REIGN'S POV
"My Hera..."
Marahan akong umupo sa gilid ng kama habang inaalala ang panaginip ko kanina. Tulala akong nakatingin sa puting balahibo sa palad ko.
It's WEIRD.
Hindi lang ito ang unang beses na napanaginipan ko ang lalaking yon.
Sa tuwing gigising ako sa umaga ay para bang nangungulila ako sa kanya at may parte sa puso ko na gustong-gusto syang makita.
It feels like Im longing for someone or something that I dont know.
"Late ka na, here's your breakfast, Ren." Napukaw ang atensyon ko sa nakakairitang boses na yon.
His soft yet irritating voice had the power to instantly alter my mood. It was no other than my adopted brother, Zen.
"Nag-abala ka pa." Pagsusungit ko.
Saglit na nagtama ang mata naming dalawa dahilan para mapasulyap ako sa kanya.
His deep brown eyes seemed to gaze straight into the depths of my being.
His jet black hair, slightly tousled with effortless elegance. His thick, dark lashes and elegant brows, sparkled with an intelligence and perceptiveness that was utterly captivating.
Nakasuot sya ng itim na hoodie at black pants, mamula-mula ang kaliwang pisnge nito at napansin ko din na may benda sya sa kaliwang kamay. He probably injured himself during basketball practice, whatever.
"Hindi nakaka ganda kapag laging gutom."
Inilapag nya ang tray sa table may laman itong sinangag, tapa, sunny side up egg at isang baso ng gatas. It was may fave breakfast every morning.
"Don't talk to me like we're close." Seryosong sabi ko.
"You're welcome." Nakangiting sagot nya.
Binuksan nya ang kurtina at hinayaang masinagan ng araw ang madilim kong kwarto kapag kuwan ay inayos ang mga nakakalat kong gamit sa sahig.
"May pambayad kana ba sa tuition fee?" He asked.
"Pake mo."
Dumukot sya ng pera sa bulsa at marahan nyang inilagay sa mesa.
"Nga pala, someone called me at hinahanap ka nya." Mahinahong sabi nito habang patuloy na inaayos ang mga gamit sa kwarto ko.
"Ano bang pinag sasasabi mo?" Takang tanong ko pero parang may hint na ako kung sino ang tinutukoy nya.
"I know you know him, it's been two years, he said that he missed you a lot."
Sinamaan ko sya ng tingin at mabilis na binato sya ng unan sa mukha.
"Umalis kana nga! Just GET OUT!" Sigaw ko.
Wala itong nagawa kundi tahimik lang na umalis at bumuntong hininga as if he was expecting me to thank him for his kindness.
"Btch, sinisira mo lang ang araw ko, stop mentioning him!"
I hate him. I hate him so bad!
Ayaw kong nakikita sya even just a glimpse of an eye. He's the reason why my mom passed away. Kahit na kailan ay hindi ko sya matatanggap. Isa pa ay nakakairita din ang mga salitang lumalabas sa bibig nya.
"Ganyan mo ba talaga kausapin ang kuya mo?" Nagulat ako sa boses ng babaeng nakahiga sa kama, it was my bestfriend Lei.
Dahan dahan nyang kinusot ang mga mata at iginiya ang tingin sa paligid.
BINABASA MO ANG
Mr. Midnight (Under Editing)
RomanceMeet Yuno, he is a fallen angel who's deeply in love with the same girl he met a thousand years ago. Sa labis nyang pagmamahal sa babae ay isinumpa sya ng panginoon dahil labis na ipinagbabawal ang pagmamahal nyang ito sa hindi nya kauri. Isinumpa s...