Chapter 5: White lies

34 1 0
                                    

REIGN'S POV

Hindi umalis sa kwarto ko si Zen at magdamag nya akong binantayan habang gumagawa ng mga homeworks sa table ko, ako naman ay nakahiga lang sa kama at hindi na makatulog. Hindi ko rin sya magawang paalisin dahil natatakot ako na baka muli akong bangungutin.

Kinabukasan ay naghanda na si Zen ng almusal at mag isa akong naiwan sa kwarto ko.

My phone rings at chineck ko kung sino ang nag message. It was that unknown number again.

From: +69*******084

G' morning how's your sleep?

From: +69*******084

Take care, have a good day!

As usual imbes na replyan ay hinayaan ko nalang na kung tutuusin ay pwede ko naman iblock.

Pero may part din sakin na gustong malaman kung kanino ang unknown number na 'to sadyang tamad lang ako mag reply, wala kasi akong load.

Maybe it's Shion, maybe not.

Bumangon narin ako at naisipan ko na maglinis na ng kama dahil may pasok pa ko sa school.

Habang nagpapagpag ng kumot ay may napansin akong bagay na nalaglag sa may paanan ko.

It was a feather.

A snow-white feather. Kaagad ko itong pinulot. Kagaya ng mga naunang balahibo na nakikita ko pagkakagising sa umaga.

Napatingala ako sa bubong, posible kayang may nakakapasok na ibon at dito natutulog sa gabi?

Kinuha ko ang balahibo at inilagay sa kahon ng mga nakokolekta kong balahibo.

Muli kong tinignan ang dream catcher na binigay sakin ni Aling Myrna.May mga blue feathers na design don.

Kumuha ako ng puting strings at isa-isa kong tinali don ang mga balahibong nakolekta ko upang maging dagdag palamuti sa dream catcher.

Mukhang hindi ordinaryong balahibo lang ng mga ibon ang mga ito.

These feathers are pure as freshly fallen snow, drifted gently in the breeze. Its delicate strands shimmered in the sunlight, as if sprinkled with stardust.

These feathers was so light, it hardly seemed to exist, and yet it carried with it a weight of grace and majesty.

Nakakamanghang tignan. Maya-maya pa ay nakarinig ako ng tatlong katok sa pintuan.

"Breakfast is ready, bumaba kana sabay na tayong kumain." Boses iyon ni Zen.

Tatanggi sana ako pero naisip ko na tinulungan nya ako kagabi. Kahit na palagi akong irita sa kanya ay hindi nya padin ako pinababayaan.

I know I'm lucky to have him in my life. Sadyang matigas lang talaga ang puso ko sa kanya.

"Sige susunod na." Agad akong lumabas ng kwarto at sumunod sa kusina.

AFTER ng klase ko ay nagpasya akong  pumunta ako sa room ni Lei para ayain syang mag sleepover sa bahay.

Nagtext din ako sa kanya pero hindi sya nag rereply, hindi rin sya pumasok sa first class nya. She's nowhere to be found pero nagbaka sakali parin ako na pumasok sya sa 5:00 pm class nya.

"Hindi pumasok si Lei Tuazon ngayon may sakit yata." Sabi ng class president nila.

Tumango nalang ako bago umalis sa room nila at mag isang naglakad pauwi.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 28 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mr. Midnight (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon