11-7-21REIGN'S POV
"We're here."Kunot noo akong napalingon kay Shion.
"How did you know this place, my house?"
Napairap sya sa hangin sabay ngisi."Pano ko makakalimutan ang bahay ng bestfriend ko?"
Ah bestfriend...
Muli syang lumapit dahilan para mapasinghap na naman ako.
Sandaling nagtama ang mga mata naming dalawa, tila nangungusap ang mga iyon.
"Ren..."
Bumalik sa kamalayan ang aking isip ng tapikin ni Shion ang aking balikat. Sya na mismo ang nagtanggal ng seat belt bago hinawi ang buhok ko.
"B-bakit mo nga pala ginagawa 'to." Wala sa sariling tanong ko.
"I missed my bestfriend that's why I'm doing this."Sabi nya at mabilis akong niyakap.
Isang beses pang tawagin mo kong best friend kakaltukan na kita!
Hindi na lamang ako umimik imbes na mag reklamo, gumanti nalang ako ng isang simpleng ngiti bago lumabas sa kotse nya.
"See you around, Good night."Tumango ako at kumaway.
Nanginginig akong naglakad sa madilim na kalsada papunta sa bahay namin.
Tila nawalan ako ng lakas sa mga nangyare sakin ngayong araw.
Damn. Heto na naman sya at mas lalo pang ginulo ang aking buhay.
"Reigna."
Napalingon ako sa isang pamilyar na boses ng matandang babae. Si Aling Myrna na kapitbahay namin, may dala dala syang paper bag. Kaibigan sya ng lola ko kaya parang lola narin ang turing ko sa kanya.
"Kumusta po kayo, lola?" Bati ko sa kanya saka inalalayan sya maglakad.
"Ayus lang hija. Kumusta? May nobyo ka na ba?'' Napangiwi ako sa tanong nya.
Talagang nag-abala pa syang pumunta dito kahit madilim na para itanong kung may boyfriend na ko.
"Ay, naku! Wala po. Nakita nyo po ba yung naghatid sakin kanina? hindi ko po sya boyfriend."Paliwanag ko.
Naisip ko na baka nakita nya si Shion na naghatid sakin kanina. Baka iniisip ng mga taong nakakita na boyfriend ko sya.
"Hindi sya, may nakita akong nakaputing lalaki kagabi sa bintana ng kwarto mo."
Kinilabutan ako dahil sa sinabi nya. May chismis pa naman na nakakakita ng mga multo itong si aling Myrna sabi pa nga ng iba ay dati daw syang manghuhula.
"Aling Myrna naman, wala po akong isinasamang lalaki sa bahay ko maliban sa kuya ko."
"Kung ganon mag-iingat ka baka may magnanakaw na nakakapasok, isara mo ang bintana."
Tumango ako at inihatid ko na sya sa bahay nila dahil uugod-ugod na syang maglakad.
Malapit na kami sa pintuan ng bahay nang huminto sya sa paglalakad at may iniabot sakin galing sa paper bag na dala-dala nya kanina.
"Muntik ko na makalimutan, ikabit mo ito sa ulunan ng kama mo, hija."
Marahang iniabot sakin ni Aling Myrna ang isang kulay asul na dream catcher.
It is a dreamcatcher that consists of a hoop made of wood, it was woven with a net-like pattern of strings.
Suspended from the bottom of the hoop are blue feathers, white beads, and plastic pearls.Inside the netting, a central hole is present with a smaller web woven within.
BINABASA MO ANG
Mr. Midnight (Under Editing)
RomanceMeet Yuno, he is a fallen angel who's deeply in love with the same girl he met a thousand years ago. Sa labis nyang pagmamahal sa babae ay isinumpa sya ng panginoon dahil labis na ipinagbabawal ang pagmamahal nyang ito sa hindi nya kauri. Isinumpa s...