It’s been three days na hindi sila naguusapa. Hindi pumapasok si Alex sa restaurant. Nagaalala man si Tristan hinayaan muna niya mag-isip ang dalaga. Alam niyang nasira nito ang tiwala na binigay sa kanya. Nahihirapan man, wala siyang magawa.
“Kuya, di ka pumasok. Di ka pa daw nag-lunch. Kain tayo, samahan mo ako.” Sabi ni Sophie
“Sophie” hinalikan nito ang kapatid sa noo. “Wala kasi akong gana. Kamusta ang school? Ilan buwan na lang graduate ka na”
“Kuya, I don’t see you doing something to make things work, para ma-clear lahat kay ate Alex.”
“I’m just giving her time.” Tinapik ng kapatid ang kanyang balikat. Akmang aalis na siya hinatak niya ang kapatid “Soph, babalik na ako sa Condo. Later tonight.”
“What kuya!!! Alam na ba ito ni Mom?” tanong ng kapatid.
“Hindi pa. Ngayon ko lang naisip. I just want my own time. Think things over. I hope bago mag new year maging ok na lahat.”
“Don’t worry kuya I know mom will understand.”
“She has trust problem. Kaya ganito kami. Hindi ko alam ang kwento niya before. I am trying to get her trust. Kung kelan naman malapit na tsaka naman nangyari ito” tumayo siya at lumapit sa salamin. Nagulat na lang si Sophie ng may narinig siyang nabasag.
“Kuya!!!” sigaw ni Sophie sa kapatid.
---
Kinagabihan sa bahay nila Alex.
“Hindi siya pumasok ngayon” sabi ni Yeng
“Sino?” tanong ni Alex
“Siya.”
“Si Tristan.” Sagot ni Shin.
“Akyat na ako. Inaantok na kasi ako. Papasok na ako bukas. Sabay-sabay na tayo” sabi ni Alex
“Friend kahit anong gawin mo, hindi mo maiiwasan ang mga nangyayari.” Sabi ni Shin. Hindi siya pinansin ni Alex. Dire-diretso itong umakyat sa kwarto
Alalang alala na si Mommy Vangie sa ginagawa ni Tristan sa sarili niya. Ayaw naman niyang panghimasukan pa ulit ang anak baka lalong magalit pa ito sa kanya.
“Son, Sophie told me you want to stay at your condo. Babalik ka na daw dun?”
“Yes, ma. Bukas ng umaga magpapatulong ako kay Migs lumipat. I’m not asking your permission, I’m just informing you my decision. Mom, hindi ako galit sayo, kay Kris. Galit ako sa sarili ko kasi hinayaan ko yung nangyari, kahit di ko ginusto. Kung mas inaayos ko kasi kami ni Kris noon pa, hindi mangyayari ito.”
“Whatever is your decision, son. Mommy’s always here for you.” Hinalikan nito ang noon g anak at lumabas na ng kwarto ng binata.
It’s the 29th of December. 4 days ng hindi sila nagkikita at naguusap. Dumating na sila ni Migs sa condo niya. Nagliligpit siya. Inaayos lahat ng dapat ayusin. Closet niya, mga takip ng sofa. Kitchen niya. Meron na din siyang dalang grocery para lamnan ang ref nila at mga kitchen cabinets. Naghanda na siya ng lunch para makakain silang dalawa.
“Sir, pumasok na siya ngayon” sabi ni Migs
Umangat ang ulo niya tinitignan si Migs “Talaga? Sino nagsabi?”
“Si Sophie po.” Napayuko si Migs. Hinihintay niya na sitahin siya ni Tristan dahil sa kapatid nito.
“Ingatan mo kapatid ko. Kung may intension ka sa kanya ayusin mo.” Ngumiti ito sa kanya
“Mabait ang kapatid mo. Ayokong mangako, pero rerespetuhin ko siya. Anuman ang magandang nasimulan namin ngayon, Ipe-preserve ko yun. Salamat sa tiwala, Tristan.” Ngumiti si Tristan at kinayan siya nito.