Isang magandang gising ang bumungad sa dalaga. Naalala niya ang nangyari kagabi. Magaan ang pakiramdam niya. Hindi mali, masaya ang pakiramdam niya. She is spaced out when someone knock on her door, she run to her door and open it.
“Good morning” sabi ni Migs.
“Good morning” bati niya in a disappointment tone
“Halika na breakfast is ready. Sabay ka na sa amin”
“Sige, sandali lang. Magbibihis lang ako.” Madali siyang pumunta sa cr at nagpalit ng damit. bumalik na siya sa pinto at tuluyang umalis ng kwarto. “Nasan na ba sila, kumpleto na ba kayo dun, pati si Sir?”
“Oo, nandun na sila lahat.”
Madali silang naglakad papuntang buffet area. Naghanda ang buong grupo dahil birthday niya pagkapasok niya ang lahat ay sumigaw
“Surprise!!!!! Happy Birthday” sigaw ng lahat. Isa isang humalik ang kanyang mga kasama. Hinahanap ng mata niya si Tristan ngunit hindi niya ito makita. Lumapit si Migs sa kanya
“Happy Birthday, Alesx” kinuha nito ang kamay ng dalaga at hinalikan. Nakita ito ni Tristan na siyang kakapasok pa lang sa area.
“ehem.. Anong meron?” tanong ng binata
“Sir birthday ni Alex.” Sagot ni Migs.
“Ah ok, Happy Birthday Alex.” Tango nito.
Nagtaka si Alex sa akto ni Tristan. Kagabi ok sila, ngayon hindi na naman. Ang labo nito, hindi niya namalayan lumalapit ang binata sa kanya kasi lutang siya, hindi pala kasi iniisip niya si Tristan.
“Princess, bulong nito. Look” sabay turo nito sa mga lobo at bulaklak na binigay sa kanya ng binata.
Natuwa siya sa mga nakita. Naalala niya na after what happen tumakbo siya paalis sa lugar kung nasan sila. Nagulat kasi siya, natakot, kinabahan pero masaya ang pakiramdam niya. Sa sobrang tuwa niya hindi dahil sa mga lobo at bulaklak kung hindi nilapitan siya nito.
Napayakap siya kay Tristan. “Thank you.” Nabigla siya sa ginawa nya kaya mabilis siyang bumitaw sa binata. Natuwa naman si Tristan sa kanya.
“Parang bata talaga yan kaibigan natin, lobo at bulaklak lang sobrang natuwa na” sabi ni Shin
“Teh, tignan mo ang saya niya, iba. Di kaya may something, between her and Tristan” sabi ni Yeng
“Sir Tristan, Yenggay. Baka may makarinig sayo”
“Oo nga, mukhang iba, tignan mo naman si tangkad. Patay.” Sagot ni Azil
Nakatayo lamang si Migs habang tinitignan niya ang dalawa. Nasasaktan siya sa nakikita, unti unting dinudurog ang puso niya. Pero sino ba naman siya para magalit, hindi sa kanya si Alex, at lalong hindi kay Tristan. Nabuhayan ang kanyang loob sa naisip, ang kailangan lang niyang gawin ay patunayan kay Alex na mahal niya ito at sila ang mas bagay.
“Alex, tara kain na tayo” yaya ni MIgs.
“Sige tara kain na tayo.” Umupo muli siya sa kanyang pwesto
Naupo naman si Tristan sa tapat ni Alex habang si Migs ang katabi nito. Pinagsandok siya ni Migs ng pagkain. Ramdam ni Alex ang tension sa pagitan ng dalawa.
“Pwede ba tayo mag-usap after nating kumain?” tanong ni Migs.
“Oo naman. Sige, pagkatapos natin kumain” sabi ni Alex. “Sige na tapusin mo na yan ng masolo mo na ako” sabay silang nagtawanan. Naalala niya nasa harap si Tristan. Paktay naisip niya. Pero deadma muna.
Matapos kumain medaling umalis ang dalawa sa buffet area. Pumunta sila sa pool at doon maguusap. Nakita naman ni Tristan ang pagalis nila. At sag alit bumalik na lamang siya sa kwarto niya.
“For you” bigay ni Migs ang isang maliit na box.
“Ano ito? Migs, di naman kelangan.”
“”Alex I want to. Just let me do this. Alam mo naman ano nararamdaman ko diba?”
“Migs, hindi ako handa sa isang relasyon. It’s been years.”
“I’m willing to wait for you Lex. If it will take me years then I will do it. Ikaw ang gusto ko, mahal ko wala ng iba.”
“Tangkad, ayoko isipin ang mga ganyang bagay.”
“Pero kay Tristan pwede?”
“Ano? Migs, ano ba pinagsasasabi mo?
“I know. Nakikita ko gusto ka din nya. At ngayon naguguluhan ka, pero ako Lex, single ako. Wala akong sabit. I can be all yours. Walang kahati.”
“Hiwalay na sila”
“E di lumabas din ang totoo. Kasi hindi yan ang isasagot mo kung hindi mo din sya gusto. Pwedeng ang isagot mo na hindi mo din siya gusto o wala yun wag bigyan ng malisya. Pero hindi e, ang sagot mo, hiwalay na sila.”
“Migs,”
“3 taon ang ilalaban mo sa kanya. 1 taon pa lang kayo magkakilala. Pwedeng magkabalikan sila at iwan ka niya. Pero ako, ako mahal kita. Hindi kita iiwan.”
“Hindi kita kayang mahalin Migs. At kung nasabi ko man yun, dahil yun ang status niya.”
“Oh really!!! Then tell me you don’t love him. Then I’ll stop”
Tahimik lang si Alex. Hindi umiimik. Hindi alam ang sasabihin. Baka sa huli mali siya ng masabi at masaktan lang siya. Pero hindi niya talaga kayang mahalin si Migs dahil kaibigan lang ang turing niya dito.
“What Alex, so it’s true, You love him. You just use me. Ha, Alex tell me the truth then I’ll stop bothering you.”
Sa pagkairita niya, naisigaw niya ang sagot
“HINDI KO SIYA MAHAL. OK, HINDI KO SIYA KAYANG MAHALIN”
Tatakbo sana siya palayo kay Migs, ng magulat siya pagtalikod niya nandun si Tristan.
“ramdam ko mahal mo ako, pero wala palang MAHAL MO KO, ang meron lang MAHAL KITA. YUN LANG YUN” galit na sabi ni Tristan sabay alis nito sa harapan ni Alex.