𝑪𝑯𝑨𝑷𝑻𝑬𝑹 7

112 15 9
                                    


Dedicated to Izy_Amor_01

"Mom, are you leaving me?" Tanong ng batang babae sa kaniyang ina na abala sa pagtahi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Mom, are you leaving me?" Tanong ng batang babae sa kaniyang ina na abala sa pagtahi. Isinantabi muna nito ang tinatahi at hinarap ang anak na babae.

"No, baby. Mom would never leave my angel, I'm always here by your side." Sabi nito at hinalikan sa noo ang batang babae. Napangiti ang bata dahil sa sinagot ng kaniyang ina.

"But Grandpa told me that you will leave someday," Malungkot na saad nito sa ina. Napayuko pa ito sa lungkot at pinangingiliran ng luha dahil sa naalala niyang pagsigaw ng kaniyang Grandpa.

"That's not true, mommy is very strong! See? I'm stronger than him!" Pangungumbinsi nito sa anak na babae. Ngumiti ito at pumalakpak pa sa sobrang saya.

"Really? I'm glad to heard that Mom! I'm afraid to lose someone who are important to me," Nakaramdam ng lungkot ang ina ng bata dahil sa sinabi nito. Walang may gusto sa anak nito dahil illegitimate child daw ito. Pinapabayaan nalang nito ang mga sinasabi ng iba ngunit natatakot itong marinig ng kaniyang anak.

"Baby, I'm not the only one who truly love you, your dad too. And someday, you will find a guy na magmamahal sa'yo ng higit pa sa pagmamahal ko." Saad nito sa anak. Bahagyang nagtaka ang bata dahil sa sinabi nito.

"Is it possible to meet someone like my Dad, Mom? I'm excited to meet him!" Bahagyang natigilan ang ina dahil sa sinabi ng kaniyang anak. Masaya na sana siya sa katotohanang nakasama niya ang anak, ngunit muli na namang ñ ang nangyari sa kaniyang nakaraan.

"O-ofcourse! You can meet someone like Daddy-Amario! Yes, daddy Amario!"

Pawisan siyang napabalikwas ng bangon dahil sa kaniyang napanaginipan. Muling nagnumbalik sa kaniyang balintataw ang masasayang alala niya at ng kaniyang ina. Hindi na niya namalayan na may taksil na likidong pumatak sa kaniyang hinihigaang kama. Muli niyang ipinikit ang mata at pinilit na makatulog muli, ngunit hindi na ito muling nakatulog pa. Napasinghal nalang siya at tumayo para magtimpla ng kape.

"Mom, dad...I miss you." Muling nangilid ang mga taksil na likido sa kaniyang mata. Napatakip pa siya ng kamay sa bibig dahil sa mahinay na paghikbi. Hindi niya maiwasan na maalala ang madilim na nakaraang nais niyang takbuhan. Gustuhin man niya ay patuloy pa rin siya nitong hinahabol at pinapaalala.

Maya-maya lang ay tumigil na siya sa paghikbi at inayos ang sarili. Tumayo siya at kinuha ang cellphone sa may kaliitang drawer na katabi ng kaniyang kama. Humigop muna siya ng kape at pumili ng kanta sa kaniyang playlist. Nahagip ng kaniyang mata ang kantang minsan na niyang iniwasan, kaya aksidenteng napindot niya ito.

I love you, goodbye by LANI MISALUCHA

Wish I could be the one
The one who could give you love
The kind of love you really need

"I Love You, Professor." ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon