Bumangon ako.
Agad ding sumunod si yaya Loli sa pagbangon at humarap sa akin.
"Kahit ano, p'wede na.."
"Sige. Ahmm.... tungkol Kay Sir Zelawn, okay lang?"
Sa masungit na 'yun?
Parang boring 'yung life niya. 'Wag na lang kaya. Iba na lang kaya?
Walang ka-challenge-challenge siguro 'yung life niya.
Puro pagsusungit lang.
"Hindi ako interested dun e. Iba na lang kaya.."
"Bawal judgemental..." nakangiting sabi niya with matching shake-shake sa hintuturo niya.
Totoo naman. Bawal judgemental. Baka meron talaga siyang malalim, makabuluhan at makabagbag-damdaming kwento.
Ano??? Pa-kwento na ako sa buhay ni Sir Zelawn?
Let's try!
"Sige po. Kapag panget na, i-stop ko po. Hahaha" natawa rin si yaya Loli.
"Dati nung bata pa 'yun, ang bait nun. Nagpapasalamat ang ako nun sa Panginoon dahil hindi pasaway na bata ang aalagaan ko. Sobrang close namin. Simula nung nagka-isip na siya, palagi na kaming sabay kumain. Ano rin 'yun, sweet. Niyayakap niya ako, hinahalikan sa pisngi, sa noo. Nalungkot nga ako nung napapansin kung unti-unti siya nagbago. Eighteen years old siya nung una siyang magka-girlfriend. Pinakilala pa nga niya sa amin. Grabe 'yung effort na binuhos niya sa babaeng 'yun. Mahal na mahal niya talaga. Nagtanong nga siya sa 'kin nun kung ano raw ang mga gusto ng isang babae. Pagkatapos ng dalawang taon, naghiwalay sila."
BINABASA MO ANG
My Wife is a Gang Leader (Season 1)
Ficción General[ONGOING] Cameel Jayn is a young woman with a weird personalities; slowpoke, assuming, crazy and funny. She's responsible for finding a young man to be her fake husband because it's part of her task as a leader of their organization. Then she met Z...