It was a bad morning for him. Alam niya bago na ang lahat matapos ang nangyari kagabi. Tapos na ang lahat sa kanila ni Kris. Nagi-guilty man siya alam niyang ito ang tamang gawin para sa kanilang dalawa. Ang kailangan niya ngayong gawin, ayusin ang dapat ayusin ng tuluyang na siyang mabuo, pagkatao man niya o puso, pero pano kung nandyan si Miguel
“Azil, give me all the reports for the past 6months, ASAP. Lahat ba nandito na?” sabi ni Tristan
“Yes, sir. Wala pa po si MIgs at Alex.” Sagot ni Azil
“Ok. Sige.” His phone ring and saw Kris name reflected on it. Sumensya sya na lumabas na si Azil, sabay sinagot niya ito.
Paglabas ni Azil dumating si Alex. Patakbo itong pumasok dahil late na siya nakita niya si Tristan na nakakunot ang noo sabay na baba ang phone. Pumunta ang dalaga sa locker room, binababa ang gamit at lumabas kaagad para magtrabaho.
“Azil, bakit mainit ulo nun?” tanong ni Alex
“Narinig ko..” sabat ni Yeng
“Narinig mo o pinakinggan mo?” urirat ni Alex
“Ok, Fine. Pinakinggan. Di naman sadya, dumaan ako, narinig ko, pinakinggan ko. Anyways, ang pagkakadinig ko hiwalay na sila ni Kris.” Sabi ni Yeng
“Ano?!?!” sabi ni Alex. Sabay tingin sa binata.
“Ha?! Grabe. 3yrs. Well ganun talaga me mga tao nga na 1 araw lang magsama, mahal na nila ang isa’t isa. At meron mga taong matagal na nagsasama pero naghihiwalay pa.” sabi ni Azil.
“Paano yan, bad mood si Sir. Baka di matuloy yung team building” sabi Yeng
“I’m sure hindi niya idadamay ang trabaho sa personal na buhay niya. Kaya tuloy yan. Mageenjoy pa din yan. Ngayon ko nga lang nakitang masaya yan simula nung pumasok kayo.” Sabi ni Azil.
Umalis si Azil dahil may gagawin pa ito. nag-usap ang dalawang magkaibigan.
“Swerte ng magiging gf niya. Sobrang bait kasi niya. Sa tulong niya sa atin. Tapos mayaman pa siya. Gwapo. Matalino, madiskarte. Ano pa hahanapin nung babaeng mamahalin niya?” sabi ni Alex.
“It means lucky you” sabi ni Yeng
Napatingin si Alex sa kanya at medyo kinabahan. Namula at natakot.
“Lucky me? baliw ka Yeng noh. I can’t afford my self getting hurt again. I can’t entrust my heart to anyone.” She looked at him and walked out. Natakot siya sa narinig sa kaibigan. Dahil kung bukas lang ang puso niya, hinayaan na niya ang sarili mahalin ang binata. Pero ayaw niya. Sapat na ang dahilan na yun para wag mahulog, mahalin si Tristan.
---
This is the day. Team building na excited ang lahat. Their meeting place, sa harap ng restaurant. Sinundo ni Migs ang magkakaibigan. Bitbit nito ang bag ni Alex. Habang buhat ni Alex ang almusal na niluto niya para sa buong grupo. Dumating ang van na maghahatid sa kanila sa airport. sa likod ng van naupo ang 2 cook, 2 gwardiya ng restaurant. Sa mejo unahan naman ay si Azil at 3 waiter. Sa 1st row mula pinto ng van ay isang waiter, si Yeng, Shin at Miguel. Nakalimutan nilang bigyan ng upuan si Alex, hinatak ni Tristan sa kamay si Alex at naupo sila sa harap ng van katabi ng driver. Walang kibuan ang lahat sa van, kahit ang dalawa. Tinginan, mga nakaw na sulyap lang mga nagaganap. Wala pang isang oras dumating na sila sa domestic airport. binigay ni Tristan ang mga ticket sa kanyang mga kasama. Pag-sakay sa eroplano, di alam ni Alex na sila ni Tristan ang magkatabi. Nakita ni Migs na hiwalay ang upuan ng dalawa sa grupo. Naasar man siya hindi na niya ito tinutulan.
Isang oras lamang ang byahe ngunit nakatulog siya. Nakasandal siya sa balikat ng binata. Ng mapansin ng binata na tulog siya inakbayan siya nito at sinandal sa kanyang dibdib. Pinagmamasdan ni Tristan ang mukha ni Alex, tila kinakabisado nya ang mga nakikita niya sa mukha nito. Hinawakan ng daliri niya ang mga mata nito, ang ilong, at ang labi.